PANALANGIN

NG PAMAMAGITAN

 

 

 

HARVESTIME INTERNATIONAL INSTITUTE

 

Ang kursong ito ay bahagi ng Harvestime International Institute,  isang programang inihanda upang mabigyang kakayahan ang mga mananampalataya tungo sa mabisang pagaaning espirituwal.

 

Ang batayang paksa ng pagsasanay na ito ay ituro ang mga itinuro ni Jesus, kung paanong ang mga mangingisda, kolektor ng buwis at iba pa, ay binago Niya at naging mga mabubungang Cristiano at ang mga ito ay naghatid ng ebanghelyo sa kanilang daigdig na may kapahayagan ng kapangyarihan.

 

Ang manwal na ito ay isang kurso na kabilang sa ilang mga modules ng kurikulum na gumagabay sa mga mananampalataya mula sa pagmamasid, tungo sa pagsasagawa, pagpaparami, at pagsasangkot upang maabot ang ebanghelisasyon.

 

Para sa dagdag na impormasyon tungkol sa mga dagdag ng mga kurso, sumulat sa:

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Harvestime International Network

14431 Tierra Dr.

Colorado Springs, CO 80921

 

© Harvestime International Institute

 

 

 

 

 

NILALAMAN

 

 

Paano Gamitin ang Manwal na ito         .           .           .           .           .           .           I

 

Mga Mungkahi Para sa Sama-samang Pag-aaral           .           .           .           .           II

 

Pambungad Ng Kurso  .           .           .           .           .           .           .           .           1

 

Mga Layunin ng Kurso .           .           .           .           .           .           .           2

 

 

1. Pambungad Sa Pananalangin         .           .           .           .           .           .           3

 

2. Panalangin Ng Pamamagitan         .           .           .           .           .           .           10

 

3. Mga Espirituwal Na Kapangyarihan Para Sa Pananalangin Para Sa Iba   .           16

 

4. Paano Manalangin Para Sa Iba      .           .           .            .           .           .           30

 

5. Mga Balakid Sa Mabisang Pananalangin Para Sa Iba        .           .           .           41

 

6. Gamitin Ang Modelong Panalangin Upang Mamagitan     .          .           .           45

 

7. Panalangin Ng Pamamagitan Para Sa Pagbabagong-Buhay          .           .            57

 

8. Pagpapasimula At Pagpapatuloy    .          .            .            .          .           .            72

 

Unang Apendise: Listahan Ng Mga Panalangin Sa Biblia     .           .           .            82

 

Ikalawang Apendise: Patnubay Sa Pag-aaral: Pananalangin Para Sa Iba

                                                                        Ayon Sa Biblia .          .           .            93

 

Mga Sagot Sa Pansariling Pagsusulit  .           .           .           .           .           .            94

 

 

 

               

 

 

 

PAANO GAMITIN ANG MANWAL NA ITO

 

PORMAT NG MANWAL

 

Mga Layunin:  Ito ang mga layuning na dapat maabot sa pagaaral ng kabanata. Basahin muna ang mga ito bago simulan ang aralin.

 

Susing Talata:  Ang talatang ito ang nagbibigay diin sa kaisipan ng kabanata. Isaulo ito.

 

Nilalaman ng Kabanata:  Pagaralan ang bawat seksyon. Gamitin ang iyong Biblia sa pagtingin sa mga reperensya na hindi nalimbag sa manwal.

 

Pansariling-Pagsusulit: Isagawa ang pagsusulit na ito pagkatapos pagaralan ang kabanata. Sikaping sagutin ang mga tanong na hindi ginagamit ang Biblia o ang manwal na ito. Pag natapos na ang Pangsariling-Pagsusulit, ihambing ang inyong mga sagot sa Seksyon ng mga Sagot sa dulo ng aklat.

 

Para sa Dagdag na Pag-aaral: Ang seksyon na ito ay tutulong sa iyo na ituloy ang iyong pagaaral ng Salita ng Diyos, palaguin ang inyong kakayahang magaral, at iangkop ang iyong natutuhan sa buhay at ministeryo.

 

Pangwakas na Pagsusulit: Kung ang pag-enrol mo sa kursong ito ay upang makaipon ng credits, kailangang kumuha ka ng Pangwakas na Pagsusulit para sa kursong ito. Sa pagtatapos ng kursong ito, kumpletuhin ang pagsususlit at ibalik ito ayon sa tagubilin upang mabigyan ng grado.

 

 

DAGDAG NA KAILANGANG GAMIT

 

Kakailanganin mo ang salin sa Tagalog- Ang Biblia

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

I

MGA MUNGKAHI PARA SA SAMA-SAMANG

PAG-AARAL

 

UNANG PAGTITIPON

 

Pasimula: Magsimula sa panalangin at pagpapakilala. Magkilanlan at ilista ang mga magaaral.

Ilatag ang mga Pamararaan sa Grupo: Tiyakin kung sino ang mangunguna sa mga pagtitipon, ang oras, ang lugar, at petsa para sa mga sesyon.

 

Praise and Worship: Anyayahan ang presensya ng Espiritu Santo sa inyong mga sesyon ng pagsasanay.

 

Ipamahagi ang mga Manwal sa mga Magaaral: Ipabatid ang paksa ng manwal, pormat, at mga layunin ng kurso na nakatala sa mga paunang pahina ng manwal na ito.

 

Ibigay ang Unang Takdang-Aralin: Babasahin ng mga magaaral ang mga itinakdang kabanata at gawin ang Pangsariling-Pagsusulit bago maganap ang unang pagtitipon. Ang bilang ng kabanata na masasakop kada pagtitipon ay naka depende sa haba, nilalaman ng mga kabanata at kakayahan ng grupo.

 

PANGALAWA AT MGA SUMUSUNOD

NA MGA PAGTITIPON

 

Pasimula: Manalangin.  Tanggapin at irehistro ang sinumang bagong magaaral at bigyan sila ng manwal. Ilista ang mga present. Magdaos ng Praise and Worship.

 

Pagbabalik-Aral: Magbigay ng maikling kabuuan ng mga pinagralan sa nakaraang pagtitipon.

 

Aralin: Talakayin ang bawat seksyon ng kabanata na ginagamit ang mga PAMAGAT NA NAKATITIK NG MALAKING MGA LETRA bilang balangkas ng pagtuturo. Hayaang magtanong o mag-komentaryo ang mga magaaral sa kanilang mga napagaralan na. Iangkop ang mga aralin sa buhay at mga ministeryo ng iyong mga magaaral.

 

Pangsariling-Pagsusulit: Balikan ang Pangsariling-Pagsusulit na natapos na ng mga magaaral. (Bigyang-pansin: Kung hindi mo nais na tingnan ng mga magaaral ang mga sagot sa Pangsariling-Pagsusulit, maaari mong alisin ang mga pahina ng mga sagot sa dulo ng manwal.

 

Para sa Dagdag na Pagaaral: Maaari mong gawin ng sama-sama o isahan ang mga proyekto .

 

Pangwakas na Pagsusulit: Kung ang iyong grupo ay nag-patala para magkaroon ng credit, kailangan ang Pangwakas na Pagsusulit. Magpa-kopya para sa bawat magaaral at pangasiwaan ng pagsusulit sa pagtatapos ng kurso.

 

II


PAMBUNGAD

 

Ikaw ay magpapasimula ng isang paglalakbay na espirituwal. Sa pamamagitan ng mga pahina ng manwal na ito, matututuhan mo ang isang makapangyarihang makalangit na pinagmumulan ng kayamanan na bukas sa Katawan ni Cristo, ito ang pananalangin ng pamamagitan.

 

Mapag-aaralan mo kung ano ang pananalangin ng pamamagitan at kung paano mo ito gagawing epektibo sa paggamit ng makapangyarihang espirituwal na pinagmumulan na ibinibigay para sa layuning ito. Malalaman mo kung ano ang dapat ipanalangin, paano mapapanagumpayan ang mga balakid sa pananalangin ng pamamagitan, at kung paano magsisimula at magpapatuloy.

 

Ang iyong buhay espirituwal at ministeryo ay hindi na magiging tulad ng dati. Nakahanda ka na bang magpasimula sa nakakapanabik na espirituwal na paglalakbay na ito?

 

            May isang dako na hindi mo mahihipo ang mga mata

            Ng mga taong bulag upang bigyan sila ng biglaang paningin

            May isang dako na hindi mo masasabing, “Bumangon ka!”

            Sa mga namamatay na bilanggo, na natatalian ng tanikala ng kadiliman.

 

            May isang dako na hindi mo maaabot ang kayamanan

            Ng mga gintong inimbak, at ilaan ito para sa Panginoon

            May isang dako sa isang malayong pampang

            Kung saan hindi mo madala ang manggagawa at ang Salita;

            May isang dako na ang kapangyarihan ng Langit

            Ay kumikilos bilang tugon sa iyong taimtim na dalangin.

 

            May isang dako- isang tahimik na nagtitiwalang sandali

            Kung saan ang Dios mismo ay nananaog at nakikibaka para sa iyo.

            Saan ang dakong ito? Nagtatanong ka ba?

            O kaluluwa, ito ang tagong pook ng pananalangin!

 

                                                                                                    - Di kilala ang may akda -

           

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

MGA LAYUNIN NG KURSO

 

Sa pagtatapos ng kursong ito, may kakayahan kang:

 

  • Ibigay ang kahulugan ng panalangin.
  • Ipaliwanag kung paano tinutugon ang panalangin.
  • Ibuod ang bahagi ng panalangin sa buhay ni Jesucristo.
  • Tukuyin ang mga antas ng panalangin.
  • Tukuyin ang iba’t ibang uri ng panalangin.
  • Ibigay ang kahulugan ng pananalangin ng pamamagitan.
  • Ipaliwanag ang basihan sa Biblia ng ministeryo ng mananampalataya bilang isang tagpamagitan sa pananalangin.
  • Tukuyin si Jesucristo bilang isang modelo ng tagapamagitan sa pananalangin.
  • Ilarawan kung paano ginagawa ang pamamagitan sa pananalangin.
  • Ipaliwanag kung bakit mahalaga ang pananalangin ng pamamagitan.
  • Gumamit ng mga espirituwal na panglaban sa pamamagitan sa pananalangin, tulad ng ibinigay na kapangyarihan at kapamahalaan, pagtatali at pagpapalaya, ang Pangalan ni Jesus, ang dugo ni Jesus, at pag-aayuno.
  • Ipaliwanag kung paano mamagitan sa panalangin.
  • Ibuod ang mga prinsipyo ng epektibong pananalangin ng pamamagitan.
  • Tukuyin kung ano ang dapat ipanalangin ng may pamamamagitan.
  • Gamitin ang mga pangako ng Dios upang mamagitan sa panalangin.
  • Tukuyin at alisin ang mga balakid sa epektibong pananalangin.
  • Alamin kung kailan hindi dapat manalangin.
  • Magbigay ng mga reperensya sa Kasulatan tungkol sa modelong panalangin.
  • Ipaliwanag kung bakit ang Panalangin ng Panginoon ay panalangin ng pamamagitan.
  • Kabisahin ang Panalangin ng Panginoon (Ama Namin).
  • Gamitin ang Ama Namin bilang patnubay sa pananalangin ng pamamagitan.
  • Ibigay ang kahulugan ng pagbabagong-buhay.
  • Ipaliwanag kung paano tayo makapaghahanda sa pagdating ng pagbabagong-buhay.
  • Kilalanin kung kailan kailangan ang pagbabagong-buhay.
  • Tukuyin ang mga palatandaan ng panlalamig na espirituwal.
  • Ibuod ang mga prinsipyo ng Biblia patungkol sa pagbabagong-buhay.
  • Tukuyin ang mga balakid sa pagbabagong-buhay.
  • Ipaliwanag kung paano gamitin ang “Plano ng Dios para sa Pagbabagong-buhay” upang mamagitan sa pananalangin.
  • Gumawa ng plano para sa isang maayos na pananalangin.
  • Lumikha ng manwal para sa personal na pananalangin.
  • Sumangkot sa pandaigdigang pananalangin ng pamamagitan.
  • Tukuyin ang mga problema at mga solusyon sa pagpapasimula at pagpapatuloy.
  • Italaga mo ang iyong sarili sa ministeryo ng pananalangin ng pamamagitan.

 

 

UNANG  KABANATA

 

PAMBUNGAD SA PANANALANGIN

 

MGA LAYUNIN:

 

Sa pagtatapos ng kabanatng ito, may kakayahan kang:

 

·        Ibigay ang katuturan ng panalangin.

·        Ipaliwanag kung paano tinutugon ang panalangin.

·        Ibuod ang bahagi ng pananalangin sa buhay ni Jesucristo.

·        Tukuyin ang mga antas ng pananalangin.

·        Tukuyin ang iba’t ibang uri ng panalangin.

 

SUSING MGA TALATA:

 

Magsihingi kayo, at kayo’y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo’y mangakasusumpong; magsituktok kayo, at kayo’y bubuksan:

Sapagkat ang bawat humihingi ay tumatanggap; at ang humahanap ay nakasusumpong; at ang tumutuktok ay binubuksan.  (Mateo 7:7-8)

 

PAMBUNGAD

 

Ipinakikilala ng kabanatang ito ang paksa ng panalangin. Matututuhan mo ang katuturan ng panalangin at ang kahalagahang inilagay ni Jesus dito. Matututuhan mo kung paanong sinasagot ang mga panalangin, at ang iba’t ibang antas at uri ng pananalangin.

 

ANG KATUTURAN NG PANALANGIN

 

Ang panalangin ay pakikipagusap sa Dios. Iba’t iba ang hugis nito, subalit ito ay nagaganap kung ang tao ay nakikipag-usap sa Dios, at ang Dios ay nakikipag-usap sa tao. Inilalarawan ang panalangin na:

 

Tumatawag sa pangalan ng Panginoon:                                Genesis 12:8

Tumatangis sa Dios:                                                               Awit 27:7; 34:6

Lumalapit sa Dios:                                                                 Awit 73:28; Hebreo 10:22

Tumitingala:                                                                           Awit 5:3

Itinataas ang kaluluwa:                                                           Awit 25:1

Itinataas ang puso:                                                                  Panaghoy 3:41

Pagbubuhos ng puso:                                                              Awit 62:8

Pagbubuhos ng kaluluwa:                                                       I Samuel 1:15

      Tumatangis sa Langit:                                                            II Mga Cronica 32:20

      Nakikiusap sa Panginoon:                                                      Exodo 32:11

Nagsasaliksik sa Dios:                                                            Job 8:5

Nagsasaliksik sa mukha ng Panginoon:                                   Awit 27:8

Namamanhik:                                                                           Job 8:5; Jeremias 36:7

 

Ang pananalangin ay hindi lamang pakikipag-usap sa Dios, kundi ito rin ay pakikinig sa Kaniya. Ang pananalangin ay pakikipag-usap, at ang pakikipag-usap na nag-iisa ay hindi magtatagal. Kung ikaw ay manalangin, asahan mong sasagot ang Dios. Madalas ito ay gagawin Niya sa pamamagitan ng Kaniyang Salita o sa isang “maliit na tinig” na “nagungusap” sa iyong puso. Kung minsan ay bibigyan ka Niya ng pangitain o ipapaliwanag sa iyong espiritu kung ano ang idinalangin mo sa makalangit na wika.

 

Huwag ka basta magmamadali at magtatambak ng mga kahilingan sa Dios upang matapos agad ang panalangin. Bigyan mo Siya ng panahon na mangusap sa iyo. Sasagutin Niya ang iyong mga katanungan, bibigyan ka Niya ng direksiyon para sa araw na iyon, at tutulungan ka Niya na maayos ang iyong mga prioridad. Kung minsan ay bibigyan ka Niya ng mensahe na magpapalakas ng iyong loob upang ibahagi sa iba na ipinananalangin mo.

 

Walang iisang tamang posisyon sa pananalangin. Maaari kang manalangin na:

 

            Nakatayo:                                      I Mga Hari 8:22; Marcos 11:25

            Yumuyukod:                                 Awit 95:6

            Nakaluhod:                                   II Cronica 6:13; Awit 95:6; Lucas 22:41; Gawa 20:36

            Nakadapa:                                     Bilang 16:22; Josue 5:14; I Cronica 21:16; Mateo 26:39

      Iginawad ang mga kamay:           Isaias 1:15;  II Cronica 6:13

      Nakataas ang mga kamay:            Awit 28:2; Panaghoy 2:19; I Timoteo 2:8

 

PAANO NATUTUGON ANG PANALANGIN

 

Ipinakita ng Biblia na ang panalangin ay tinutugon:

 

      Kung minsan ay kapagdaka:                        Isaias 6:24; Daniel 9:21-23

      Naaantala kung minsan:                               Lucas 18:7

      Kakaiba sa nais nating mangyari:                II Corinto 12:8-9

      Higit pa sa ating inaasahan:                         Jeremias 33:3; Efeso 3:20

 

ANG BUHAY-PANALANGIN NI JESUS

 

Dapat ay mahalaga ang panalangin sa atin sapagkat ito ay mahalaga sa Panginoong Jesus. Si Jesus ang pinakadakilang halimbawa natin ng pananalangin ng pamamagitan. Pag-aralan ang mga sumusunod na mga reprensya tungkol sa buhay-panalangin ni Jesus:

 

INUNA NI JESUS ANG PANANALANGIN:

 

      -Nanalangin Siya anumang oras sa araw o gabi:                 Lucas 6:12-13

      -Inuna Niya ang pananalangin kay sa pagkain:                   Juan 4:31-32

      -Inuna Niya ang pananalangin kay sa mga gawain:            Juan 4: 31-32

      -Tinuruan Niyang manalangin ang mga alagad:                 Mateo 6:9-13

 

ANG PANALANGIN AY KAALINSABAY NG MAHAHALAGANG PANGYAYARI SA BUHAY NIYA:

 

      -Sa pagbautismo sa Kaniya:                                          Lucas 3:21-22

      -Sa una Niyang paglalakbay sa ministeryo:                  Marcos 1:35; Lucas 5:16

      -Bago mamili ng mga alagad:                                       Lucas 6:12-13

      -Bago magpakain ng 5,000:                                          Mateo 4:19-23; Marcos 6:41,46;

                                                                                             Juan 6:11,14-15

      -Sa pagpapakain ng 4,000:                                            Mateo 15:36; Marcos 8:6,7

      -Bago nagpahayag si Pedro:                                          Lucas 9:20

      -Bago nagbagong anyo:                                                 Lucas 9:28, 29

      -Sa pagbabalik ng pitong pu:                                         Mateo 11:25; Lucas 10:21

      -Sa libingan ni Lazaro:                                                  Juan 11:41-42

      -Nang pinagpala Niya ang mga bata:                            Mateo 19:13

      -Sa pagbabalik ng ilang mga Griego:                            Juan 12:27-28

      -Para kay Pedro:                                                             Lucas 22:32

      -Sa pagkakaloob ng Espiritu Santo:                               Juan 14:16

      -Sa daang pantungo sa Emmaus:                                    Lucas 24:30-31

      -Bago Siya umakyat sa Langit:                                       Lucas 24:50-53

      -Para sa Kaniyang mga tagasunod:                                 Juan 17

      -Bago ang Kaniyang paglilitis:                                        Mateo 26:26-27;

                                                                                               Marcos 14:22-23; Lucas 22:17-19

 

MGA ANTAS NG PANANALANGIN

 

May tatlong antas ng masidhing pananalangin: Paghingi, pagsaliksik, at pagkatok:

 

Magsihingi kayo, at kayo’y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo’y mangakasusumpong; magsituktok kayo, at kayo’y bubuksan:

 

Sapagkat ang bawat humihingi ay tumatanggap; at ang humahanap ay nakasusumpong; at ang tumutuktok ay binubuksan.  (Mateo 7:7-8)

 

Ang paghingi ang unang antas ng pananalangin. Ito ay pagsasabi ng kahilingan sa Dios at pagtanggap kaagad ng kasagutan. Upang tumanggap, ang kondisyon ay humingi:

 

... kayo’y wala, sapagkat hindi kayo nagsisihingi.   (Santiago 4:2)

 

Ang pananaliksik ay mas malalim na antas ng pananalangin. Dito ang mga katugunan ay hindi kaagad-agad ibinibigay tulad sa antas ng paghingi. Ang paghihintay ng 120 sa Silid sa Itaas ay isang halimbawa ng pananaliksik. Ang mga lalake at babaing ito ay nakatagpo ng katuparan ng pangako ng Epsiritu Santo sapagkat sila ay nagpatuloy na magsaliksik hanggang sa dumating ang katugunan (Gawa 1-2).

 

Ang pagkatok ay mas malalim na antas. Ito ay pagtitiyaga sa pananalangin kung ang katugunan ay matagal bago dumating. Ito ay inilarawan ni Jesus sa talinghaga sa Lucas 11:5-10. Ito rin ay ipinakita sa pagtitiyaga ni Daniel na “kumatok” kahit wala siyang nakikitang resulta sapagkat pinigilan ni Satanas ang katugunan mula sa Dios (Daniel 10).

 

MGA URI NG PANANALANGIN

 

Tinawagan ni Pablo ang lahat ng mga mananampalataya na manalangin ng “lahat ng panalangin” (Efeso 6:18). Ang isa pang salin ay nagsasabing “manalangin ng lahat ng uri ng panalangin” (Goodspeed Translation). Ito ay patungkol sa iba’t ibang uri ng panalangin tulad ng:

 

1. PAGSAMBA AT PAPURI:

 

Pumapasok ka sa presensiya ng Dios na may pagsamba at papuri:

 

Magsipasok kayo sa Kaniyang mga pintuang-daan na may pagpapasalamat, at sa

Kaniyang looban na may pagpupuri.  (Awit 100: 4)

 

Ang pagsamba ay ang pagbibigay ng karangalan at pagmamahal. Ang papuri ay pagtanaw ng utang na loob, hindi lamang para sa ginawa ng Dios subalit kung sino Siya. Dapat mong sambahin ang Dios sa espiritu at katotohanan:

 

Datapuwat dumarating ang oras, at ngayon nga, na sasambahin ng mga tunay na mananamba ang Ama sa espiritu at katotohanan; sapagkat hinahanap ng Ama ang mga gayon na maging mananamba sa Kaniya.

 

Ang Dios ay espiritu: at ang mga sa Kaniya’y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan.  (Juan 4: 23-24)

 

Ang ibig sabihin ng pagsamba sa Dios sa katotohanan ay sumasamba tayo ayon sa inihayag sa Salita ng Dios. Ang sumamba sa espiritu ay ang pagsamba ng taimtim sa kapangyarihan ng Espiritu Santo, mula sa kaibuturan ng iyong pagkatao, na inilalagay Siya sa ibabaw ng lahat. Kung sumasamba ka sa espiritu, pinahihintulutan mo ang Banal na Espiritu na patnubayan ang iyong pagsamba. Hindi ka gumagamit ng mga pormulang gawa ng tao o mga rituwal sa pagsamba. Hindi ka basta nananalangin ng paulit-ulit na ang isip mo ay naglalakbay nang malayo. Sa halip ay binubuksan mo ang kaibuturan ng iyong puso at isip, at nagpapailanlang ka ng papuri at paghanga mula sa iyong sariling mga salita. Kung minsan, and Espiritu Santo ay hahawakan ka ng lubusan at ikaw ay sasamba sa “ibang wika.” Ito ang lengguahe ng iyong panalangin.

 

Ang papuri at pagsamba ay :

 

            Pag-aawitan:                                                         Awit 9: 2,11; 4-:3; Marcos 14:26

            Naririnig na papuri:                                              Awit 103:1

            Pagsigaw:                                                             Awit 47:1

            Pagtataas ng mga kamay:                                     Awit 63:4; 134:2; I Timoteo 2:8

            Pagpalakpak:                                                       Awit 47:1

            May mga instrumentong pangmusika:                Awit 150:3-5

            Nakatayo:                                                            II Cronica 20:19

            Yumuyukod:                                                        Awit 95:6

            Sumasayaw:                                                         Awit 149:3

            Nakaluhod:                                                           Awit 95:6

            Nakahiga:                                                             Awit 149:5

 

2. PATATALAGA:

 

Ito ang panalangin na itinatalaga mo ang iyong buhay at kalooban sa Dios. Kasama dito ang panalangin ng paglalaan at pagtatalaga sa Dios, sa Kaniyang gawain, at sa Kaniyang mga layunin.

 

3. PAKIUSAP:

 

Ito ay mga panalangin na humihingi. Ang paghingi ay dapat gawin ayon sa kalooban ng Dios tulad ng sinabi sa Kaniyang Salita. Ang pakiusap ay nasa antas ng paghingi, pagsaliksik, o pagkatok. Pagsusumamo ay isa pang salita na ganito rin ang kahulugan. Ang pagsusumamo ay “namamanhikan sa Dios o matinding pakikiusap na tugunin ang isang pangangailangan.”

 

4. PAGKUKUMPISAL AT PAGSISISI:

 

Ito ay panalangin ng pagsisisi na humihingi ng tawad para sa kasalanang nagawa:

 

Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, ay tapat at banal Siya na tayo’y patatawarin sa ating mga kasalanan, at tayo’y lilinisin sa lahat ng kalikuan.

(I Juan 1:9)

 

5. PANALANGIN NG PAMAMAGITAN:

 

Ito ay pananalangin para sa iba. Ang namamagitan ay kumukuha ng lugar ng iba o nakikiusap para sa iba. Dito sa uri ng panalanging ito nakatuon ang araling ito.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING  PAGSUSULIT

 

1. Isulat ang Susing Talata na kinabisa mo.

 

________________________________________

________________________________________

2. Ibigay ang katuturan ng panalangin.

 

________________________________________

________________________________________

3. Ipaliwanag kung paano tinutugon ang panalangin.


________________________________________

________________________________________

4. Ibuod ang bahagi ng panalangin sa buhay ni Jesuscristo.

 

________________________________________

________________________________________

5. Tukuyin at ibigay ang kahulugan ng mga antas ng panalangin na tinalakay sa kabanatang ito.

________________________________________

________________________________________

6. Tukuyin at ibuod ang limang uri ng panalangin na tinalakay sa kabanatang ito.

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________


 

 

(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito.)

 

 

PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL

 

1. Narito ang isang patnubay sa panalangin upang makatulong sa pananalangin mo para sa mga kontinente ng sanglibutan:

 

            Lunes:                              Ipanalangin ang Asia

            Martes:                             Ipanalangin ang Europa

            Miyerkoles:                      Ipanalangin ang Africa

            Huwebes:                         Ipanalangin ang North America

            Biyernes:                          Ipanalangin ang Latin America

            Sabado:                             Ipanalangin ang Oceania (mga bansa sa pulo)

            Linggo:                             Ipanalangin ang buong mundo

 

2. Pag-aralan ang mga sumusunod na mga reperensya at subukin mo na manalangin sa iba’t ibang posisyon:

 

            Nakatayo:                            I Hari 8:22; Marcos 11: 25

            Nakayuko:                           Awit 95:6

            Nakaluhod:                          II Cronica 6:13; Awit 95:6; Lucas 22:41; Gawa 20:36

            Nakadapa:                            Bilang 16:22; Josue 5:14; I Cronica 21:16; Mateo 26:39

            Iginawad ang kamay:           Isaias 1:15; II Cronica 6:13

            Nakataas ang mga kamay:    Awit 28:2; Panaghoy 2:19; I Timothy 2:8

 

3. Pag-aralang muli ang mga sumusunod na mga reperensya at subukin mo na manalangin at sumamba sa Dios sa iba’t ibang paraan na sinabi ng Kasulatan:                           

 

Pag-aawitan:                                                         Awit 9: 2,11; 4-:3; Marcos 14:26

            Naririnig na papuri:                                              Awit 103:1

            Pagsigaw:                                                             Awit 47:1

            Pagtataas ng mga kamay:                                     Awit 63:4; 134:2; I Timoteo 2:8

            Pagpalakpak:                                                       Awit 47:1

            May mga instrumentong pangmusika:                Awit 150:3-5

            Nakatayo:                                                            II Cronica 20:19

            Yumuyukod:                                                        Awit 95:6

            Sumasayaw:                                                         Awit 149:3

            Nakaluhod:                                                           Awit 95:6

            Nakahiga:                                                             Awit 149:5

 

 

 

 

 

 

 

IKALAWANG  KABANATA

 

PANALANGIN NG PAMAMAGITAN

 

MGA LAYUNIN:

 

Sa pagtatapos ng kabanatang ito, may kakayahan kang:

 

  • Ibigay ang katuturan ng panalangin.
  • Ipaliwanag ang basihan sa Biblia ng ministeryo ng pamamagitan sa panalangin ng isang mananampalataya.
  • Tukuyin si Jesuscristo bilang ating modelo sa pamamagitan.
  • Ipaliwanag kung paano mamagitan.
  • Ipaliwanag kung bakit mahalaga ang mamagitan sa panalangin.

 

SUSING TALATA:

 

Dahil dito naman Siya’y nakapagliligtas na lubos sa mga nagsisilapit sa Dios sa pamamagitan Niya, palibhasa’y laging nabubuhay Siya upang mamagitan sa kanila.

(Hebreo 7: 25)

 

PAMBUNGAD

 

Sa huling aralin natutuhan mo na ang panalangin sa pamamagitan ay panalangin para sa iba. Ang namamagitan ay isa na kumukuha ng lugar ng iba o nakikiusap para sa kaso ng iba. Kung nananalangin ka sa ganitong paraan, ikaw ay namamagitan:

 

“Ang pananalangin sa iba ay maaaring ipakahulugan bilang banal, may paniniwala at matiyagang pananalangin kung saan mayroong nagsusumamo sa Diyos para sa iba na talagang nangangailangan ng Kaniyang pamamagitan.” (Ganap na Buhay Biblia)

 

Itong uri ng panalanging ito ang binibigyang diin sa manwal na ito. Sa araling ito matututuhan mo ang basihan sa Biblia ng panalangin ng pamamagitan at tungkol sa ating modelo ng pamamagitan, ang Panginoong Jesucristo. Matututuhan mo rin kung paano mamagitan at kung bakit ito ay mahalagang ministeryo.

 

ANG BASIHAN SA BIBLIA NG PANALANGIN NG PAMAMAGITAN

 

Ang basihan sa Biblia sa ministeryo ng pamamagitan sa Bagong Tipan ay ang ating tawag bilang mga saserdote sa Dios. Ang Salita ng Dios ay nagsasabi na tayo ay mga saserdoteng banal

 (I Pedro 2:5), isang makaharing pagkasaserdote (I Pedro 2:9), at pangulo ng mga hari sa lupa (Apocalipsis 1:5).

 

Ang “background” upang maunawaan ang tawag sa pamamagitan ng saserdote ay makikita sa Lumang Tipang halimbawa ng pagkasaserdote ng lipi ni Levi. Ang responsabilidad ng saserdote ay tumayo sa harap at sa pagitan. Tumatayo siya sa harap ng Dios upang maglingkod sa Kaniya na may mga sakripisyo at mga handog. Ang saserdote ay tumatayo sa pagitan ng banal na Dios at makasalanang tao na magkasama sila sa dako ng pag-aalay ng dugo bilang sakripisyo.

 

Ang Hebreo 7: 11-19 ay nagpapaliwanag ng pagkakaiba ng ministeryo ng saserdote sa Luma at Bagong Tipan. Ang pagkasaserdote sa Lumang Tipan ay minana sa mga henerasyon sa pamamagitan ng lahi ng tribo ni Levi. “Ang pagkasaserdote ni Melkisidek” na tinuran sa talatang ito ay ang “bagong kaayusan” ng esprituwal na mga saserdote kung saan ang Panginoong Jesus ang Dakilang Saserdote. Ito ay napasa atin sa pamamagitan ng Kaniyang dugo at ng ating pagkapanganak na espirituwal bilang mga bagong nilalang kay Cristo. 

 

ANG MODELONG TAGAPAMAGITAN

 

Nasulat sa Biblia na ang pakay ng Dios sa pagsusugo kay Jesus ay upang Siya ay maging isang tagapamagitan:

 

At Kaniyang nakita na walang tao, at namangha na walang tagapamagitan: kaya’t ang Kaniyang sariling bisig ay nagdala ng kaligtasan sa Kaniya; at ang Kaniyang katuwiran ay umalalay sa Kaniya.  (Isaias 59: 16)

 

Si Jesus ay tumatayo sa pagitan ng Dios at ng makasalanang tao, kung paanong ganoon ang ginawa ng mga saserdote sa Lumang Tipan:

 

Sapagkat may isang Dios at may isang Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus.  (I Timoteo 2:5)

 

Si Cristo Jesus na namatay, oo, yaong nabuhay na maguli sa mga patay na Siyang nasa kanan ng Dios, na Siya namang namamagitan dahil sa atin.  (Roma 8: 34)

 

Dahil dito naman Siya’y nakapagliligtas na lubos sa mga nagsisilapit sa Dios sa pamamagitan Niya, palibhasa’y laging nabubuhay Siya upang mamagitan sa kanila.

(Hebreo 7: 25)

 

Pinagsama ni Jesus ang makasalanang tao at ang banal na Dios sa lugar ng sakripisyo ng dugo para sa kasalanan. Hindi na kailangan ang dugo ng mga hayop tulad sa Lumang Tipan. Makalalapit na tayo sa Dios sa pamamagitan ng dugo ni Jesus na nabubo sa krus ng Kalbaryo para sa kapatawaran ng mga kasalanan. Dahil sa dugo ni Jesus, makalalapit ka na ngayon sa Dios nang may katapangan na hindi nahihiya (Hebreo 4: 14-16).

 

Si Jesus ay isang tagapamagitan nang Siya ay nandito sa lupa. Ipinanalangin Niya ang mga may sakit at inaalihan ng mga demonyo. Idinalangin Niya ang Kaniyang mga alagad. Idinalangin ka rin Niya nang namagitan Siya para doon sa mga mananampalataya sa Kaniya sa hinaharap. Ipinagpatuloy ni Jesus ang ministeryo Niya ng pamamagitan pagkatapos Niyang mamatay at pagkabuhay na maguli nang Siya ay nagbalik na sa Langit. Siya ngayon ay namamagitan para sa atin sa Langit.

 

PAANO MAMAGITAN SA PANALANGIN

 

Bilang mga tagpamagitan na sumusunod sa gawain ng saserdote sa Lumang Tipan at sa padron ni Jesus sa Bagong Tipan, tayo ay tumatayo sa pagitan ng banal na Dios at makasalanang tao. Upang tayo ay maging epektibo sa pagtayo “sa pagitan” tayo muna ay tumayo “sa harap” ng Dios upang lalo natin Siyang makilala, sapagkat ito ang kailangan upang matupad ang gawaing ito.

 

Ang Bilang 14 ang pinakadakilang bahagi sa Biblia na tungkol sa panalangin ng pamamagitan.

Si Moises ay nakatayo sa pagitan ng banal na Dios at makasalanang tao sapagkat tumayo muna siya “sa harap” ng Dios, at sila ay malapit na magkakilala. Ang Bilang 12:8 ay nagtala na ang Dios ay nakipag-usap kay Moises bilang isang kaibigan at hindi sa pamamagitan ng mga pangitain at mga panaginip tulad ng ginawa Niya sa ibang mga propeta.

 

Bilang mga mananampalataya ng Bagong Tipan, hindi na tayo nagsasakripisyo ng mga hayop tulad ng sa Lumang Tipan. Tumatayo tayo sa harap ng Panginoon upang mag-alay ng espirituwal na sakripisyo ng pasasalamat (Hebreo 13:5) at ang sakripisyo ng ating mga buhay (Roma 12:1).

Ito ang basihan ng malapit na kaugnayan sa Dios na tayo ay nakatatayo “sa pagitan” Niya at ng iba, namamagitan para sa iba.

 

Gumamit sa Pedro ng dalawang salita upang ilarawan ang ministeryo ng saserdote. “Banal” at “makahari.” Kinakailangan ang kabanalan sa pagtayo mo sa harap ng Dios (Hebreo 12:14). Kaya nating gawin ito dahil lamang sa kabanalan ni Cristo, hindi ang sarili nating kabanalan. Ang pagka maharlika ang naglalarawan sa kapamahalaan ng hari, na ibinigay sa atin bilang “pamilya ng Hari,” na tayo ay nakalalapit sa trono ng Dios.

 

Kung minsan itong ministeryo ng saserdote ng pamamagitan ay ginagawa nang may pagkaunawa. Ito ay nangyayari kung ikaw ay namamagitan para sa iba sa sarili mong wika at nauunawaan mo ang iyon sinasabi.

 

Una-una nga sa lahat ng mga bagay, ay iniaaral ko na manaing, manalangin, mamagitan, at magpasalamat na patungkol sa lahat ng mga tao;

 

Ang mga hari at ang lahat ng nangasa mataas na kalagayan… (I Timoteo 2: 1-2)

 

Kung minsan, ang pamamagitan ay ginagawa ng Espiritu Santo. Maaaring ito ay mga ungol bunga ng mabigat na pasaning espirituwal. Maaari rin ito sa hindi nakikilalang wika. Kapag nangyari ito, ang Espiritru Santo ay nangungusap sa iyo nananalanging derecho sa Dios ayon sa kalooban ng Dios:

At gayon din naman ang Espiritu ay tumutulong sa ating kahinaan: sapagkat hindi tayo marunong manalangin ng nararapat; ngunit ang Espiritu rin ang namamagitan dahil sa atin ng mga hibik na hindi maisaysay sa pananalita.

(Roma 8: 26)

 

Sapagkat ang nagsasalita ng wika ay hindi sa mga tao nagsasalita, kundi sa Dios; sapagkat walang nakauunawa sa kaniya; kundi sa espiritu ay nagsasalita ng mga hiwaga.  (I Corinto 14:2)

 

Hindi nauunawaan ng isip ang ganitong uri ng pamamagitan, subalit ito ang pinakamalalim na uri ng panalangin ng pamamagitan at ang pinakamabisa sapagkat ito ay ginagawa “ayon sa kalooban ng Dios.” Ang iyong isip at kalooban ay hindi makaaapekto sa mga panalangin na ipinanalangin ng Espiritu Santo sa pamamagitan mo sa isang wikang hindi mo alam. [1]

 

BAKIT MAHALAGA ANG PANALANGIN NG PAMAMAGITAN

 

Mahalaga ang panalangin ng pamamagitan dahil sa diin na ibinigay ni Jesus dito sa Kaniyang sariling ministeryo sa lupa. Ang kahalagahan nito ay makikita rin sa mga natala na mga kuwento ng mga lalake at babae na nakaranas ng mga makapangyarihang bunga sa pamamagitan ng mabisang pananalangin para sa iba.

 

Sa pamamagitan ng epektibong pananalangin ng pamamagitan, maaari kang pumaroon kahit saang dako sa mundo. Ang iyong mga panalangin ay walang hangganan sa kanilang pagpasok sa mga bansang hindi pa naaabot ng ebanghelyo. Ito ay tumatawid sa mga heograpiya, kultura, at politikal na mga hadlang. Magkakaroon ka ng epekto sa hantungan ng mga indibiduwal at ng mga bansa. Makatutulong ka sa kaligtasan ng mga buhay ng mga lalake at mga babae, mga bata, at palaganapin ang Ebanghelyo ng Kaharian ng Dios sa buong sanglibutan sa iyong pananalangin ng pamamagitan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

____________________

[1]  Para sa dagdag na impormasyon sa pagsasalita ng ibang wika, basahin ang kurso ng Harvestime International Institute na pinamagatang “Ang Ministeryo ng Espiritu Santo.”

 

PANSARILING  PAGSUSULIT

 

1. Isulat ang Susing Talata na kinabisa mo.

 

________________________________________

________________________________________

2. Ibigay ang katuturan ng panalangin ng pamamagitan.

 

________________________________________

________________________________________

3. Ipaliwanag ang basihan sa Biblia ng ministeryo ng pananalangin ng pamamagitan.

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________

4. Sino ang ating modelo sa pananalangin para sa iba?

________________________________________

5. Ipaliwanag kung paano ginagawa ang pananalangin ng pamamagitan.

 

________________________________________

________________________________________

6. Ipaliwanag kung bakit mahalaga ang panalangin ng pamamagitan.

________________________________________

________________________________________

 

 

 

 

(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata sa manwal na ito.)

 

 

PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL

 

Isa sa pinakadakilang halimbawa ng panalangin ng pamamamagitan ay ang panalangin ni Jesus na nakatala sa Juan 17. Gamitin ang banghay na ito upang pag-aralan ang panalanging ito:

 

Idinalangin ni Jesus ang Kaniyang sarili:                                       Juan 17: 1-5

 

Ibuod ang kahilingan ni Jesus para sa Kaniyang sarili:

 

________________________________________

Idinalangin ni Jesus ang Kaniyang mga alagad mismo:                 Juan 17: 6-19

 

Ibuod ang mga kahilingan ni Jesus para sa mga alagad:

 

________________________________________

Idinalangin ni Jesus ang Kaniyang mga alagad sa hinaharap:      Juan 17: 20-23

 

Ilista ang mga tiyak na kahilingan ni Jesus para sa mga alagad sa hinaharap: 

________________________________________

Tinapos ni Jesus ang Kaniyang dalangin:                                         Juan 17: 24-26

 

Ibuod kung paano tinapos ni Jesus ang Kaniyang panalangin:

 

________________________________________

Ano ang tiyak na nais Niya?

 

________________________________________

Ano ang sinabi Niya sa Kaniyang mga tagasunod?

________________________________________

 

Ano ang nais Niyang “mapasakanila”? ________________________________________

 

 

 

 

 

 

IKATLONG  KABANATA

 

MGA ESPIRITUWAL NA KAPANGYARIHAN PARA SA PANANALANGIN PARA SA IBA

 

MGA LAYUNIN:

 

Sa pagtatapos ng kabanatang ito, ikaw ay may kakayahang:

 

  • Tukuyin ang mga espirituwal na kapangyarihang ibinigay para sa pananalangin ng pamamagitan.

. Ibinigay na kapangyarihan at kapamahalaan.

. Pagtatali at pagpapalaya.

. Ang Pangalan ni Jesus.

. Ang Dugo ni Jesus.

. Pag-aayuno.

  • Gamitin ang mga espirituwal na kapangyarihang ito sa pananalangin ng pamamagitan.

 

SUSING TALATA:

 

At tinipon Niya ang labingdalawa, at binigyan sila ng kapangyarihan at kapamahalaan sa lahat ng mga demonio, at upang magpagaling ng mga sakit.

(Lucas 9:1)

 

PAMBUNGAD

 

Nagbigay ng maraming espirituwal na kapangyarihan ang Dios para sa ministeryong ito ng panalangin ng pamamagitan na itinawag sa atin. Sa araling ito ay matututuhan mo kung paano gamitin ang mga kapangyarihang ito tulad ng ibinigay na kapangyarihan at kapamahalaan, pagtatali at pagpapalaya, ang Pangalan ni Jesus, ang dugo ni Jesus, at pag-aayuno.

 

IBINIGAY NA KAPANGYARIHAN AT KAPAMAHALAAN

 

Kung tayo ay namamagitan sa panalangin tayo ay nakikipagtunggali sa ating kaaway, si Satanas, para sa mga kaluluwa ng mga lalake at babae, mga bata, para sa mga bansa, at mga espirituwal at politikal na mga lider. Hindi natin ito ginagawa sa ating sariling kakayahan o lakas, kundi batay sa espirituwal na kapangyarihan at kapamahalaan na ibinigay sa atin ni Jesus:

 

At tinipon Niya ang labingdalawa, at binigyan sila ng kapangyarihan at kapamahalaan sa lahat ng mga demonio, at upang magpagaling ng mga sakit.

(Lucas 9:1)

 

May pagkakaiba ang kapamahalaan at kapangyarihan. Tingnan mo ang halimbawa ng isang polis. Mayroon siyang badge at uniporme bilang simbolo ng kaniyang kapamahalaan. Siya ay may kapamahalaan dahil sa posisyon niya sa gobierno. Dahil sa hindi lahat ng tao ay kumikilala sa kaniyang kapamahalaan, siya ay kinakailangang magdala ng baril. Ito ang nagbibigay sa kaniya ng kapangyarihan. Ang iyong kapamahalaan laban sa kaaway ay galing kay Jesucristo at ang iyong posisyon sa Kaniya bilang mananampalataya. Ang iyong kapangyarihan laban sa kaniya ay sa pamamagitan ng Espiritu Santo:

 

At narito, ipadadala Ko sa inyo ang pangako ng Aking Ama, datapuwat magsipanatili kayo sa bayan, hanggang sa kayo’y masangkapan ng kapangyarihang galing sa itaas.  (Lucas 24: 49)

 

Tulad ng isang polis, kailangan mo ng kapamahalaan at kapangyarihan upang maging mabisang tagapamagitan, sapagkat ikaw ay nakikipagbaka laban kay Satanas. Ang mga mananampalataya ay tumatanggap ng kapamahalaan sa pamamagitan ng pagkapanganak na muli at ng kanilang posisyon kay Cristo, subalit ang iba ay hindi na nagpapatuloy sa pagtanggap ng kapangyarihan ng Espiritu Santo na siyang dapat kasama ng kapamahalaan upang maging mabisang tagapamagitan.

 

Limitado ang kapangyarihan ni Satanas, subalit wala siyang kapamahalaan. Binigyan tayo ni Jesus ng kapamahalaan at kapangyarihan laban sa lahat ng kapangyarihan ng kaaway. Ang kapangyarihang ibinigay ni Jesus ay tiyak na kapangyarihan upang gamitin sa tiyak na mga layunin sa pamamagitan:

 

KAPANGYARIHAN LABAN SA KAAWAY:

 

Mayroon kang kapamahalaan na mamagitan sa panalangin para doon sa nangangailangan ng kagalingan at paglaya:

 

At tinipon Niya ang labingdalawa, at binigyan sila ng kapangyarihan at kapamahalaan sa lahat ng mga demonio, at upang magpagaling ng mga sakit.

(Lucas 9:1)

 

KAPANGYARIHAN LABAN SA KASALANAN:

 

Mayroon kang kapamahalaan na mamagitan para doon sa mga nangangailangan ng kaligtasan:

 

Sinomang inyong patawarin ng mga kasalanan, ay ipinatatawad sa kanila: sinomang hindi ninyo patawarin ng mga kasalanan, ay hindi pinatatawad.

 (Juan 20:23)

 

KAPANGYARIHAN UPANG PALAGANAPIN ANG EBANGHELYO:

 

Mayroon kang kapamahalaan na ipanalangin ang mga manggagawa upang palaganapin ang Ebanghelyo:

 

Nang magkagayo’y sinabi Niya sa Kaniyang mga alagad, Katotohana’y ang aanihin ay marami, datapuwat kakaunti ang mga manggagawa. ( Mateo 9: 37)

PAGTATALI AT PAGPAPALAYA

 

Ang salitang “talian” ay galing sa salitang Hebreo na asar na ang kahulugan ay “talian, ikulong,

posasan, mag guwarnisyon.” Ang salitang ito ay nakasulat ng 70 beses sa Lumang Tipan na Hebreo at madalas gamitin sa pagtatali ng mga kabayo at asno (II Mga Hari 7:10).

 

Ang mga sinabi ni Jesus sa Mateo 12: 28-29 ay napakahalaga:

 

Ngunit kung sa pamamagitan ng Espiritu ng Dios nagpapalabas Ako ng mga demonio, ay dumating nga sa inyo ang Kaharian ng Dios.

 

O paano bagang makapapasok ang sinoman sa bahay ng malakas, at samsamin ang kaniyang mga pag-aari, kung hindi muna gapusin ang malakas? At kung magkagayo’y masasamsam niya ang kaniyang bahay.  (Mateo 12: 28-29)

 

Imposibleng nakawin ang mga ari-arian ng isang malakas na tao malibang itali muna siya. Si Satanas ang binabanggit ni Jesus dito na malakas na tao. Ang mga ari-arian na kukunin sa kaniya ay ang mga mahahalagang pag-aari niya, mga taong inalipin niya, kasama na yaong mga “inalihan ng diablo.”

 

Binigyan ni Jesus ang mga mananampalataya ng kapangyarihang magtali at magpalaya:

 

Ibibigay Ko sa iyo ang mga susi ng Kaharian ng Langit: at anomang iyong talian sa lupa ay tatalian sa langit; at anoman ang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit.  (Mateo 16:19)

 

Itinuro ni Jesus ang kahalagahan ng pagtatali ng masasamang espiritu bago sila palayasin, subalit ang prinsipyo ng pagtatali at pagkalag ay higit pa sa pagpapalayas ng mga demonyo. Maaari mong itali ang kapangyarihan ng kaaway sa iyong buhay, tahanan, komunidad, at iglesia. Maaari mong palayain ang mga lalake at babae mula sa kapangyarihan ng kasalanan, kawalan ng pagasa, at pagkasira ng loob na dulot ng kaaway. Sa bawat situwasyon…bawat problema…bawat hamon…mayroong isang espirituwal na susi. Ang susing iyan ay ang pagtatali at pagkakalag sa pamamagitan ng pananalangin ng pamamagitan.

 

ANG PANGALAN NI JESUS

 

Ang Pangalan ni Jesus ang ating kapamahalaan kaya’t tayo’y nakakapamagitan. Ipinangako ni Jesus n:

 

            Kung kayo’y magsisihingi ng anoman sa pangalan Ko, ay yaon ang Aking gagawin.

            ( Juan 14:14)

 

…Katotohanang, katotohanang sinasabi Ko sa inyo, Kung kayo’y hihingi ng anoman sa Ama, ay ibibigay Niya sa inyo sa Aking pangalan.  (Juan 16:23)

 

At lalakip ang mga tandang ito sa magsisisampalataya, mangagpapalabas sila ng mga demonio SA AKING PANGALAN; mangagsasalita sila ng mga bagong wika.

 

Sila’y magsisihawak ng mga ahas, at kung magsiinom sila ng bagay na makamamatay, sa anomang paraan ay hindi makasasama sa kanila; ipapatong nila ang kanilang mga kamay sa mga may-sakit, at sila’y magsisigaling.

 (Marcos 16:17-18)

 

At lumapit si Jesus sa kanila at sila’y Kaniyang kinausap, na sinasabi, Ang lahat ng kapamahalaan sa langit at sa ibabaw ng lupa ay naibigay na sa Akin.

 

Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila’y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo:

 

Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos Ko sa inyo: at narito, Ako’y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng sanglibutan.  (Mateo 28: 18-20)

 

Ikaw ay dapat manalangin, mangaral, magturo, magbautismo, magpalayas ng mga demonio, magpagaling ng mga may sakit, at panagumpayan ang kapangyarihan ng kaaway sa pamamagitan ng pangalan ni Jesus. Ang pangalan ni Jesus ang pinakamakapangyarihan kaysa sa ibang pangalan:

 

Sa kaibabawan ng lahat ng pamunuan, at kapamahalaan, at kapangyarihan, at pagkasakop, at sa bawat pangalan na ipinangungusap, hindi lamang sa sanglibutang ito, kundi naman sa darating. ( Efeso 1:21)

 

Kaya Siya naman ay pinakadakila ng Dios, at Siya’y binigyan ng pangalang lalo na sa lahat ng pangalan;

 

Upang sa pangalan ni Jesus ay luluhod ang lahat ng tuhod, ng nangasa langit, at ng nangasa ibabaw ng lupa, at ng nangasa ilalim ng lupa,

 

At upang ipahayag ng lahat ng mga dila na si Jesucristo ay Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Dios Ama.  (Filipos 2:9-11)

 

ANG DUGO NI JESUS

 

Ang dugo ni Jesus ay isa pang makapangyarihang espirituwal na pinanggagalingan ng lakas upang tayo ay makapamagitan sa panalangin. Sa pamamagitan ng Kaniyang dugo tayo nagkakaroon ng koneksiyon sa Dios Ama:

 

Mga kapatid, yamang may kalayaan ngang makapasok sa dakong banal sa pamamagitan ng dugo ni Jesus,

 

Sa pamamagitan ng daang bago at buhay na Kaniyang itinalaga sa atin, sa pamamagitan ng tabing, sa makatuwid baga’y sa Kaniyang laman;

 

At yamang may isang Dakilang Saserdote na pangulo sa bahay ng Dios;

 

Tayo’y magsilapit na may tapat na puso sa lubos na pananampalataya, na ang ating mga puso na winisikan mula sa isang masamang budhi: at mahugasan ang ating katawan ng dalisay na tubig,

 

Na ating ingatang matibay ang pagkakilala ng ating pag-asa upang huwag mag-alinlangan: sapagkat tapat ang nangako.  ( Hebreo 10:19-23)

 

Ang “pinakabanal” ay ang dako kung saan naninirahan ang Dios. Hindi natin maaabot ang presensiya ng Dios sa pamamagitan ng mga relihiyosong rituwal o mga komplikadong mga pamamaraan. Makakaabot tayo doon sa pamamagitan ng dugo ni Jesucristo.

 

Ang paksa ng dugo ay tulad ng isang pulang sinulid na tumatakbo sa buong Biblia mula Genesis hanggang Apocalipsis. Itinuturo ng Biblia na ang buhay ng tao at hayop ay nasa dugo (Levitico 17: 11,14). Sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan (Roma 6:23) at dahil sa ang buhay ay nasa dugo, itinakda ng Dios na ang kapatawaran ng kasalanan ay dumarating sa pagtitigis ng dugo:

 

At ayon sa kautusan, ay halos masasabi kong lahat ng mga bagay ay nililinis ng dugo, at maliban na sa pagkabuhos ng dugo ay walang kapatawaran.

            (Hebreo 9: 22)

 

Ang unang sakrispisyo ng dugo ay ginawa ng Dios sa Halamanan ng Eden matapos magkasala si Adam at Eva nang Siya ay magpatay ng mga hayop at dinamtan ang mag-asawa ng mga balat nito na siyang tanda ng katuwiran ni Cristo. Ang kahalagahan ng sakripisyo ng dugo ay binigyang diin sa kuwento ni Cain at Abel, ang tipan ng pagtutuli ng mga Israelita at ng mga seremoniya ng mga Levita sa tabernakulo. Sa Lumang Tipan ang dugo ng mga hayop ay iniaalay pauli-ulit sa tuwing magkakasala ang tao. Idinitalye ito ng Hebreo 8 at tinawag itong “ lumang tipan.”

 

Sa Bagong Tipan ipinadala ng Dios si Jesus upang magbuhos ng Kaniyang dugo para sa kasalanan minsan at para sa lahat. Ang Kaniyang dugo ay tinawag na “bagong tipan” (Marcos 14:24) at Siya ang tagapamagitan nitong bagong tipan na ito (Hebreo 8:6). Ginawa nitong walang bisa ang lumang tipan. Ang ibig sabihin nito ay hindi na kailangan para sa dugo ng mga hayop na ialay bilang sakripisyo sa kasalanan:

 

At hindi rin naman sa pamamagitan ng dugo ng mga kambing at ng mga bulong baka, kundi sa pamamagitan ng Kaniyang sariling dugo, ay pumasok na minsan magpakailan man sa dakong banal, na kinamtan ang WALANG HANGGANG katubusan.  (Hebreo 9:12)

 

Sinasabi ng Hebreo 12:24 na ang dugo ni Jesus ay nagsasalita para sa atin at kung ano ang sinasabi nito ay nagbibigay ng walang hanggang benepisyo para sa atin. Nang sabihin ni Pablo na “ tayo’y magsilapit na may tapat na puso sa lubos na pananampalataya” (Hebreo 10:22), ito ay kaugnay ng mga nakalipas na talata na nagsasabing tayo ay may karapatang lumapit sa Pinakabanal.

 

Pumapasok ka sa presensiya ng Dios sa panalangin tulad ng iyong pagkaligtas, sa pamamagitan ng pagkukumpisal mo ng kahalagahan ng dugo ni Jesus:

 

Sapagkat kung ipahahayag mo ng iyong bibig si Jesus na Panginoon, at sasampalataya ka sa iyong puso na binuhay Siyang maguli ng Dios sa mga patay ay maliligtas ka:

 

Sapagkat ang tao’y nanampalataya ng puso sa ikatutuwid; at ginagawa sa pamamagitan ng bibig ang pagpapahayag sa ikaliligtas. (Roma 10:9-10)

 

Kumikilos ang Dios ayon sa iyong ipinahayag na may kapamahalaan sapagkat ito ay nakasalalay sa patotoo ng dugo ni Jesus. Sinasabi ng dugo na ikaw ay makakapasok ngayon sa kabanal-banalang dako kung saan tumatahan ang Dios at makapaglilingkod ka sa pamamagitan ng panalangin.

 

PAG-AAYUNO

 

Isa pang espirituwal na kapangyarihan para sa mabisang pananalangin ng pamamagitan ay ang pag-aauno. Ang pag-aayuno, ayon sa pinaka simpleng katuturan, ay ang hindi pagkain. Ang pag-aayuno ay isa sa mga bagay na katanggap-tanggap para sa mga ministro ng Dios (II Corinto 6:3-10). Ang pananalangin na may pag-aayuno ay ginawa sa unang Iglesia (Gawa 14:22) at hinimok tayo ni Pablo na gawin ito (I Corinto 7:5).

 

MGA URI NG PAG-AAYUNO:

 

Ayon sa Biblia, may dalawang uri ng pag-aayuno. Ang lubusang pag-aayuno kung saan hindi ka kakain o iinom. Ang halimbawa nito ay nasa Gawa 9:9. Ang hindi lubusang pag-aayuno ay kung tinatasahan ang pagkain. Ang halimbawa nito ay nasa Daniel 10:3

 

MGA HALIMBAWA NG PAG-AAYUNO SA BIBLIA:

 

-Nag-ayuno ang alipin ni Abraham nang siya ay naghahanap ng tamang babae para mapangasawa ni Isaac (Genesis 24: 33).

 

-Nag-ayuno si Moises ng 40 araw at gabi habang tinatanggap ang kapahayagan ng kautusan at ng tabernakulo (Exodo 34).

 

-Si Hannah ay nag-ayuno para sa isang anak (I Samuel 1:7-8).

 

-Nag-ayuno si Nehemias para sa pagtatayo ng kapinsalaan sa Jerusalem (Nehemias 1:4).

-Nag-ayuno ang mga Judio para lumaya mula sa masamang kautusan ni Haman na ipapatay ang mga Judio (Esther 4).

 

-Ang buong siyudad ng Nineveh ay nag-ayuno bilang tugon sa tawag ni Jonas na sila ay magsisi (Jonas 3:5-10).

 

-Nag-ayuno si David bago tanggapin ang katungkulan bilang Hari ng Israel tulad ng itinalaga ng Dios sa kaniya (I Samuel 31).

 

-Nag-ayuno si Daniel ng 21 mga araw at sa wakas ay tinanggap niya ang mensahe ng Dios na nagbago ng takbo ng buhay ng mga bihag na mga Hebreo.

 

-Nagpahayag ng pag-aayuno si Jehosaphat  bago nakipagdigma (2 Cronica 20:3).

 

-Tumawag ng pag-aayuno si Ezra upang magsisi ang mga itinapon sa malapit sa ilog Ahava

  (Ezra 8-9).

 

-Nag-ayuno si Jesus bago nagpasimula ng Kaniyang ministeryo (Mateo 4).

 

-Nag-ayuno si Apostol Pablo pagkatapos niyang mahikayat (Gawa 9).

 

-Nasa panahon ng pag-aayuno si Pedro nang tanggapin niya ang utos na ibahagi ang Ebanghelyo sa mga Gentil at nakahanda si Cornelio na tanggapin ang kapahayagang ito (Gawa 10).

 

-Ang mga alagad ay nag-aayuno at nananalangin nang paghiwalayin ng Espiritu Santo si Pablo at si Bernabe para sa pagmimisyon (Gawa 13:2).

 

MGA PAKAY NG PAG-AAYUNO:

 

Hindi nagbabago ang isip ng Dios dahil sa pag-aayuno. Ikaw ang binabago. Ang Dios ay nakikitungo sa iyo ayon sa iyong kaugnayan sa Kaniya. Kung ikaw ay magbago, ang pakikitungo ng Dios sa iyo ay magbabago rin. Hindi ka nag-aayuno upang baguhin ang Dios sapagkat ang Dios ay hindi nagbabago. Ang pag-aayuno ang nagbabago ng pakikitungo Niya sa iyo. Basahin mo ang aklat ni Jonas bilang halimbawa sa siyudad ng Nineveh.

 

Sa isang okasiyon, nang ang mga alagad ni Jesus ay mabigo sa pagtulong sa isang inaalihan ng demonio, ipinaliwanag ni Jesus na “itong uri” na ito ay hindi lumalabas kundi sa pamamagitan ng pag-aayuno at pananalangin (Marcos 9:29). May mga situwasyon sa buhay na hindi mo kayang harapin kundi sa pamamagitan ng panalangin at pag-aayuno. Habang nalalapit ang katapusan ng panahon, masusumpungan natin ang ganitong uri ng mga pangyayari, mga kritikal na pangyayari na hindi pa natin naranasan kailan man. Ang ating tagumpay sa “ganitong” mga pangyayari ay nangangailangan ng pag-aayuno.

 

May mga tiyak na pakay ang pag-aayuno. Mahalaga na maunawaan mo ang mga pakay na ito. Kung mali ang dahilan ng iyong pag-aayuno, o ikaw ay walang tiyak na layunin, ang pag-aayuno ay mawawalan ng bisa. Pag-aralan mo ang mga sumusunod na mga reperensya. Ipinakita rito na ang mga tao ay nag-ayuno:

 

-Bilang tugon sa mensahe ng Dios:                                                       Jonas 3:5

-Sa panahon ng pagsubok sa ilang:                                                        Lucas 4:1

-Sa panahon ng kalamidad at digmaan:                                                 II Cronica 20:3

-Nang kailangan ng kapahayagan mula sa Dios:                                   Daniel 9:3-4

-Nang kailangang gumawa ng mga desisyon:                                        Gawa 13:2-3

-Nang gagawa ng tanging kahilingan mula sa mga awtoridad:              Esther 4:16

-Sa paghahanda sa pagharap sa mga gawa ng demonio:                        Marcos 9:29

-Upang magpakumbaba:                                                                         Awit 35:13; 69:10

-Upang magsisi ng kasalanan:                                                                 Joel 2:12

-Upang pakanin ang mahihirap, pisikal at espirituwal:                            Isaias 58:7

-Upang dinggin ng Dios:                                                                          II Samuel 12:16,22;

                                                                                                                  Jonas 3: 5,10

-Upang palayain ang mga tali ng kasamaan, maibsan ang mabigat

 na mga dalahin, palayain ang inaapi, at sirain ang bawat pagkabihag:   Isaias 58:6

 

GAANO KAHABA ANG PAG-AAYUNO?

 

Ang haba ng iyong pag-aayuno ay nakasalalay sa kung ano ang sinabi sa iyo ng Dios. Maaaring ito ay maikli o mahabang panahon. Natandaan mo ba ang kuwento ni Esau at ni Jacob? Nagluto si Jacob ng pagkain para sa kaniyang sarili, subalit nagtiis siya alangalang sa kaniyang mana. Mas mabuti sana kung nag-ayuno na lang si Esau ng pagkaing iyon!

 

Kung hindi ka pa nag-aayuno kahit kailan, simulan mo sa isang oras ng pagkain. Susunod ay subukin mong mag-ayuno mula sa paglubog ng araw hanggang sa paglubog ng araw sa susunod na gabi. Maaari mong dagdagan ang oras ng pag-aayuno habang tumatagal. Dapat kang uminom ng tubig sa mahabang panahon ng pag-aayuno. Makakatagal ka na walang pagkain ng matagal na panahon, subalit kailangan ng tubig upang mabuhay ang katawan.

 

PAMPUBLIKO AT PANSARILING PAG-AAYUNO:

 

Ang pag-aayuno ay isang personal na bagay sa pagitan mo at ng Dios. Dapat itong gawin sa lihim at hindi ipinagmamalaki sa iba:

 

Bukod dito, pagka kayo’y nangagaayuno, ay huwag kayong gaya ng mga mapagpaimbabaw, na may mapapanglaw na mukha: sapagkat kanilang pinasasama ang mga mukha nila, upang makita ng mga tao na sila’y nangagaayuno. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Tinanggap na nila ang sa kanila’y ganti.

 

Datapuwat ikaw, sa pag-aayuno mo, ay langisan mo ang iyong ulo, at hilamusan mo ang iyong mukha;

 

Upang huwag kang makita ng mga tao na ikaw ay nag-aayuno, kundi ng Ama mo na nasa lihim: at ang Ama mo, na nakakikita sa lihim, ay gagantihan ka. (Mateo 6:6-18)        

 

Ang mga lider ay maaaring tumawag ng pag-aayuno sa kanilang buong kapulungan:

 

Hipan ninyo ang pakakak sa Sion: magsipangilin kayo ng isang ayuno, magsitawag kayo ng isang takdang kapulungan.  (Joel 2:15)

 

PAG-AAYUNONG PINILI NG DIOS:

 

Inilarawan sa Isaias 58 ang “pinili” ng Dios na pag-aayuno. Ito ay:

 

            -Ikaw ay nagpapakumbaba sa Dios:                Talatang 5

            -Upang palayain ang tanikala ng kasamaan:   Talatang 6

            -Na nagpapagaan ng mabibigat na pasanin:    Talatang 6

            -Nagpapalaya sa mga bihag:                           Talatang 6

            -Ginagawa ng walang pansariling motibo

              at nagpapakita ng pagibig:                             Talatang 7

 

MGA BUNGA NG PAG-AAYUNO:

 

Kapag ikaw ay nag-aayuno, ang unang nangyayari ay nagpapahayag ang Dios sa iyo. Ang sabi ng Ama, “At ikaw ay tatawag, at tutugon ang Panginoon; Ikaw ay hihibik, at Siya ay magsasabi, “Narito ako” (Isaias 58:9). Ang iba pang mga bunga ng pag-aayuno sa Isaias 58 ay:

 

-Kaliwanagan: Ang mga talatang 8 at 10 ay nagsasabing ang madidilim na panahon ng iyong buhay ay magiging parang katanghaliang tapat. Kung iniisip ng iba na kanila nang pinatay ang liwanag sa iyong buhay espirituwal, ito ay muling babangon at magliliwanag na tulad ng umaga.

 

-Direksiyon: Ang pangako ng Dios sa talatang 11 ay “papatnubayan ka ng Panginoon palagi.”

 

-Magbibigay ng pangangailangan: Ipinangako ng Dios na “sisiyahan ng loob ang iyong kaluluwa sa mga tuyong dako.” (Maaari itong patungkol sa materyal at spirituwal na tagtuyo). Ipinangako rin sa talatang 11 ang hindi nauubos na pagpapalang espirituwal. Ikaw ay magiging tulad ng “hardin na diniligan,” at “isang bukal ng tubig, na ang tubig ay hindi naglilikat.”

 

-Kalakasan: Sinabi ng Dios sa talatang 11 na “palalakasin ang iyong mga buto” at ang talatang 8 ay nagsabi na “ang iyong kagalingan ay biglang lilitaw.”

 

-Mananuli: Ang talatang 12 ay nagsasabi na ikaw at ang iyong espirituwal na lahi ay magtatayo ng mga dating sirang dako…magbabangon ng patibayan ng maraming sali’t saling lahi… at ikaw ay tatawaging Tagapaghusay ng Sira, ang Tagapagsauli ng mga Landas ng Matatahanan.”

 

MGA KAPANGYARIHANG IBINIGAY PARA SA PANANALANGIN NG PAMAMAGITAN

 

Ang mananampalataya ay may mga espirituwal na kapangyarihan upang siya ay mabisang makapamagitan sa pananalangin. Tulad ng natutuhan mo sa kabanatang ito, ang mga ito ay:

 

. Ibinigay na kapangyarihan at kapamahalaan.

. Pagtatali at pagpapalaya.

. Ang Pangalan ni Jesus.

. Ang Dugo ni Jesus.

. Pag-aayuno.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING  PAGSUSULIT

 

1. Isulat ang Susing Talata na kinabisa mo.

 

________________________________________

________________________________________

2. Ipaliwanag ang pagkakaiba ng espirituwal na kapangyarihan at kapamahalaan.

 

________________________________________

________________________________________

3. Ano ang kahulugan ng espirituwal na pagtatali ng isang bagay?

 

________________________________________

________________________________________

4. Ano ang kahulugan ng pagkalag na espirituwal ng isang bagay?

 

________________________________________

________________________________________

5. Anong talata sa Kasulatan ang nagbibigay sa atin ng kapamahalaan na magtali at magkalag?

 

________________________________________

6. Ipaliwanag kung bakit ang Pangalan ni Jesus ay isang makapangyarihang kaloob para sa pananalangin ng pamamagitan.

 

________________________________________

________________________________________

7. Ipaliwanag kung paanong ang dugo ni Jesus ay isang kapangyarihan para sa pananalangin ng pamamagitan.

 

________________________________________

 

 

 

8. Ilista at bigyang kahulugan ang dalawang uri ng pag-aayuno sa Biblia.

 

________________________________________

________________________________________

9. Ibuod ang mga layunin ng pag-aayuno.

 

________________________________________

________________________________________

10. Anong reprensya sa Kasulatan ang naglalarawan ng “piniling” pag-aayuno ng Dios?

________________________________________

11. Anu-ano ang mga positibong bunga ng pag-aayuno?

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito.)

 

PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL

 

Ang Pangalan ni Jesus ay ang kapamahalaan kung bakit tayo nakakapamagitan sa Dios. Pag-aralan ang mga sumusunod na listahan ng Kaniyang pangalan upang lalong madagdagan ang iyong kaalaman ng kapangyarihan na napapaloob sa ngalang “Jesus.”

 

Tagapamagitan                                                         I Juan 2:1

Makapangyarihan sa Lahat                                      Apocalipsis 1:8

Pasimula at Wakas                                                   Apocalipsis 21:6

Siya Nawa                                                                Apocalipsis 3:14

Gumawa/Sumakdal ng Pananampalataya                Hebreo 12:2

Gumawa ng Walang Hanggang Kaligtasan             Hebreo 5:9

Kaisaisang Anak ng Dios                                         I Juan 5:18

Minamahal                                                                Efeso 1:6

Sanga                                                                        Zacarias 3:8

Tinapay ng Buhay                                                    Juan 6:48

Maliwanag ng Tala sa Umaga                                  Apocalipsis 22:16

Prinsipe ng Hukbo ng Panginoon                             Josue 5:15

Batong Panulok na Pangulo                                      I Pedro 2:6

Tampok sa Sampung Libo                                        Awit ng mga Awit 5:10

Cristo                                                                        Juan 1:41

Tagapayo                                                                   Isaias 9:6

Tagapagligtas                                                            Roma 11:26

Pintuan                                                                      Juan 10:9

Ang Dios ay Kasama Natin                                      Mateo 1:23

Walang Hanggang Buhay                                         I Juan 5:20

Tapat at Totoo                                                           Apocalipsis 19:11

Saksing Tapat                                                            Apocalipsis 1:5

Panganay                                                                   Hebreo 1:6

Una at Huli                                                                Apocalipsis 22:13

Maluwalhating Panginoon                                        Isaias 33:21

Dakilang Saserdote                                                   Hebreo 4:14

Pangulo ng Katawan                                                 Colosas 1:18

Pangulo ng Lahat ng Mga Bagay                              Efeso 1:22

Pangulo sa Sulok                                                       Awit 118:22

Tagapagmana ng Lahat ng Bagay                             Hebreo 1:2

Ang Banal ng Israel                                                  Isaias 41:14

Pag-asa ng Kaluwalhatian                                         Colosas 1:27

Ako Nga                                                                     Juan 8:58

Larawan ng Dios na Hindi Nakikita                          Colosas 1:15

Jesucristo na Ating Panginoon                                   Roma 1:3

Hari ng Kaluwalhatian                                               Awit 24:7

Cordero ng Dios                                                         Juan 1:29

Ilaw ng Sanglibutan                                                   Juan 8:12

 

Lirio sa Parang                                                             Awit ng Mga Awit 2:1

Ang Buhay na Tinapay                                                Juan 6:51

Panginoong Dios na Makapangyarihan sa Lahat         Apocalipsis 4:8

Panginoon ng Lahat                                                      Gawa 10:36

Panginoon Ating Katuwiran                                         Jeremias 23:6

Pagibig                                                                          I Juan 4:8

Tao ng Kapanglawan                                                     Isaias 53:3

Panginoon                                                                      Mateo 23:10

Mesias                                                                            Daniel 9:25

Kabanalbanalan                                                              Daniel 9:24

Nazareno                                                                        Mateo 2:23

Haring Walang Hanggan                                               I Timoteo 1:17

Ang Cordero ng Ating Paskua                                       I Corinto 5:7

Tagapagpagaling                                                            Lucas 4:23

Prinsipe ng Kapayapaan                                                 Isaias 9:6

Pangpalubagloob                                                            Roma 3:25

Manunubos                                                                     Isaias 59:20

Ang Pagkabuhay na Maguli                                           Juan 11:25

Makatuwirang Alipin                                                     Isaias 53:11

Bato                                                                                I Corinto 10:4

Rosas ng Sharon                                                             Awit ng Mga Awit 2;1

Tagapagligtas ng Sanglibutan                                        I Juan 4:14

Pastol                                                                              Juan 10:11

Anak ng Dios                                                                  Roma 1:4

Anak ng Tao                                                                    Gawa 7:56

Anak ni Maria                                                                  Marcos 6:3

Bato                                                                                  Mateo 21:42

Patibayang Bato                                                               Isaias 28:16

Guro                                                                                 Juan 3:2

Katotohanan                                                                     Juan 14:6

Kaloob na Di Masayod                                                    II Corinto 9:15

Puno                                                                                  Juan 15:1

Daan                                                                                  Juan 14:6

Kahangahanga                                                                   Isaias 9:6

Salita ng Dios                                                                    Apocalipsis 19: 13

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

IKA-APAT  NA  KABANATA

 

PAANO MANALANGIN PARA SA IBA

 

MGA LAYUNIN:

 

Sa pagtatapos ng kabanatang ito, ikaw ay may kakayahang:

 

  • Ipaliwanag kung paano manalangin para sa iba.
  • Ibuod ang mga prinsipyo ng mabisang pananalangin para sa iba.
  • Tukuyin kung ano ang ipananalangin para sa iba.
  • Gamitin ang mga pangako ng Dios sa pananalangin para sa iba.

 

SUSING MGA TALATA:

 

At ito ang nasa ating pagkakatiwala sa Kaniya, na kung tayo’y humingi ng anomang bagay na ayon sa Kaniyang kalooban, ay dinidinig tayo Niya:

At kung ating nalalaman na tayo’y dinidinig Niya sa anomang ating hingin, ay nalalaman natin na nasa atin ang mga kahilingang sa Kaniya’y ating hiningi.

(I Juan 5: 14-15)

 

PAMBUNGAD

 

Ang susi sa pananalangin sa iba ay hindi kung gaano tayo kalakas manalangin, o kung gaano tayo kalikot manalangin (hindi mali ang mga ito), kundi kung gaano kataimtim ang ating mga kahilingan sa pagdadala nito sa Dios. Mahalaga na ang kaluwalhatian ng Dios ang mangyari sa ating pagdalangin sapagkat ang pinakanais ni Satanas ay mawalan ng kaluwalhatian ang Dios. Kaya nga, kung ang ating pakay ay maluwalhati ang Dios at ibigay ang ating buong kaluluwa sa pananalangin para sa iba, magpapakita ang Dios sa atin. “At kayo’y magsisitawag sa Akin… At inyong hahanapin Ako, at masusumpungan Ako, pagka inyong sisiyasatin Ako ng inyong buong puso.” (Jeremias 29: 12-13).

 

Ang panalangin ay dapat ialay na may pananampalataya ayon sa kalooban ng Dios:

 

At ito ang nasa ating pagkakatiwala sa Kaniya, na kung tayo’y humingi ng anomang bagay na ayon sa Kaniyang kalooban, ay dinidinig tayo Niya:

At kung ating nalalaman na tayo’y dinidinig Niya sa anomang ating hingin, ay nalalaman natin na nasa atin ang mga kahilingang sa Kaniya’y ating hiningi.

(I Juan 5: 14-15)

 

Sa araling ito ay matututuhan mo kung ano ang itinuturo ng Biblia kung paano manalangin para sa iba at kung ano ang dapat idalangin. Matututuhan mo rin kung paano ibatay ang iyong pananalangin sa mga pangako ng Salita ng Dios.

 

PAANO MANALANGIN PARA SA IBA

 

Hanapin ang mga sumusunod na reperensya sa iyong Biblia. Ang mga ito ay nagbibigay ng Biblikal na patnubay para sa pananalangin sa iba:

 

-Ang panalangin ay dapat sabihin sa Dios:                           Awit 5:2

-Ang uri hindi ang dami ng panalangin ang mahalaga;        

 Hindi mabisa ang panalangin dahil sa “haba ng sinabi”:     Mateo 6:7

-Ang walang lamang paulit-ulit ay ipinagbabawal,

 subalit ang makahulugang pag-ulit ay hindi:                       Daniel 6:10; Lucas 11:5-13; 18:1-8

-Dumalangin na may pag-unawa (alam na wika):                Efeso 6:18

-Manalangin sa Espiritu sa ibang wika:                                Roma 8:26; Judas 20

-Mamagitan sa panalangin ayon sa kalooban ng Dios:         I Juan 5:14-15

-Manalangin sa lihim:                                                            Mateo 6: 6

-Laging dumalangin:                                                              Lucas 21:36; Efeso 6:18

-Manalangin nang walang patid:                                           Roma 12:12; I Tesalonica 5:17

Mamagitan sa Ama sa pangalan ni Jesus:                             Juan 14:13-14

-Manalangin nang may pagbabantay:                                    I Pedro 4:7

-Manalangin na ginagamit ang modelong panalangin:          Mateo 6:9-13

-Manalangin na may espiritu ng pagpapatawad:                   Marcos 11:25

-Manalangin nang may pagpapakumbaba:                            Mateo 6:7

-Samahan ng pag-aayuno ang panalangin kung minsan:       Mateo 17:21

-Mamagitan para sa iba nang taimtim:                                  Santiago 5:16; Colosas 4:12

-Dumalangin na may pagpapailalim sa Dios:                        Lucas 22:42

-Gamitin ang pagtatali at pagkakalag sa pananalangin:         Mateo 16:19

 

MGA PRINSIPYO NG MABISANG PANANALANGIN PARA SA IBA

 

Narito ang mga prinsipyo ng mabisang pananalangin para sa iba na hinango mula sa mga sumusunod na mga reperensya sa Kasulatan:

 

1. Purihin ang Dios sa kung sino Siya at para sa pribilehiyo ng pagiging bahagi ng kahangahangang ministeryo tulad ng sa Panginoong Jesus (Hebreo 7:25). Purihin ang Dios sa pakikipagtulungan sa Kaniya sa buhay ng mga tao sa pamamagitan ng panalangin.

 

2. Siguruhin na malinis ang iyong puso sa harap ng Dios sa pagbibigay ng oras sa Espiritu Santo upang mangusap, kung sakaling mayroong kasalanang hindi pa naikukumpisal (Awit 66:28; 29:23-24).

 

3. Kilalanin na hindi ka maaaring manalangin kung walang direksiyon at lakas ng Espiritu Santo (Roma 8:26). Hingin sa Dios na ikaw ay hawakang lubusan ng Kaniyang Espiritu, manampalataya ka na ginagawa Niya ito, at pasalamatan mo Siya (Efeso 5:18).

 

4. Agresibong makibaka sa kaaway. Labanan mo siya sa pinakamakapangyarihang pangalan ng Panignoong Jesuscristo at ng “tabak ng Espiritu”- ang Salita ng Dios (Santiago 4:7).

 

5. Mamatay ka sa iyong sariling mga kaisipan, mga nasa, at mga pasanin na iniisip mong dapat mong idalangin (Kawikaan 3: 5-6; 28:26; Isaias 55:8).

 

6. Purihin mo ngayon ang Dios sa pananampalataya para sa dakilang miting ng panalanginan na idaraos mo. Siya ay kamanghamanghang Dios at gagawa Siya ng ayon sa Kaniyang katangian.

 

7. Maghintay na matahimik sa harap ng Dios na umaasa, nakikinig sa Kaniyang direksiyon (Awit 62:5; Mikias 7:7; Awit 8:11-13).

 

8. Sa pagsunod at pananampalataya, bigkasin kung ano ang ipinaisip sa iyo ng Dios, na nananampalataya (Juan 10:27). Patuloy na humingi sa Dios ng direksiyon, inaasahang ibibigay Niya ito sa iyo. Gagawin Niya ito (Awit 32:8). Siguruhin na hindi ka lilipat sa ibang paksa hanggang hindi mo nabibigyan ang Dios ng panahon na sabihin ang lahat ng nais Niya tungkol sa pasaning ito, lalo na kung nananalanging kasama ng isang grupo. Magpalakas ka ng loob mo sa pagtingin sa buhay nila Moises, Daniel, Pablo, at Anna, kinikilala na ang Dios ay nagpapakahayag sa kanila na ginawa nang bahagi ng buhay ang mamagitan sa panalangin.

 

9. Hangga’t maaari, dalhin mo ang iyong Biblia upang kung mangusap ang Dios sa iyo ay mabigyan ka ng direksiyon at kasiguruhan mula rito (Awit 119:10-15).

 

10. Kung tapos nang mangusap ang Dios sa iyo ng mga bagay na dapat idalangin, magtapos sa pamamagitan ng pagpupuri at pasasalamat sa Kaniyang ginawa, na pinaalalahanan ang iyong sarili ng Roma 11:36, “Sapagkat Kaniya, at sa pamamagitan Niya, at sa Kaniya, ang lahat ng mga bagay. Sumakaniya nawa ang kaluwalhatian magpakailan man. Siya nawa. [1]

 

ANO ANG DAPAT IPANALANGIN NG PAMAMAGITAN

 

Pag-aralan ang sumusunod na mga reperensya na nagpapakita kung ano ang dapat mong ipanalangin:

-Ang kapayapaan ng Jerusalem:                                          Awit 122:6

-Mga manggagawa sa pag-aani:                                          Mateo 9:38; Lucas 10:2

-Na huwag kang pumasok sa tukso:                                    Lucas 22:40-46

-Sila na sumusumpa sa inyo (mga kaaway):                       Lucas 6:28

-Ang lahat ng banal:                                                            Efeso 6:18

-Ang mga may karamdaman:                                              Santiago 5:14

-Ang bawat isa (nagdadalahan ng pasanin ng iba):             Santiago 5:16

 (Nagkakasala ka sa hindi pagdalangin sa iba:                    I Samuel 12: 23)

-Lahat ng tao, mga hari, at sila na may kapangyarihan:      I Timoteo 2:1-4

-Para sa pang araw-araw na pangangailangan:                    Mateo 6:11

-Para sa kaalaman:                                                               Santiago 1:5

-Para sa kagalingan:                                                             Santiago 5:14-15

-Para sa kapatawaran:                                                           Mateo 6:12

-Para sa kalooban ng Dios at Kaharian na matatag:             Mateo 6:10

-Para sa ginhawa mula sa dinaramdam:                              Santiago 5:13

-Para sa pagkakaisa sa Katawan ni Cristo:                            Juan 17

-Para sa inuusig ng Iglesia sa buong mundo:                         Hebreo 13:3

NAMAMAGITAN SA PANALANGIN AYON SA MGA PANGAKO

 

Tumutugon ang Dios ng panalangin ayon sa Kaniyang kalooban, at ang Kaniyang kalooban ay nahayag sa mga pangako Niya ayon sa Kaniyang Salita. Kung hindi ka humihingi na nakabatay sa Kaniyang mga pangako, hindi matutugon ang iyong mga panalangin.

 

Kayo’y nagsisihingi, at kayo’y hindi nagsisitanggap, sapagkat nagsisihingi kayo ng masama, upang gugulin sa inyong mga kalayawan.  (Santiago 4:3)

 

Tulad ito ng pakikitungo ng isang ama sa kaniyang mga anak. Walang magulang na mangangakong magbigay sa kaniyang mga anak kung ano ang hingin nito. Nililinaw niya na gagawin niya ang ilang mga bagay at hindi niya gagawin ang iba. Sa ganitong bakod tinutugon ng ama ang mga kahilingan ng kaniyang anak.

 

Ganoon din ang Dios. Nagbigay Siya ng mga pangako at dito nakabatay ang ating mga panalangin. Alamin kung ano ang ipinangako ng Dios at manalangin ayon sa mga pangakong ito. Mabuting pasadahan mo ang Biblia at markahan mo ang lahat ng pangako ng Dios at dito mo ibatay ang mga panalangin mo. Kung ginagamit mo ang Kaniyang pangako sa pananalangin, ibinbalik mo ang Salita ng Dios sa Kaniya. Narito ang halimbawa:

 

         “Salamat po O Dios, na nalalaman mo na ang aking kailangan bago ko pa sabihin ito

         (Mateo 6:8). Lumalapit ako sa Iyo sa pangalan ni Jesus, na kinikilala ang kapangyarihan 

         sa pangalang iyon (Juan 14:14). Idinadalangin ko na maraming mga manggagawa ang

        matindig upang palaganapin ang Kaharian ng Dios (Mateo 9:37-38)…” atbp.

 

Narito ang ilang mga halimbawa ng mga pangako sa Biblia. Ang mga pangakong ito ay nakatuon sa paksa ng panalangin:

 

-Alam na ng Ama ang iyong kailangan bago ka pa humingi:                   Mateo 6:8

-Kung may dalawa na magkakasundo sa panalangin, ito ay tutugunan:   Mateo 18:19

-Lahat ng bagay ay posible sa Dios:                                                        Mateo 19:26; Lucas 18:27

-Ang panalangin pag sinamahan ng pananampalataya ay mabisa:       Mateo 21:22; Marcos 11:24

-Kung hihingi ka sa pangalan ni Jesus, ito ay mangyayari:                  Juan 14:14

-Malaki ang nagagawa ng maningas na panalangin ng taong matuwid:  Santiago 5:16

 

 

 

 

 

 

 

____________________________

[1] Ang mga Prinsipyo ng Mabisang Pananalangin para sa iba ay hinango mula sa 1992

Personal Prayer Diary, (Seattle, Washingto: Youth With A Mission, 1991), 16. 

 

PANSARILING  PAGSUSULIT

 

1. Isulat ang Susing Talata na kinabisa mo.

________________________________________

________________________________________

2. Paano ang tamang pananalangin para sa iba?

 

________________________________________

________________________________________

3. Ano ang dapat natin ipanalangin tungkol sa iba?

________________________________________

________________________________________

4. Ibuod ang ilang prinsipyong natutuhan mo sa kabanatang ito tungkol sa mabisang pananalangin para sa iba.

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________

5. Ipaliwanag kung paano mong magagamit ang mga pangako ng Dios upang mamagitan sa pananalangin.

________________________________________

________________________________________


 

 

 

 

 

(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito.)

 

 

PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL

 

Ang mga lider sa sanglibutan na nananalangin para sa iba ay gumagamit ng paraang tinatawag na

“spiritual mapping” upang idalangin ang mga siyudad at mga bansa. Ang ibig sabihin ng “spiritual mapping” ay tingnan ang isang siyudad , bansa, o ang mundo kung ano talaga sila, hindi kung ano ang tingin ng iba sa kanila. Nakabatay ito sa paniniwala na ang katunayang espirituwal ay nasa likod ng natural. Binibigyang pagkakaiba nito ang nakikita at hindi nakikita, inilalagay sa likuran ang ating pagkaunawa sa mga puwersa at mga pangyayari sa larangang espirituwal sa mga pangyayari sa materyal na mundo.

 

Kinikilala nito na sa likod ng mga nakikitang mga aspeto ng mundo sa ating paligid ay maraming mga puwersang espirituwal, hindi nakikita na mga katunayan, na mas matimbang ang kahulugan kay sa nakikita. Ang “spiritual mapping” ay tinutukoy ang mga puwersang espirituwal na kumikilos sa ating mga komunidad, mga siyudad, at mga bansa, at gamitin ang mga kaalamang ito sa pakikibakang espirituwal sa pananalangin.

 

Ang kaisipang ito ay hango sa sinabi ng Dios kay Propeta Ezekiel nang sabihin Niyang:

 

Ikaw naman, anak ng tao, kumuha ka ng isang losa, at ilagay mo sa harap mo, at gumuhit ka sa ibabaw ng isang bayan, sa makatuwid baga’y ng Jerusalem.

(Ezekiel 4:1) 

 

Si Ezekiel ay pinaguguhit ng mapa sa piraso ng luwad. Inutusan siya ng Dios na “salakayin ito.” Espirituwal na pakikipagdigma ang tinutukoy dito, hindi pisikal. Kukuha siya ng bakal na plato at ilalagay niya ito sa pagitan niya at ng siyudad tulad ng pader at pati yon ay sasalakayin niya.

 

Maraming mga antas ng “spiritual mapping.” Ito ay maaari mong gawin sa iyong komunidad o isang lugar sa inyog siyudad. Ito ay maaari ding gawin sa buong siyudad, sa estado o probinsiya, o para sa isang buong bansa. Ang iba ay nais i-mapa ang mga pulutong ng mga bansang magkakalapit.

 

May dalawang bahagi ang pagmamapang espirituwal: Una, tipunin ang mga impormasyon. Pangalawa, idalangin mo ang iyong mga nasumpungan. Maaari kang kumuha ng impormasyon sa library ng publiko, mga museo, ang chamber of commerce, binabasa ang mga lumang pahayagan, o pakikipag-usap sa mga matatanda sa lugar na yaon, o kaanib ng “historical society” sa inyong lunsod, kung mayroon nito.

 

Ang mga sumusunod na mga tagubilin ang tutulong sa iyo sa pagmamapa mo ng mga puwersang espirituwal na gumagawa sa inyong siyudad:

 

MGA LAYUNIN NG “SPIRITUAL MAPPING”:

 

1. Upang matukoy ang mga plano ng kaaway, estratehiya, at mga tiyak na lugar sa isang pook.

 

2. Upang magamit ang kaalamang ito sa pakikipaglabang espirituwal sa pananalangin at maging matagumpay sa maikling panahon at may kakaunting pinsala.

 

PAGSASALIKSIK SA KASAYSAYAN:

 

A. Ang pagtatatag ng lunsod

 

1. Sinu-sino ang nagtatag ng lunsod?

 

2. Ano ang kanilang pakay sa pagtatatag ng lunsod? Anu-ano ang kanilang mga paniniwala at pilisopiya? Ano ang kanilang pangitain para sa hinaharap ng lunsod na ito?

 

3. Ano ang kahulugan ng unang pangalan ng lunsod? Napalitan ba ang pangalan? May iba bang mga pangalan o katawagan para sa lunsod? May mga kahulugan ba ang mga pangalang ito? Ito ba ay nakaugnay sa isang relihiyon? Ang mga pangalan ba ay may nababahiran ng okultismo? Nagpapakita ba ito ng pagpapala o sumpa?

 

B. Ang mas bagong kasaysayan ng lunsod

 

1. Anong bahagi ang ginampanan ng lunsod na ito sa buhay at karacter ng bansa sa kabuuan?

 

2. Nang lumitaw ang mga prominenteng lider sa lunsod, ano ang kanilang pangitain para dito?

 

3. May malalaking pagbabago ba ang naganap sa paraan ng pangunguna sa gobiyerno ng lunsod?

 

4. May pagbabago ba sa buhay ekonomiko ng lunsod? Kagutom? Kawalan ng pag-asa? Teknolohiya? Mga hanapbuhay? Pagkatuklas ng mga likas na yaman?

 

5. Marami ba ang lumipat sa bansa? May bago bang pinaiiral na batas tungkol sa wika o kultura?

 

6. Paano ang pagtrato sa mga dayuhan at mga maliliit na grupo ng mga tao? Maayos ba ang relasyon ng mga iba’t ibang tribo o “ethnic groups?”

 

7. Ang mga lider ba ng lunsod ay sumira sa anumang kasunduan o tipan?

 

8. Naka-apekto ba ang anumang digmaan sa lunsod? Nagkaroon ba ng labanan sa lunsod? May pagdanak ba ng dugo?

 

9. Paano ang tratamiento ng lunsod sa mga mahihirap at inaapi? Ang mga lider ba ng lunsod ay sakim? May nakikita bang kabulukan sa mga opisyal na nangangasiwa sa politikal, ekonomiya, at larangan ng relihiyon?

 

10. Anu-anong mga natural na kalamidad ang naka-apekto sa lunsod?

 

11. May salawikain ba ang lunsod? Ano ang kahulugan nito?

 

12. Anu-anong uri ng musika ang pinakikinggan ng mga tao? Anong mensahe ang tinatanggap nila mula rito?

 

13. Anong limang salita ang magagamit ng mga tao upang ilarawan ang magagandang katangian ng kanilang lunsod? Anong limang salita ang masasabi nila sa mga negatibong katangian ng kanilang lunsod?

 

KASAYSAYAN NG RELIHIYON SA INYONG SIYUDAD:

 

A. Hindi Kristiyanong relihiyon

 

1. Anu-ano ang mga paniniwala at kaugalian ng mga tao patungkol sa relihiyon bago natatag ang lunsod na ito?

 

2. Mahalaga ba ang relihiyon sa pagtatatag ng lunsod na ito?

 

3. May nakapasok bang mga relihiyon na hindi Kristiyano sa lunsod?

 

4. Anong kapisanan na lihim (tulad ng Mason) ang nasa lunsod?

 

5. Mayroon bang mga grupo ng Satanista, mga mangkukulam, at mga kulto na gumagawa dito?

 

B. Kristiyanismo

 

1. Kailan, kung mayroon, pumasok ang Kristiyanismo sa lunsod? Sa anong pagkakataon?

 

2. May mga kapisan ba sa Mason sa mga lider na Kristiyano noon at ngayon?

 

3. Anong papel ang ginampanan ng Kristiyanong komunidad sa buhay ng lunsod? May mga pagbabago ba tungkol dito?

 

4. Lumalago ba ang Kristiyanismo sa lunsod, pareho lang, o bumababa ang bilang?

 

C. Mga kaugnayan

 

1. May mga hidwaan ba ang mga relihiyon sa lunsod?

 

2. May pag-aalitan ba ang mga Kristiyano?

 

3. Ano ang kasaysayan ng mga pagkakahati ng iglesia sa lunsod?

 

PISIKAL NA PAGSASALIKSIK:

 

1. Maghanap ng mga mapa ng lunsod, lalo na yaong mga luma. Anu-anong mga pagbabago ang naganap sa pisikal na kaayusan ng lunsod?

 

2. Sinu-sino ang mga susing tagaplano ng lunsod?

 

3. May mga disenyo ba o simbolong mahalaga sa orihinal na plano ng lunsod?

 

4. May kahulugan ba ang arkitektura, lokasyon, o kaayusan ng mga sentral na gusali, lalo na yung may kaugnayan sa politikal, ekonomikiya, edukasyonal, o relihiyosong mga kapangyarihan sa lunsod?

 

5. Mayroon bang kahulugang makasaysayan ang loteng kinatatayuan ng mahahalagang gusaling ito? Sino ang orihinal na nagmamay-ari ng lupang ito?

 

6. Ano ang kasaysayan ng mga parke at plaza sa lunsod? Sino ang nagpondo rito upang ito ay magawa? May kahulugan ba ang kanilang mga pangalan?

 

7. Ano ang kasaysayan ng mga estatuwa at mga monumento sa lunsod? Mayroon bang mga katangian ng demonio o anumang nagsasaad na niluluwalhati ito sa halip na ang Lumalang sa atin?

 

8. Ano pang mga likha ng sining ang nakikita sa lunsod, lalo na sa mga pampublikong gusali, museo, o awditorium? Tingnan kung may kaugnay sa “sex” o kung ito’y maka-demonio.

 

9. Mayroon bang mga “archeological sites” sa lunsod? Ano ang kahulugan nito?

 

10. Saan matatagpuan ang mga sentro ng kasalanan tulad ng “abortion clinic,” mga tindahan ng mga magasin ng mga babaing hubad, mga lugar ng prostitusyon, sugalan, beer house, pugad ng mga bakla at tomboy, atbp.

 

11. Saan ang mga lugar na pinamumugaran ng kasakiman, pagsasamantala, kahirapan, diskriminasyon, patayan, mga sakit, o madalas ang aksidnete?

 

12. Saan ang mga lugar ng masaker, digmaan, o patayan sa nakaraan at sa ngayon?

 

13. Ang posisyon ba ng mga puno, mga burol, bato, o ilog ay may sinusunod na padron?

 

14. May mga pangalan ba ng palatandaan ng lunsod na hindi nagbibigay luwalhati sa Dios?

 

15. Alin ang pinakamataas na lugar sa lunsod at ano ang nakatayo doon? Ito ay maaaring magpakita ng kapamahalaan.

 

16. Aling mga sektor ng lunsod ang may sariling kakanyahan? Kilatisin ang mga uri ng espiritu na umiiral sa iba’t ibang lugar sa lunsod. 

 

 

 

 

 

ESPIRITUWAL NA PAGSASALIKSIK:

 

A. Hindi Kristiyano

 

1. Anu-anong pangalan ng mga dios-diosan ang ipinangalan sa lunsod noon at ngayon?

 

2. Alin-alin ang mga lokasyon ng matataas na lugar, mga altar, mga templo, monumento at mga gusali na may kaugnayan sa kulam, panghuhula, okultismo, Satanismo, Mason, Mormon, mga relihiyon sa kanluran, Saksi ni Jehovah, at iba pa? May padron ba ito kung suriin sa mapa?

 

3. Ano ang mga lugar ng pagsamba ng mga pagano sa nakaraan, bago pa natatag ang lunsod?

 

4. Anong mga sentro ng kultura at sining ang may mga gawa ng sining na kaugnay ng pagsamba ng pagano?

 

5. May lider ba sa lunsod na nagtalaga ng kaniyang buhay sa dios ng pagano o paniniwala nito?

 

6. Mayroon bang mga sumpa na inilagay ang mga orihinal na nakatira dito sa lunsod,  sa lugar na ito o sa mga tao na nagpundar nito?

 

B. Kristiyano

 

1. Paano tinanggap ng mga tao ang mensahero ng Dios?

 

2. Naging madali ba o mahirap ang ebanghelismo?

 

3. Saan nakatirik ang mga iglesia? Alin sa mga ito ang masasabi mong mga iglesia na “nagbibigay buhay?”

 

4. Kumusta ang kalusugan ng mga iglesia sa lunsod?

 

5. Sinu-sino ang mga lider na Kristiyano na itinuturing na “matatanda sa lunsod?”

 

6. Madali bang manalangin sa lahat ng lugar sa lunsod?

 

7. Kumusta ang pagkakaisa ng mga lider na Kristiyano sa pagitan ng mga “ethnic” na grupo at ng ibang denominasyon?

 

8. Ano ang pananaw ng mga lider ng lunsod tungkol sa moralidad ng Kristiyanismo?

 

C. Ayon sa Pahayag

 

1. Ano ang naririnig ng mga tagapamagitan sa pananalangin mula sa Dios tungkol sa lunsod?

 

2. Ano ang pagkakilala sa mga may katungkulan sa lunsod o sa ilang bahagi ng buhay sa lunsod?

 

Ngayon… Gamitin mo ang mga impormasyong nakuha mo upang idalangin ang iyong komunidad, lunsod, o bansa. Idalangin mo nang tiyak ang mga puwersa ng demonio na natukoy mo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

IKA-LIMANG  KABANATA

 

MGA BALAKID SA MABISANG PANANALANGIN PARA SA IBA

 

MGA LAYUNIN:

 

Sa pagtatapos ng kabanatang ito, may kakayahan kang:

 

  • Tukuyin at alisin ang mga balakid sa mabisang pananalangin para sa iba.
  • Alamin kung kailan hindi dapat manalangin.

 

SUSING TALATA:

 

Kayo’y nagsisihingi, at kayo’y hindi nagsisitanggap, sapagkat nagsisihingi kayo ng masama, upang gugulin sa inyong mga kalayawan.  (Santiago 4:3)

 

PAMBUNGAD

 

Kung nais mong manalangin nang mabisa para sa iba, dapat mong malaman ang mga humahadlang sa mabisang pananalangin at alisin ang mga ito sa iyong buhay. Ang “balakid” ay anumang bagay na nakakasagalabal, na pinipigil ka sa iyong pananalangin para sa iba.

 

MGA BALAKID SA MABISANG PANANALANGIN PARA SA IBA

 

Pag-aralan ang mga sumusunod na reperensya na nagpapakita ng mga balakid sa mabisang pananalangin para sa iba:

 

-Anumang uri ng kasalanan:                                                  Isaias 59:1-2; Awit 66:18;

                                                                                                Isaias 1:15; Kawikaan 28:9

-Mga idolo sa puso:                                                                Ezekiel 14:1-3

-Hindi nagpapatawad na espiritu:                                           Marcos 11:25; Mateo 5:23

-Pagkamakasarili; maling motibo:                                          Kawikaan 21:13; Santiago 4:3

-Uhaw sa kapangyarihan,                                                        Santiago 4: 2-3

-Maling pagtrato sa asawa:                                                      I Pedro 3:7

- Mas banal ang tingin sa sarili:                                               Lucas 18: 10-14

-Hindi pagsampalataya:                                                           Santiago 1:6-7

-Hindi sumusunod kay Cristo at sa Kaniyang Salita:              Juan 15:7

-Kulang sa kahabagan:                                                             Kawikaan 21:13

-Paimbabaw, kayabangan, walang kabuluhang paulit-ulit:      Mateo 6:5; Job 35:12-13

-Paghingi nang hindi ayon sa kalooban ng Dios:                     James 4: 2-3

-Humihingi na hindi sa pangalan ni Jesus:                               Juan 16: 24

-Mga balakid na gawa ng Demonio:                                         Daniel 10:10-13; Efeso 6: 12

-Hindi inuuna ang Kaharian: Kung uunahin mo ang

 Kaharian ikaw ay bibigyan ng “ibang bagay”:                         Mateo 6: 33

-Kung hindi ka marunong manalangin nang wasto, ang

panalangin ay may balakid. Kaya mahalaga na hilingin

 ang Espiritu Santo na manalangin sa pamamagitan mo:            Roma 8:26

                                                                            

PAG-AALIS NG MGA BALAKID SA PANANALANGIN

 

Ang pagtukoy ng mga balakid sa pananalangin ay hindi sapat, subalit dapat mong hingin sa Dios na alisin ito sa buhay mo. Kung minsan ang panalanging hindi tinugon ay hindi naman nangangahulugan na may balakid sa panalangin. Tulad ng sinabi natin sa Unang Kabanata, ang mga tugon sa panalangin ay maaaring maantala (Lucas 18:7) o iba ang katugunan sa ating inaasahan (II Corinto 12: 8-9).

 

KAILAN HINDI DAPAT MANALANGIN

 

Mahalagang malaman kung paano maghintay at mamagitan sa harap ng Panginoon sa panalangin para sa patnubay at direksiyon bago ka kumilos. Mahalaga ring malaman kung kailan hindi dapat manalangin. Kung minsan ang iyong pananalangin ng pamamagitan ay tinatawag ka ng Dios na kumilos sa halip na dagdagan ang pananalangin.

 

Ito ay makikita sa kuwento ng Israel sa mapait na tubig sa Mara nang sila ay mangailangan ng tubig, subalit hindi makainom mula sa tubig na may lason. Nang tumangis si Moises sa pananalangin, ipinakita ng Dios sa kaniya ang dapat niyang gawin upang tumamis ang tubig. Hindi na kailangang maghintay sa Panginoon. Dapat nang kumilos si Moises at gawin ang ipinagagawa ng Dios. Ganoon din ang nangyari kay Josue nang siya ay mamagitan para sa Israel pagkatapos ng kanilang pagkatalo sa Ai. Sinabi ng Dios na may kasalanan sa kampo ng Israel at sinabi Niya sa Josue…

 

            At sinabi ng Panginoon kay Josue, Bumangon ka; bakit ka nagpatirapa ng ganito?

            Ang Israel ay nagkasala…Bumangon ka, papagbanalin mo ang bayan…

            (Josue 7: bahagi ng 10, 12, at 13)

 

Hindi na panahon para manalangin kundi panahon na upang kumilos ayon sa direksiyon na ibinigay ng Panginoon. Ginagawang dahilan ng ibang tao ang pananalangin upang makaiwas sa nais ipagawa ng Dios. Ang makapangyarihang pamamagitan sa pananalangin ay nagpapatnubay sa makapangyarihan at mabisang pagkilos. Ang iba ay patuloy na nananalangin kahit na tumugon na ang Dios, sapagkat hindi nagustuhan ang sagot. Pagbalikan mo ang kuwento ni Balaam sa Bilang 22. Pansinin ang mga talatang 18-19. Wala nang karapatang lumapit si Balaam sa Dios na yaon din ang dalang kahilingan sapagkat tinugon na siya ng Dios (tingnan ang talatang 12).

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING  PAGSUSULIT

 

 

1. Isulat ang Susing Talata na kinabisa mo.

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

2. Ilista ang ilang mga balakid sa mabisang pananalangin para sa iba na tinalakay dito.

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

3. Kailan ka hindi dapat manalangin?

________________________________________

________________________________________

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata sa manwal na ito.)


PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL

 

Ilista ang mga balakid sa mabisang pananalangin para sa iba na tinalakay sa kabanatang ito. Lagyan ng tsek ang mga bagay na nagiging balakid sa iyo. Paano mo maaalis ang mga balakid na ito sa iyong buhay?

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

IKA- ANIM NA KABANATA

 

GAMITIN ANG MODELONG PANALANGIN UPANG MAMAGITAN

 

MGA LAYUNIN:

 

Sa pagtatapos ng kabanatang ito, ikaw ay may kakayahang:

 

  • Magbigay ng mga reperensya sa Kasulatan sa parehong bersiyon ng modelong panalangin.
  • Ipaliwanag kung bakit ang Panalangin ng Panginoon ay isang panalangin ng pamamagitan.
  • Bigkasin ang modelong panalangin na kabisado.
  • Gamitin ang modelong panalangin bilang patnubay sa pananalangin para sa iba.

 

SUSING MGA TALATA:

 

            Ama namin na nasa Langit Ka,

            Sambahin nawa ang Pangalan Mo.

            Dumating nawa ang kaharian Mo.

            Gawin nawa ang Iyong kalooban,

            Kung paano sa Langit, gayon din naman sa lupa.

            Ibigay Mo sa amin ngayon ang aming kakanin sa araw-araw.

            At ipatawad Mo sa amin ang aming mga utang,

            Gaya naman namin na nagpatawad ng mga may utang sa amin.

            At huwag Mo kaming ihatid sa tukso,

            Kundi iligtas Mo kami sa masama.

            Sapagkat Iyo ang kaharian,  at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian,

            Magpakilan man. Siya Nawa.  (Mateo 6: 9-13)

 

PAMBUNGAD

 

May dalawang bersiyon ng tinatawag na “Panalangin ng Panginoon” o ang “modelong panalangin.” Ang isa ay nasa Mateo 6:9-13 at ang isa ay nasa Lucas 11:2-4. Karamihan sa mga pala-aral ng Biblia ay nagkakasundo na ang pagkakapareho ng dalawang panalanging ito ay nagpapatunay na ito ay iisang panalangin, at hindi dalawang magkaiba.

 

Ang bersiyon ni Mateo ay ibinigay nang si Jesus ay nagturo ng Sermon sa Bundok. Ang nasa Lucas ay ibinigay dalawa’t kalahating taon ang nakalipas nang hiniling ng mga alagad na turuan sila ng Panginoon na manalangin. Sa pagitan nito, pinagmasdan ng mga alagad na manalangin si Jesus at nakita nila ang kapangyarihan na naging resulta ng Kaniyang mga karanasan sa pananalangin. Ito ang nagbigay sa mga alagad ng pagnanais na matutong manalangin, kaya’t sinabi nila sa kanilang Guro, “Turuan Mo kaming manalangin.”

Tumugon si Jesus sa mga salitang ito na nakilala sa tawag na “Panalangin ng Panginoon” o

“Ama Namin”:

 

Ama namin na nasa Langit Ka,

            Sambahin nawa ang Pangalan Mo.

            Dumating nawa ang kaharian Mo.

            Gawin nawa ang Iyong kalooban,

            Kung paano sa Langit, gayon din naman sa lupa.

            Ibigay Mo sa amin ngayon ang aming kakanin sa araw-araw.

            At ipatawad Mo sa amin ang aming mga utang,

            Gaya naman namin na nagpatawad ng mga may utang sa amin.

            At huwag Mo kaming ihatid sa tukso,

            Kundi iligtas Mo kami sa masama.

            Sapagkat Iyo ang kaharian,  at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian,

            Magpakilan man. Siya Nawa.  (Mateo 6: 9-13)

 

 

ISANG PANALANGIN NG PAMAMAGITAN

 

Nang lumapit ang mga alagad kay Jesus, ang sabi nila ay,”Turuan Mo kaming manalangin,” hindi “Turuan Mo kami ng isang panalangin.” Tumugon si Jesus sa kanilang hiling sa pamamagitan ng paggamit ng isang paraan na ginagamit ng mga Judiong rabi. Ang mga rabi ay naglilista ng mga paksa ng katotohanan, at sa ilalim ng bawat punto ay nagbibigay ng buong balangkas.

 

Ginamit ni Jesus ang ganitong sistema sa modelong panalangin na ito. Nagbigay Siya ng mga paksa at nagsabing, “Sa ganitong paraan kayo ay manalangin.” Sa wikang Griego (houtos oun) ang ibig sabihin nito ay “ganitong mga linya ang ipanalangin ninyo.” Hindi iniutos ni Jesus na sabihin ang bawat salita ng panalangin por letra, kundi “ganito kayo mananalangin.”

 

Nagumpisa ang Kaniyang panalangin sa pang-uring maramihan na “Amin.” Sa buong panalangin

Ay nabanggit ang “bigyan Mo kami,” “pangunahan Mo kami,” at “patawarin Mo kami.” Sa bawat linya, ang modelong panalangin ay isang panalangin ng pamamagitan sapagkat idinadalangin mo ang iba at ang iyong sarili rin.

 

PAGSUSURI NG PANALANGIN

 

Narito ang pagsusuri nitong modelong panalangin ng pamamagitan:

 

AMA NAMIN NA NASA LANGIT KA:

 

Ang mga salitang “Ama namin” ay nagpapahiwatig ng pagiging malapit, subalit ang mga salitang “sa Langit” ay nagpapakita ng kalayuan. Ipinakikita ng Awit 139 na ang Dios ay nasa lahat ng dako. Kung tayo ay nananalangin sa “Ating Ama sa Langit,” hindi binibigyan ng diin ang distansiya ng Ama sa atin, subalit dinadala tayo nito mula sa natural na mundo tungo sa isang makapangyarihang espirituwal na larangan. Sinisiguro sa atin na nasa kamay ng Dios ang lahat ng kayamanan sa langit na naroon sa mga kahilingan sa modelong panalangin. Kung tayo’y nananalangin ng “Ama namin na nasa Langit,” tayo ay nakaugnay agad kay Cristo at sa Dios na makapangyarihan na walang limitasyon ang mga kayamanan na magagamit natin sa pananalangin para sa iba.

 

SAMBAHIN NAWA ANG PANGALAN MO:

 

Nang tayo ay naging kaanib ng pamillya ng Dios, ibinigay sa atin ang pangalan ng ating Ama, kung paanong ang isang bata na inampon dito sa mundo ay ginagamit ang pangalan ng kaniyang bagong ama. Ang ating espirituwal na pagka-ampon ang nagbigay sa atin ng karapatan na tawagin ang Dios na “Ama” at tanggapin lahat ng mga karapatan na kaugnay ng Kaniyang Pangalan, sapagkat tayo ngayon ay tagapagmana ng Kaharian ng ating Ama.

 

Hindi lamang pang tukoy ang pangalan ng Dios, subalit ito ay kapahayagan ng Kaniyang karacter at pagkadios. Kung sinasabi nating “Sambahin nawa ang Pangalan Mo” ipinahahayag natina ang Kaniyang persona, kapangyarihan, at kapamahalaan. Kung tayo ay dumadalangin para sa iba, magagamit mo ang mga pangalang ito upang mamagitan sa Dios na gumawa sa kanilang mga buhay. Narito ang halimbawa:

 

Idinadalangin ko ang aking asawa, na Ikaw ay maging Jehovah -shalom sa kaniya. Dalangin ko na Ikaw ay maging Jehovah-Jireh, ipinagkakaloob ang kaniyang mga pangangailangan sa araw na ito. Jehovah-nissi, idinadalangin ko na iyong bandila ay manguna sa kaniyang buhay. Dalangin ko na bilang Jehovah-m’kadesh ikaw ang magpapabanal sa kaniya sa araw na ito…” (atbp.)

 

Narito ang listahan ng mga pangalan ng Dios at ng mga kahulugan nito:

 

Pangalan                                       Kahulugan                                               Reprensya

 

Jehovah-tsidkenu               Jehovah Aming Katuwiran                              Jeremias 23:6

Jehovah-m’kadesh             Jehovah na Nagdadalisay                                 Exodo 31:13

 

Jehovah-shalom                 Si Jehovah ay Kapayapaan                               Hukom 6:24

Jehovah-shammah             Naroon si Jehovah                                             Ezekiel 48:35

 

Jehovah-rophe                   Nagpapagaling si Jehovah                                 Exodus 15:26

 

Jehovah-jireh                     Si Jehovah ang Nagbibigay                                Genesis 22:14

 

Jehovah-nissi                    Si Jehovah ang Aking Bandila                            Exodo 17:15

Jehovah-rohi                     Jehovah Aking Pastol                                          Awit 23:1

 

 

 

DUMATING NAWA ANG KAHARIAN MO:

 

Sa Griego, Hebreo at Aramaic, ang “Kaharian” ng Dios ay tumutukoy sa paghahari, Siya ang nasusunod, pagupo bilang hari, o ang mga ginagawa ng naghaharing Dios. Ito ang kapahayagan ng karacter ng Dios na kumikilos.

 

Ang pinangangasiwaan ng Dios ay makikita sa isang pangkalahatang organisasyon tulad ng Kaharian ng Dios; ang nakikitang organisasyon bilang Iglesia na sa pamamagitan nito ay napapalawig ang Kaniyang Kaharian; at ng mga tao na kabilang sa Kaharian, lahat ng tunay na mananampalataya na ipinanganak sa Kahariang ito.

 

Darating ang panahon na ang Kaharian ng Dios ay itatatag sa nakikitang paraan. Hindi natin alam kung kailan ito magaganap (Gawa 1:7), subalit ayon sa Salita ng Dios, ito ay tiyak. Lahat ng “kaharian ng mundo” ay magiging pag-aari ng Dios, ang masamang kaharian ni Satanas ay matatalo, at ang ating Hari ay maghahari magpakailan man (Apocalipsis 11:15).

 

Ang sentro ng mensahe ng Kaharian ay malinaw na nakatala sa Bagong Tipan. Nakatala ito na 49 beses sa Mateo, 16 beses sa Marcos, at 38 na beses sa Lucas. Pinasimulan ni Jesus ang Kaniyang ministeryo sa lupa sa pamamagitan ng pagsasabi ng mga bagay tungkol sa Kaharian (Mateo 4:17). Tinapos Niya ang Kaniyang ministeryo sa lupa sa pagsasabi ng mga bagay tungkol sa Kaharian (Gawa 1:3). Sa pagitan ng pagsisimula at pagtatapos ng Kaniyang ministeryo sa lupa, ang diin ay laging nasa Kaharian. Lagi Niyang sinasabi na dapat Niyang ipahayag ang mensahe nito sa ibang lugar (Lucas 4:43). Lahat ng mga talinghaga ni Jesus ay may kaugnayan sa Kaharian at ang Kaniyang buhay ay modelo ng mga prinsipyo nito.

 

Sinabi ni Jesus na tayo, bilang mga mananampalataya, ay dapat magbigay diin din sa Kaharian:

 

Datapuwat hanapin muna ninyo ang Kaniyang Kaharian, at ang Kaniyang katuwiran; at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo.

(Mateo 6: 33)

 

Ang talatang ito ang nagpapakita kung saan natin dapat ituon ang ating pananalangin, pangangaral, pagtuturo, at pamumuhay. Dapat laging nakasentro sa Kaharian ng Dios. Kung “hahanapin muna natin ang Kaharian,” ito ang nagsisiguro na matutugon ang ating mga hinihiling sa modelong panalangin.

 

Ang dalangin na “Dumating nawa ang Kaharian Mo” ay higit pa sa panalangin ng pagbabalik ni Jesus at ng pagtatatag ng Kaniyang Kaharian dito na nakikita. Kung tayo ay dumadalangin na “Dumating nawa ang Iyong Kaharian,” sinasabi natin na ang Ama ang mangangasiwa sa buhay ng mga mananampalataya, at hindi manananampalataya, at ng buong mundo. Idinadalangin natin na kilalanin ng lahat na ang Dios ang Hari at ang mga pangyayari dito sa lupa ay Siya ang masusunod.

 

Kung ating sinasabi ang mga salitang “Dumating nawa ang Kaharian Mo” hinihiling natin na alisin ng Dios ang anumang bagay na lumalaban sa Kaniyang Kaharian, tulad ng mga salita, damdamin, mga pagnanasa, pag-uugali, atbp., sa ating sarili at sa iba.

 

GAWIN NAWA ANG IYONG KALOOBAN, KUNG PAANO SA LANGIT, GAYON DIN NAMAN SA LUPA:

 

May dalawang salitang Griego na ginagamit sa salitang “kalooban” kung patungkol sa Dios. Ang isa ay “boulema.” Ang kahulugan nito ay ang buong kagustuhan ng Dios na Kaniyang itinakda sa lahat ng nangyayari sa mundo. Ang uri ng “kalooban ng Dios” na ito ay nagaganap kahit ano ang mga desisiyon ng tao. Ito ang dakilang plano Niya sa mundo at ang Dios ay gumagawa sa mundo upang maganap ang lahat ng mga bagay ayon sa Kaniyang nasusunod na plano:

 

Tayo rin naman sa Kaniya ay ginawang mana, na itinalaga na Niya tayo nang una pa ayon sa pasiya niyaong gumagawa ng lahat ng mga bagay ayon sa pasiya ng Kaniyang kalooban.  (Efeso 1:11)

 

Ang “boulema” na kalooban ng Dios ay hindi nangangailangan ng pakikipagtulungan ng tao. Sa “boulema” na kalooban ng Dios ay alam na ang mangyayari. Ang “boulema” na kalooban ng Dios ay nakasulat sa Kaniyang Salita at tiyak na malinaw. Hindi na kailangang hanapin ang  kalooban ng Dios sapagkat ito ay nasaad na sa Biblia.

 

Ang isa pang salita ng kalooban ng Dios ay “thelema” at ito ay tungkol sa indibiduwal na plano ng Dios sa bawat tao. Upang matupad ang “thelema” na kalooban Niya, kailangan ang pagkikipagtulungan ng tao. Ang mga tao ay may kapangyarihang mamili kung sila ay susunod sa “thelema” na kalooban ng Dios o hindi. Kung ikaw ay nananalangin na “Gawin nawa ang Iyong kalooban” para sa iyong sarili o para sa iba, ito ang idinadalangin mo na ang “thelema” na kalooban ng Dios ang mangyari.

 

IBIGAY MO SA AMIN NGAYON ANG AMING KAKANIN SA ARAW-ARAW:

 

Sa modelong panalangin, hinahanap muna natin ang Kaharian kung ating sinasabi “Dumating nawa ang Iyong Kaharian” sa lahat ng pangyayari sa ating buhay. Tayo ay napasasakop sa kalooban ng ating Ama sa Langit, na sinasabing “Matupad nawa ang Iyong kalooban.” Ngayon ay makapapanalangin tayo na may kasiguruhan, “Ibigay Mo sa amin ngayon ang aming kakanin sa araw-araw,” hinihiling na tagpuin Niya ang ating mga pangangailangan upang matupad natin ang Kaniyang kalooban at palawigin ang Kaniyang Kaharian.

 

“Ibigay Mo sa amin” ay nagpapakita na ang Dios ang pinagmumulan ng ating mga kailangan, hindi ang isang denominasyon o tseke ng kompaniya. Ang salitang Griego na “araw-araw” sa modelong panalanging ito ay hindi na naulit sa Biblia. Ang ibig sabihin nito ay “kailangang tinapay, na sapat para tayo ay mabuhay.” Ang gamit dito ay nagpapatunay na ang modelong panalanging ito ay dapat idalangin araw-araw.

 

Ang panalangin ay para sa “tinapay” na parehong espirituwal at materiyal na ikabubuhay. Ang salitang “sa amin” ay nagpapakita na dapat tayong manalangin para sa “pang araw-araw na tinapay” na probisyon para sa iba at para sa atin din.

 

 

AT IPATAWAD MO SA AMIN ANG AMING MGA UTANG, GAYA NAMAN NAMIN NA NAGPATAWAD SA MGA MAY UTANG SA AMIN:

 

Dapat tayong matutong tumanggap at magbigay ng kapatawaran para sa ating personal na mga pagkakamali at mga ginawang mali ng iba sa atin. Ang mga personal na kasalanan ay nangyayari kung sinusuway natin ang Dios dahil sa ating kasalanan. Humihingi tayo ng tawad sa Kaniya sa pamamagitan ng pagsasabi ng, “Ipatawad Mo sa amin ang aming mga utang.” Ang sabi ng Biblia ay:

 

Kung sinasabi nating tayo’y walang kasalanan, ay ating dinadaya ang ating sarili, at ang katotohanan ay wala sa atin. Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, ay tapat at banal Siya na tayo’y patatawarin ssa ating mga kasalanan, at tayo’y lilinisin sa lahat ng kalikuan.  (I Juan 1: 8-9)

 

Kung kinukumpisal mo ang iyong nalalamang kasalanan, pinatatawad din ng Dios ang iyong hindi nalalamang kasalanan na ikinumpisal mo rin, nililinis ka mula sa lahat ng karumihan.

 

Ang pangalawang larangan kung saan ang pagpapatawd ay dapat makita ay sa pagpapatawad mo sa iba ng kanilang mga direkto at hindi direktong kasalanan sa iyo. Kung ikaw ay minaltrato ng iba, ito ay direktong kasalanan sa iyo. Ang hindi direktong kasalanan ay kung sinaktan ang iyong kaibigan o kamag-anak at ikaw rin ay nagalit sa kanila. Itinuro ni Jesus na dapat nating ipanalangin ang mga ganitong kaso at sabihing, “Ipatawad Mo sa amin ang aming mga utang, gaya naman namin na nagpatawad ng mga may utang sa amin.”

 

Ang literal na sabi sa Griego ay “ kung paano namin pinatawad ang mga nagkautang sa amin.” Kung ganoon ito ay dapat basahing, “Patawarin Mo kami, kung paano namin pinatawad ang iba.” Ang kaisipan ay, bago tayo humingi ng tawad sa Dios ay pinatawad na natin ang mga nagkasala laban sa atin. Itinuro ni Jesus ang prinsipyong ito sa talinghaga ng aliping hindi marunong magpatawad sa Mateo 18: 22-35.

 

Ang kuwento na ito ay nagtuturo na ang kapatawaran ng Dios ay nauuna sa kapatawaran ng tao. Ang pagpapatawad ng tao ay salamin ng kapatawaran ng Dios, at magiging tunay lamang ang kapatawaran ng Dios kung tayo ay nakalaang magpatawad sa iba.

 

Ibinuod ni Jesus ang katotohanang ito nang sabihin Niyang:

 

…Mangagpatawad kayo kung mayroon kayong anumang laban sa kanino man; upang ang inyong Ama naman na nasa Langit ay patawarin kayo ng inyong mga kasalanan. Datapuwat kung hindi kayo magpapatawad, hindi rin kayo patatawarin sa inyong mga kasalanan ng inyong Ama na nasa mga langit.  (Marcos 11:25)

 

Gumagawa si Satanas ng dahilan para mag-away-away ang inyong pamilya, mga kaibigan, kasama sa trabaho, at sa iglesia. Sinasabi sa Biblia na ang mga hidwaan ay mangyayari (Mateo 18:7). Paano mo haharapin ang mga pangyayaring ito kapag ito’y dumating? Mamamagitan ka ba sa panalangin o pag-uusapan lang ninyo ito sa pamamagitan ng tsismis.

 

AT HUWAG MO KAMING IHATID SA TUKSO, KUNDI ILIGTAS MO KAMI SA MASAMA:

 

Tinuruan tayo ni Jesus na manalangin, “Huwag Mo kaming ihatid sa tukso,” subalit ang sabi ni Santiago ay hindi nanunukso ang Dios:

 

Huwag sabihin ng sinoman pagka siya’y tinutukso, Ako’y tinutukso ng Dios; sapagkat ang Dios ay hindi matutukso sa masamang bagay, at hindi rin naman Siya nanunukso sa kanino man.  (Santiago 1:13)

 

Kaya, sino ang manunukso na sinasabi ni Jesus? Ipinakitang maliwanag ng Dios na ito ay papel ng ating kaaway, si Satanas (Mateo 4:3; I Tesalonica 3:5). Ang Kasulatan ay pauli-ulit na nagbabala tungkol sa mga tukso na galing sa demonio (Mateo 4:1; I Corinto 7:5; I Tesalonica 3:5). Ipinaliwanag ng Biblia na…

 

…ang bawat tao ay natutukso, pagka nahihila ng sariling masamang pita at nahihikayat. Kung magkagayo’y ang kahalayan, kung maipaglihi ay nanganganak ng kasalanan: at ang kasalanan, pagka malaki na ay namumunga ng kamatayan.

(Santiago 1:14-15)

 

Si Satanas ang manunukso, subalit tayo ay nalalapit sa bitag niya kung pinapayagan natin ang makalamang pagnanasa na tuksuhin tayo. Ang mga ganyang mga nasa ay nanganganak ng kasalanan, at ang kasalanan ay nagbubunga ng kamatayan. Ang ilan sa mga atake ni Satanas ay nagmumula sa mga hindi makontrol na masasamang nasain sa loob, at ang iba namang tukso ay galing sa labas sa pamamagitan ng pandinig, nakikita, nadarama, hipo, at panglasa. Anuman ang pinagmulan, tinitiyak ni Apostol Pablo na:

 

Hindi dumating sa inyo ang anumang tukso kundi yaong matitiis ng tao: datapuwat tapat ang Dios, na hindi Niya itutulot na kayo’y tuksuhin ng higit sa inyong makakaya; kundi kalakip din ng tukso, ay gagawin naman ang paraan ng pagilag, upang ito’y inyong matiis.  (I Corinto 10: 13)

 

Kung tayo’y dumadalangin na “Huwag Mo kaming ihatid sa tukso,” hinihiling natin na ingatan tayo na malayo mula sa tawag ng kasalanan. Kahit si Jesus ay hindi nakaligtas mula sa tukso, subalit naingatan dito (Hebreo 4:15). Tiniyak sa tin si Apostol Juan:

 

Alam nating ang mga anak ng Dios ay hindi nagpapatuloy sa pagkakasala, sapagkat iniingatan sila ni Jesucristo, at hindi sila maaaring anhin ng diablo.  (I Juan 5: 18 MBB)

 

Sa Efeso 6: 10-18, nagbigay si Apostol Pablo ng detalyadong impormasyon tungkol sa masama at ang espirituwal na sandata na ibinigay ng Dios para sa ating depensa. Binigyang diin ni Pablo na dapat tayong magpakalakas sa Panginoon at sa kapangyarihan ng Kaniyang lakas at maging matapang sa pagharap sa mga masasamang puwersang ito (Efeso 6: 10,11,13). Sinabi niya na posibleng managumpayay laban sa lahat ng panloloko (kasinungalingan, katusuhan, kasamaan) ng diablo. Pinagpayuhan tayo ni Pablo na dapat tayong makipagbaka ng mabuting pakikipagbaka (I Timoteo 1:18), lumaban ng mabisang pakikipaglaban ng pananampalataya (I Timoteo 6:12), at makipagbaka ng may layunin (I Corinto 9:26).

 

Binigyan diin ni Pablo na ang pakikibaka ay hindi sa laman at ang mga sandatang makalaman ay hindi mabisa. Ang pakikibakang espirituwal ay dapat gamitan ng mga espirituwal na sandata:

 

Dahil dito magsikuha kayo ng buong kagayakan ng Dios, upang kayo’y mangakatagal sa araw na masama, at kung makagawa ang lahat, ay magsitibay.

 

Magsitibay nga kayo, na ang inyong mga baywang ay may bigkis na katotohanan, na may sakbat na baluti ng katuwiran,

 

At ang inyong mga paa ay may panyapak na paghahanda ng Ebanghelyo ng kapayapaan;

 

Bukod dito ay taglayin ninyo ang kalasag ng pananampalataya, na siyang ipapatay ninyo sa lahat ng nangagniningas na suligi ng masama.

 

At magsikuha rin naman kayo ng turbante ng kaligtasan, at ng tabak ng Espiritu, na siyang salita ng Dios:

 

Na magsipanalangin kayo sa Espiritu ng lahat ng panalangin at daing sa buong panahon, at mangagpuyat sa buong katiyagaan at daing na patungkol sa lahat ng mga banal… (Efeso 6: 13-18)

 

Ang pakay ng baluti ay upang makalaban tayo sa mga pakana ng kaaway, si Satanas. Inutusan tayo na “isuot” ang baluting espirituwal na ang ibig sabihin ay katungkulan mong gamitin ang ipinagkaloob ng Dios sa iyo. Ang ibig sabihin ng “isuot” ay kunin mo ito at gamitin. Ganito ang paggamit habang namamagitan ka sa panalangin para sa iyo at para sa iba:

 

Baluti                                 Dapat sabihin                    Pangakong                     Espiritung

                                                                                         Aangkinin                     Tatalian                        

 

Baywang bigkis                 Jesus, Ikaw ang                    Juan 14:6                         Panlilinlang              

Ng katotohanan                  aking katotohanan.

 

Baluti ng katuwiran           Jesus, Ikaw ang                    II Corinto 5:21                 Kasamaan

                                           Aking katuwiran.

 

Paa, may panyapak           Jesus, Ikaw ang aking            Filipos 4: 13                    Katamaran

Na handa sa Ebanghelyo    kahandaan.

 

Kalasag ng                          Jesus, Ikaw ang aking           Galacia 2: 20                  Kawalan ng     

pananampalataya.                pananampalataya.                                                     pananampalataya                                                                                     

                  

                                                                                                           

Turbante ng                      Jesus, Ikaw ang aking                 Hebreo 5:9               Masasamang                                                                        

kaligtasan                         kaligtasan.                                                                    Iniisip

 

Tabak ng                           Jesus, Ikaw ang buhay                 Juan 1:14                Kasinungalingan

Espiritu (Salita)                 na Salita.                                                                      Ni Satanas

 

SAPAGKAT IYO ANG KAHARIAN,  AT ANG KAPANGYARIHAN AT ANG KALUWALHATIAN, MAGPAKAILAN MAN:

 

Ang salitang “sapagkat” ay nagpapakita ng kapamahalaan kung paanong ipinanalangin ang modelong panalangin. Ang ibig sabihin nito ay “sapagkat” ang kaharian, kapangyarihan, at kaluwalhatian ay nauukol sa Dios, maaari nating angkinin ang mga ibinigay, mga pangako, at proteksiyon sa panalanging ito. Pagdating natin sa huling bahagi ng modelong panalanging ito at nagpahayag na “ Sa Iyo ang Kaharian,” tayo ay nakikiisa sa lahat ng sinabi ng Dios tungkol sa Kaniyang Kaharian:

 

“Huwag kayong mangatakot, munting kawan; sapagkat nakalulugod na mainam sa inyong Ama ang sa inyo’y ibigay ang Kaharian.”  (Lucas 12: 32)

 

Kanya ang kaharian, subalit bilang mga tagapagmana, ito rin ay ating Kaharian. Ito ay ibinigay ng Ama at nagagalak Siyang ibigay ito sa atin.

 

Ang salita para sa kapangyarihan ay “dunamis” kung saan kinuha ang salitang “makapangyarihan” at “dinamita.” Kung tinatapos natin ang ating panalangin ng “Sa Iyo ang kapangyarihan,” kinikilala natin ang kapangyarihan ng Dios na may potensiyal na parang dinamita upang tugunin ang ating mga hinihingi. Kung ating sinasabing, “Sa Iyo ang kapangyarihan,” ibinabalik sa atin ng Dios ang mga salita ni Jesus, “Binibigyan ko kayo ng kapangyarihan laban sa kapangyarihan ng kaaway.” Nakatitiyak ka ng katugunan sa lahat ng idinalangin mo sa modelong panalangin.

 

Kaya sinasabi nating, “Sa Iyo ang kaluwalhatian!” “Kaluwalhatian” ang pinakamayamang salita sa ating lengguwahe. Walang isang salita na may ganito ring kahulugan, subalit narito ang ilang mga salita na naglalarawan nito: Karangalan, papuri, karangyaan, kaliwanagan, kapangyarihan, karapatdapat, katulad, kagandahan, katanyagan, at posisyon. Ang sabi ni Jesus ay:

 

“At ang kaluwalhatiang sa Aki’y ibinigay Mo ay ibinigay Ko sa kanila; upang sila’y maging isa, na gaya naman natin na iisa.”  ( Juan 17: 22)

 

Ang kaluwalhatiang ibinigay kay Jesus ng Ama ay ipinagkaloob din sa iyo. Ang dapat mo lang gawin ay angkinin ito. Dapat kang lumalakad mula sa “kaluwalhatian tungo sa kaluwalhatian” hindi mula sa pagkatalo tungo sa pagkatalo. Maaaring ikaw ay nasisiraan ng loob at nanlalamig sa iyong buhay espirituwal, subalit ang Salita ng Panginoon para sa iyo ngayon ay…

Bumangon ka, Jerusalem, at magliwanag na tulad ng araw, Nililiwanagan ka ng kaningningan ni Yahweh. Mababalot ng dilim ang ibang mga bansa; ngunit ikaw ay liliwanagan ni Yahweh sa pamamagitan ng Kaniyang kaningningan. (Isaias 60: 1-2)

Ang kaluwalhatian ng Dios ay nangangako ng:

 

-Probisyon:                                                                    Filipos 4: 19; Efeso 3:16

-Kalakasan:                                                                   Colosas 1:11

-Kagalakan:                                                                   Isaias 66:5; I Pedro 1:8; II Cronica 16:10

-Kalayaan:                                                                     Isaias 60:1

-Kapahingahan:                                                             Isaias 11:10

-Paglilinis:                                                                     Exodo 29:43

-Pagkakaisa sa ibang mananampalataya:                      Juan 17:22

 

Ang salita ay yaon nga ang sinasabi…”Magpakailan man”, “walang hanggan,” “walang katapusan.” Sa pagtatapos mo ng iyong panalangin, ibinibigay mo ang Kaharian, kapangyarihan, at kaluwalhatian sa iyong Ama… magpakailan man. Itinatali mo ang iyong sarili sa isang walang hanggang kaugnayan sa iyong Ama sapagkat kinikilala mo na ikaw ay kabahagi ng Kaniyang kaharian, kapangyarihan, at kaluwalhatian.

 

AMEN:

 

Kapag ginagamit natin ang salitang “Amen,” tinatatakan nito ang ating panalangin ng kapangyarihan at kapamahalaan sapagkat ang “Amen” ay isa sa mga pangalan ni Cristo (Apocalipsis 3:14). Si Cristo ang tinawag na “Amen ng Dios,” sapagkat ang lahat ng pangako ng Dios ay natupad sa Kaniya. Kapag sinabi nating “Amen” ang ibig sabihin nito ay idinalangin natin lahat ng ating mga kahilingan sa pangalan ni Jesus.

 

Ang salitang “Amen” ay hindi nangangahulugan ng “tapos na at wala na… tapos na kong manalangin!” Ang kahulugan ng salitang ito ay, “Siya nawa, tulad ng idinalangin ko, gayon nga ang mangyari.” Kaya kapag sinabi mong “Amen” ikaw ay nagbibigay ng pahiwatig ng pananampalataya.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING  PAGSUSULIT

 

1. Isulat ang Susing Mga Talata (ang Ama Namin) na kinabisa mo.

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

2. Saan matatagpuan sa Biblia ang dalawang bersiyon ng modelong panalangin?

 

________________________________________

3. Bakit ang Panalangin ng Panginoon ay isang panalangin ng pamamagitan para sa iba?

________________________________________

________________________________________

4. Paano mo magagamit ang modelong panalangin para ipanalangin ang iba?

________________________________________

________________________________________

5. Paano mo nagagamit ang mga pangalan ng Dios upang manalangin para sa iba?

________________________________________

________________________________________

 

 

 

 

 

(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata sa manwal na ito.)

 

PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL

 

Ang pananalangin na ginagamit ang mga pangako ng Salita ng Dios ay nagbibigay ng kasiguruhan na tutugunin ang iyong panalangin.

 

Pasimulang basahin ang Biblia hanggang matapos at markahan ang mga pangako ng isang kulay o ng letra na “P” sa margin ng iyong Bible.

 

Pasimulang gamitin ang mga pangakong ito sa iyong pananalangin. Gawin mo ito na mismong ang pangako ang iyong ginagamit sa panalangin. Halimbawa, ganito ang pananalangin mo sa Awit 9:9-10:

 

“Idinadalangin ko si (pangalan) na Ikaw ang magiging kanlungan niya sa oras ng kaligaligan. Dalangin ko na ilagay niya ang kaniyang pagtitiwala sa Iyo sapagkat Ikaw, Panginoon, ay hindi Mo pinabayaan ang mga nagsisihanap sa Iyo.”

 

Ngayon… subukin mong gawin ito. Mamili ka ng isang pangako sa Biblia at isulat mo rito sa ibaba bilang isang panalangin:

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

IKA-PITONG  KABANATA

 

PANALANGIN NG PAMAMAGITAN PARA SA

PAGBABAGONG-BUHAY

 

MGA LAYUNIN:

 

Sa pagtatapos ng kabanatang ito, may kakayahan kang:

 

  • Ibigay ang katuturan ng pagbabagong-buhay.
  • Ipaliwanag kung paano tayo makapaghahanda sa pagbabagong-buhay.
  • Kilalanin kung kailan kailangan ang pagbabagong-buhay.
  • Tukuyin ang mga ebidensiya ng panlalamig na espirituwal.
  • Ibuod ang mga prinsipyo ng Biblia tungkol sa pagbabagong-buhay.
  • Tukuyin ang mga balakid sa pagbabagong-buhay.
  • Ipaliwanag kung paano gagamitin ang “Plano ng Dios” na mamagitan sa panalangin para sa pagbabagong-buhay.

 

SUSING TALATA:

 

Kung ang Aking bayan na tinatawag sa pamamagitan ng Aking pangalan ay magpakumbaba at dumalangin, at hanapin ang Aking mukha, at talikuran ang kanilang masamang mga lakad; Akin ngang didinggin sa Langit, at ipatatawad Ko ang kanilang kasalanan, at pagagalingin Ko ang kanilang lupain. (II Cronica 7:14)

 

PAMBUNGAD

 

Isa sa pinakamahalagang gawain ng pananalangin ay ang pananalangin para sa pagbabagong-buhay. Sa kabanatang ito, malalaman mo ang katuturan ng pagbabagong-buhay, paano paghahandaan ito, at paano makikilala kung kailan ito kailangan. Matututuhan mo rin kung paano tutukuyin ang mga balakid na nagiging sagabal sa pagbabagong-buhay at kung paano mananalangin para dito.

 

ANG KATUTURAN NG PAGBABAGONG-BUHAY

 

Una, ating tingnan kung ano ang hindi pagbabagong-buhay. Ang pagbabagong-buhay ay hindi basta emosyonal na karanasan. Ang mga tao ay tumutugon sa emosyon sa pagbabagong-buhay, subalit ang emosyon ay isang bahagi lamang ng pagbabagong-buhay, hindi ito ang pagbabagong-buhay. Ang tunay na pagbabagong-buhay ay tatalab sa buong katauhan, kasama dito ang kaniyang emosyon. Ang pagkaalam ng mga bagay ay hindi nakakahipo sa damdamin ng tao. Ang mga estatistiko tungkol sa bilang ng mga namamatay dahil sa alak ay hindi nakapaghihikayat ng lasenggo. Mga bilang ng tumataas na krimen ay hindi nakapagpapabago ng mga kriminal. Ang kapangyarihan ng Espiritu Santo na sumumbat ay dapat humipo sa tao sa espirituwal at emosyonal na larangan bago siya magbago.

 

Ang pagbabagong-buhay ay hindi malakas na tugtugan at “mala-impiyernong” pangangaral. Hindi ito kampanya para dumami ang mga miembro. Ang paglago ng Iglesia ay bunga ng pagbabagong-buhay, subalit hindi ito kapareho ng pagbabagong-buhay. Ang pagbabagong-buhay ay hindi ebangelismo. Ang Ebangelismo ay pagpapahayag ng mabuting balita ng Ebangelio. Nauuna ang pagbabagong-buhay sa ebangelismo, sapagkat kung ang mga patay na mananampalataya ay “nabuhay,” ang resulta ay ebangelismo. Sa wakas, ang pagbabagong-buhay ay hindi lang isang serye ng mga tanging gawain… malibang ang mga gawaing iyon ay hinipo ng kapangyarihan ng Dios.

 

Ang pagbabagong-buhay ay…

 

“Isang makadios na hindi pangkaraniwang kilos ng Dios sa pamamagitan at para sa mga tao na natuto at isinagawa ang mga prinsipyo na nahayag sa rhema Salita ng Dios patunay sa pagbabagong-buhay.

 

Ang pagbabagong-buhay ay galing sa Dios, hindi ito magagawa ng tao. Ito ay hindi pangkaraniwan, sapagkat ito ay espesyal na gawa ng Dios. Ang pagbabagong-buhay ay gumagawa sa loob ng grupo ng mga tao at para sa kanila. Upang mahanda sa pagbabagong-buhay, dapat nating sundin ang mga prinsipyong nasa Salita ng Dios patungkol sa pagbabagong-buhay. Lahat ng itinuturo ng Biblia tungkol sa pagbabagong-buhay ay “rhema” o “tiyak” na

Salita ng Dios sa paksang ito. Masasabi rin nating ang pagbabagong-buhay ay:

 

-Isang paggising, nagpapalakas, pinanunumbalik ang bayan ng Dios, nagpapalakas ng mga bagay na nananatili.

 

-Isang pagbabalik ng ulirat o buhay. Ang nabubuhay ay nagiging aktibo at lumalagong muli.

 

-Ang pagpasok ng Espiritu sa katawan na malapit nang maging patay.

 

-Mga panahon ng pananariwa sa presensiya ng Panginoon. (Gawa 3:19)

 

PAGHAHANDA PARA SA PAGBABAGONG-BUHAY

 

Maihahalintulad natin ang paghahanda sa pagbabagong-buhay sa pagsasaka. Maaaring maupo diyan ang isang magsasasaka, subalit kung hindi siya naghanda ng lupa, nagtanim ng binhi, at dinilig ang pananim, hindi ito darating.

 

Ganoon din kamangmang ang magsasaka na nag-iisip na sapagkat ginagawa niya ang kaniyang bahagi sa pagtatanim, ang pagaani ay sigurado na. Kailangan ang kapangyarihan ng Dios sa pagdadala ng ulan, araw, at tamang panahon upang lumago ang halaman. Ang magsasaka ay gumagawang kasama ng pagpupunla at paghahasik, panahon ng pagbibinhi at pag-aani na sinabi sa Salita ng Dios. Ang Dios pa rin ang nasusunod, sapagkat ang ulan, araw, at tamang panahon ay nagmumula sa Kaniya.

 

Ganito ring pagkakatulad ang magagamit sa pagbabagong-buhay. Ito ay makapangyarihang kilos ng Dios, subalit upang tayo ay “umani” nito, paghandaan natin ito sa pamamagitan ng pagsunod sa mga prinsipyo na nasa Salita ng Dios. Ang pagbabagong-buhay ay ang pinagsanib na pagkilos ng Espiritu ng Dios at ng pagtugon ng bayan ng Dios.

 

KUNG KAILANGAN ANG PAGBABAGONG-BUHAY

 

Laging kailangan ang pagbabagong-buhay, subalit ito ay mas kailangan kung ang tao ay nan- lalamig. Upang maunawaan ang panlalamig, tingnan ang halimbawa ng Israel. Tinawag ni Jeremias ang problema ng Israel na “panlalamig” (Jeremias 1:3-4). Ang sabi ng Biblia ay:

 

            Ang tumatalikod ng kaniyang puso ay nabubusog ng kaniyang sariling mga lakad.

            (Kawikaan 14:14)

 

Buksan ang Jeremias kabanata 2. Mapapansin mong ang Israel ay…

 

-Nagpasya na ang Dios ay hindi na kasing halaga sa kanila tulad noong una (“dati ako ay”…): 2:5

 

-Kinalimutan ang mga dakilang bagay na ginawa ng Dios sa kanila sa nagdaang mga araw: 2: 6-7

 

-Kahit ang mga lider ng relihiyon sa Israel ay sumama sa mga nanlalamig. Hindi na nagtatanong ang mga saserdote ng, “Nasaan ang Panginoon?”  2:8

 

-Dahil sa itinulak nilang palayo ang Dios sa kanilang buhay, naghanap sila ng ibang mga bagay… sa pagkakataong ito, mga idolo:  2: 11-12; 27-28

 

-Iniwan nila ang tunay na pinanggagalingan ng espirtuwal na tubig at nagpasimula silang gumawa ng mga sisidlang hindi nakaiipon ng tubig. Pinagpalit nila ang buhay na tubig para sa patay na tubig: 2:13

 

-Nagumpisa silang umanod na palayong espirituwal:  2:19

 

-Pumasok sila sa kondisyon na sila ay may sariling katuwiran:  2:22-23

 

-Binibigyan nilang katuwiran ang kanilang mga pagkukulang:  3:11

 

-Dinamay nila ang iba sa kanilang mga kabulukan:  2:33-34

 

Ang panlalamig ay ang pag-iwas sa Dios at pagpuno ng buhay ng mga bagay na makasarili. Inilarawan ito na tulad ng baboy na nagbalik sa putik at ng aso na binalikan ang kaniyang suka.

(II Pedro 2:21-22)

 

 

 

MGA EBIDENSIYA NG PANLALAMIG SA BUHAY ESPIRITUWAL

 

Narito ang ilang mga ebidensiya ng panlalamig sa buhay espirituwal. Suriin mo ang iyong puso at buhay sa iyong pag-aaral ng listahang ito. Ikaw ay nanlalamig …

 

1. Kung ang pananalangin ay hindi na mahalagang bahagi ng iyong buhay. Ang kasabihan ay

“naaantala ang pagbabagong-buhay sapagkat ang panalangin ay wala na.”

 

2. Kung ang pagsasaliksik sa mga katotohanan ng Biblia ay tumigil na at nakontento ka sa mga kaalamang dati mo nang alam. Hindi ang ibig sabihin nito ay hindi na nagbabasa ng Biblia ang mga nanlalamig. Marami sa kanila ay may ugali ng pagdi-devotion, subalit bagama’t nagbabasa sila ng salita, ang mga natutuhan ay hindi naisasapamuhay.

 

3. Kung ang mga isipan tungkol sa makalangit na mga bagay ay hindi na mahalaga.

 

4. Kung binibigyan mong dahilan ang iyong kasalanan at sinasabi mong “ alam ng Panginoon na ako’y alabok” o “ talagang ganito ako nilalang.”

 

5. Kung napapahiya ka sa mga derechong usapang espirituwal at ikaw ay hindi mapalagay.

 

6. Kung nauuna sa iyong buhay ang pagliliwaliw, palakasan, at mga kasayahan.

 

7. Kung hindi ka na ginigiyagis ng iyong budhi kapag ikaw ay nagkakasala.

 

8. Kung ang pagnanasa na maging tulad ni Cristo sa kabanalan ay hindi na mahalaga sa iyong buhay.

 

9. Kung ang pagkamal ng salapi at mga bagay ang prominente sa iyong isipan.

 

10. Kung naririnig mong ginagamit ang pangalang ng Panginoon na walang kabuluhan, pinagtatawanan ang mga bagay na espirituwal, at ang mga bagay na eternal ay ginagawang biro, at hindi ka nagagalit at wala kang ginagawang aksiyon tungkol dito.

 

11. Kung ang “pagsamba” ay nakakapagod. Hindi ka na nasisiyahan sa mga gawain sa Iglesia, nakaka-awit ka nang walang damdamin, wala kang awit sa iyong puso, walang papuri na may kagalakan.

 

12. Kung wala kang pakialam sa pagkawala ng pagkakaisa sa iglesia.

 

13. Kung gumagawa ka ng dahilan para huwag makapaglingkod sa Dios.

 

14. Kung hindi mo mapigil ang iyong mga pagnanasa ng laman: Nanonood ka ng mga nakahihiyang palabas sa sinehan at telebisyon, nakikinig sa hindi makadios na tugtugin, at bumabasa ng mga babasahing mababa ang moralidad.

 

15. Kung ikaw ay nasisiyahan sa buhay na makamundo: Halimbawa, mga utang na hindi nababayaran, pagkalugi, pagsisinungaling, hindi tapat, mga pangakong hindi natutupad, pananamit na malaswa, dinadaya mo ang iyong “boss” sa hindi pagganap ng mabuting trabaho, etc.

 

16. Kung hindi ka nag-aalala sa iyong espirituwal na kondisyon; walang pagnanasa ng higit para sa Dios at ng Kaniyang kapangyarihan sa iyong buhay.

 

17. Kung ang iyong iglesia ay nahulog sa espirituwal na pagbagsak, ang Salita ng Dios ay hindi na ipinangangaral na may kapangyarihan sa iyong iglesia at ikaw ay nasisiyahan na roon.

 

18. Kung ang kalagayang moral, politikal, espirituwal, at ekonomiko sa mundo at sa iyong bansa ay bale wala sa iyo.

 

19. Kung matigas ang iyong puso: Hindi ka na naiiyak, hindi ka nagmamalasakit, brusko, atbp. Hindi ka naiiyak sa mga bagay na iniyakan ni Jesus tulad ng nawalang lunsod, ang espirituwal na kalagayan ng tao, at ang kalungkutan ng iba.

 

20. Kung nawala na ang iyong kalakasang espirituwal at hindi mo pa alam ito.   

 

MGA PRINSIPYO NG BIBLIA TUNGKOL SA PAGBABAGONG-BUHAY

 

Ang mga pagbabagong-buhay sa Lumang Tipan ay nagbigay ng mga prinsipyo na nagpapatnubay sa ating pananalangin para sa pagbabagong-buhay. Walang dalawang pagbabagong-buhay ang magkapareho, subalit ang mga sumusunod na mga prinsipyo ay nakatala sa Lumang Tipan:

 

1. Karamihan sa mga pagbabagong-buhay sa Lumang Tipan ay nangyari pagkatapos ng espirituwal na pagbagsak at pagkasiphayo. Kung ang mga pangyayari sa palibot mo ay bumababa at ikaw ay natutuksong masiphayo, magalak ka…Ikaw ay maaaring malapit na sa pagbabagong-buhay. 

 

2. Ang bawat pagbabagong-buhay ay nagpasimula sa puso ng isang tao, na ginamit na instrumento ng Dios upang pukawin ang iba. Sa paghipo ng Dios sa iyong puso ng apoy ng pagbabagong-buhay, paypayan mo ang apoy nito sa iba.

 

3. Bawat pagbabagong-buhay sa Lumang Tipan ay nakasalalay sa paghahatid ng Salita ng Dios. Ang mensahe ng pagbabagong-buhay ay dapat nakatuon sa kasalanan, impiyerno, paghuhukom ng Dios at hindi lang kapangyarihan, pagibig, kapayapaan, at kasaganaan. Tingnan mo ang mensahe ni Moises ng pagbabagong-buhay (Deuteronomio 11:26-28); ni Samuel (I Samuel 7: 3);

ni Ezekiel (Ezekiel 33: 7-8); at ni Elias (I Hari 18:21).

 

4. Ang pagsisisi sa kasalanan ay laging nauuna sa pagbabagong-buhay: Kasali sa pagsisisi ang pagsira ng bawat dios-diosan at paghiwalay sa sanglibutan.

 

5. Pagbabalik sa tamang pagpapahalaga tulad ng malasakit sa iba, pangingiling ng Sabbath, pagbibigay, panalangin, at ang Salita ng Dios.

 

6. Pagbabalik sa tunay na pagsamba sa Dios. Ang pagsambang ito ay hindi ang malamig at pormal na rituwal, subalit nakasisiya, at emosyonal na pagtugon ng mga tao sa kanilang Panginoon.

 

7. Bawat pagbabagong-buhay ay sinundan ng kaunlaran, kasaganaan, dakilang kagalakan, at katuwaan.

 

MGA BALAKID SA PAGBABAGONG-BUHAY

 

Narito ang ilang mga bagay na humahadlang sa makapangyarihang kilos ng Dios sa isang iglesia:

 

MGA LIDER NA HUMAHADLANG:

 

Ang mga lider na hindi ipinangangaral ang Salita ng Dios na may kapangyarihan ay pumipigil sa pagbabagong-buhay. Sila na hindi nananalangin, walang programa sa pagaaral ng Biblia, walang kapahayagan ng kapangyariahn, at walang sigla sa paghahatid ng Salita ng Dios ay balakid din sa pagkilos ng Dios. Sila na mga pumipigil sa kanilang mga kongregasyon at nagpipighati sa Espiritu ng Dios ay pumipigil din sa Kaniyang pagkilos.

 

Ang mga lider na hindi nagmamalasakit sa tupa ay pumipigil ng pagbabagong-buhay. Hindi nila dinadala ang mga tupa sa sariwang pastulan at sa tubig na pahingahan na kinakailangan para sila mabuhay. Ang mga lider na nawalan ng kahabagan para sa namamatay na mundo ay pumipigil ng pagbabagong-buhay. Hindi kinikilala ng marami ang kanilang responsabilidad na manguna sa pagbabagong-buhay (Joel 2: 15-18).

 

MGA KONGREGASYON NA HUMAHADLANG:

 

May mga hadlang din sa pagbabagong-buhay sa kongregasyon ng bayan ng Dios. Ang pagibig nila sa tradisyon ay pumipigil sa pagbabagong-buhay. Pareho ang kahulugan ng pagbabagong-buhay at pagbabago. Ang Dios ay may kaayusan at maaasahan, subalit Siya rin ay sariwa at mahalaga. Hindi siya nakakulong sa tradisyon. Kung ang iglesia ay patatakbuhin ayon sa tradisyon ng mga tao, ito ay tatakbong walang kapangyarihan at presensiya ng Dios.

 

Ang pagibig ng kongregasyon sa pormal na gawain ay pumipigil sa pagbabagong-buhay. Ang asawa ni David na si Michal ay pinarusahan ng Dios at siya ay naging baog dahil hinamak niya si David sa kaniyang pagiging emosyonal sa pagsamba. Ang iglesiang baog ay nais ng pormal at ma-rituwal na gawain. Ang pagibig sa kaiklian ay nakapipigil din ng pagbabagong-buhay. Nais natin na magpadala ng pagbabagong-buhay ang Dios sa loob ng dalawang oras na itinalaga natin kung Linggo ng umaga.

 

Maraming kongregasyon ay gusto ng komportableng katotohanan. Ayaw nila ng pangangaral tungkol sa kasalanan at paghuhukom. Ang mga katotohanang kailangan sa pagbabagong-buhay ay hindi laging komportable. Ang pagnanais na maging respetado ay nakahahadlang din sa pagbabagong-buhay. Ang ibang mga kongregasyon ay mas nag-aalala kung “ano ang iisipin ng iba” kaysa kung ano ang iisipin ng Dios.

 

PANGKALAHATANG MGA HADLANG:

 

May iba pang mga hadlang na makikita sa mga lider at mga kongregasyon. Ang kasalanan ay pumipigil sa pagbabagong-buhay, ito man ay nasa tao sa kongregasyon o ang nasa pulpito:

 

Narito, ang kamay ng Panginoon ay hindi umiksi, na di makapagligtas; ni hindi man mahina ang kaniyang pakinig, na di makarinig (ng panalangin para sa pagbabagong-buhay)…

 

Kundi pinapaghiwalay ng inyong mga kasamaan kayo at ang inyong Dios, at ang inyong mga kasalanan ay siyang nagpakubli ng Kaniyang mukha sa inyo, upang Siya’y huwag makinig.  (Isaias 59: 1-2)

 

Siyang nagtatakip ng Kaniyang mga pagsalangsang ay hindi giginhawa; Ngunit ang nagpapahayag at nag-iiwan ng mga yaon ay magtatamo ng kaawaan.

 (Kawikaan 28:13)

 

Ang pagiging palumagay sa paniniwalang “ito ang mga huling araw at maaasahan nating palala ng palala ang mga bagay” ay pipigil sa pagbabagong-buhay. Hindi pagbibigay ng halaga sa pananalangin at sa Salita, ayaw magpakumbaba, at ayaw maghanap sa Panginoon ay nakahahadlang sa pagbabagong-buhay. Ang pagbibigay ng limitasyon sa Dios ay pumipigil sa Kaniyang pagkilos sa ating kalagitnaan:

 

            At sila’y nagsibalik uli, at tinukso ang Dios, at minungkahi ang Banal ng Israel.

            (Awit 78:41)

 

At Siya’y hindi gumawa roon ng maraming makapangyarihang gawa dahil sa kawalan nila ng pananampalataya.  (Mateo 13:58)

 

Ang pagwawalang bahala ay nakakapigil sa pagbabagong-buhay. Walang pakialam ang mga tao sa mga inaalok ni Cristo at sa pangangailangan ng iba. Ang pagiging manhid sa ating espirituwal na kalagayan at sa pagkilos ng espiritu ng Dios ay pumipigil din ng pagbabagong-buhay.

 

ANG PLANO NG DIOS PARA SA PAGBABAGONG-BUHAY

 

Lahat ng balakid na ating tinalakay ay maaaring maalis sa pamamagitan ng pananalangin sapagkat ang pababagong-buhay ay dumarating bilang tugon sa panalangin. Ganito ang pagdalangin para sa pagbabagong-buhay:

 

Kung ang Aking bayan na tinatawag sa pamamagitan ng Aking pangalan ay magpakumbaba at dumalangin, at hanapin ang Aking mukha, at talikuran ang kanilang masamang mga lakad; Akin ngang didinggin sa Langit, at ipatatawad Ko ang kanilang kasalanan, at pagagalingin Ko ang kanilang lupain. (II Cronica 7:14)

 

Maraming mahahalagang prinsipyo ang napapaloob sa talatang ito. Una, pansinin na ang Dios ay nangungusap sa Kaniyang bayan (“Kung ang Aking bayan”). Hindi Siya nakikipagusap sa mga makasalanan, sa mundo, o sa pangkalahatan. Nangungusap ang Dios sa Kaniyang bayan na “tinawag sa Kaniyang pangalan.” Narito ang dapat gawin ng bayan ng Dios kung nais nila ng pagbabagong-buhay:

 

1. “MAGPAPAKUMBABA”:

 

Ang ibig sabihin nito ay pababain mo ang iyong sarili sa harap ng Dios (pag-aralan ang Levitico 26:40-41). Ito ay pagpapakababa sa harap ng Dios (II Cronica 34: 1-13); ang Kaniyang Salita

(II Cronica 34:14-28); at ang Kaniyang bayan (II Cronica 34: 29-33).

 

2. “MANALANGIN”:

 

Dapat kang manalangin ng tiyak na (1) naghahanap sa Dios at (2) tumatalikod mula sa masamang mga lakad. Madalas tayo ay “wala” sapagkat “hindi tayo humihingi” o mali ang ating paghingi. Dapat nating hingin sa Dios na tayo ay buhayin at manalangin ng tiyak na panalangin ng pagkukumpisal at pagsisisi upang ihanda ang ating puso sa pagkilos ng Kaniyang Espiritu.

 

3. “HANAPIN ANG AKING MUKHA”:

 

Ang mga salitang “hanapin ang Dios” ay ginamit sa mga sumusunod na reperensya sa Lumang Tipan:

 

Exodo 33:7; Deuteronomio 4:29; Ezra 8:22; II Samuel 12:16; 21:1; I Cronica 16: 10-11; II Cronica 7:14; 11:16; 15:4; 20:4; Awit 105:3-4; 24:6; 27:8; 40:17; 69:7; 70:5; Kawikaan 28:5; Isaias 51:1; Jeremias 29:13; 50:4; Oseas 3:5; 5:6-7,15; 7:10; Daniel 9:3; Zefanias 1:6; Zacarias 8:21; Malakias 3:1.

 

Ang pagbabalik-aral sa mga talatang ito ay nagpapakita na ang paghanap sa Panginoon ay:

 

            1. May kusa at buong pusong nagbabalik sa Dios.

            2. May damdamin na magtalaga na maglingkod sa Kaniya.

            3. Isang pagpapasiya na tumalikod sa masama.

            4. Isang pagpapasiya na gawin ang Kaniyang kalooban.

            5. Isang pagtatalaga na manalangin ng taimtim.

 

Ang paghanap sa Panginoon ang pinakamabisang paraan ng pagiwas sa masama (Amos 5:4,14). Ito ang katunayan ng tunay na pagpapakababa (Zefanias 2:3). Ito ang batayan ng pagdama ng presensiya ng Dios (Oseas 5:15). Ito’y nagdadala ng buhay (Amos 5:4-6) at dapat ito ay gawing taos sa puso (Jeremias 29:12-13).

 

 

4. “TALIKURAN ANG KANILANG MASAMANG MGA LAKAD”:

 

Ang pananalangin at pagahanap sa mukha ng Dios ay hindi sapat sa kanilang sarili. Ito ay dapat sundan ng tunay na pagsisisi na ang ibig sabihin ay pagbabago ng direksiyon. Dapat talikuran ang masamang mga lakad, patungo sa Dios. Ang pagsisisi ang katotohanang binigyang diin sa lahat ng pagbabagong-buhay sa Biblia. Makikita ito sa mga pagbabagong-buhay sa Lumang Tipan. Nagpasimula ang Iglesia ng mga panawagan sa pagsisisi (Gawa 2). Ang huling tawag sa aklat ng Apocalipsis ay sa pagsisisi (Apocalipsis 22:16).

 

Ang pagsisisi ay kaloob ng Dios na nagpapabago ng direksiyon ng iyong buhay (Gawa 5:29-31; 11:15-18; II Timoteo 2:22-26). Lahat ng tao ay inutusang magsisi (Gawa 17:30). Kalooban ng Dios na ang lahat ay magsisi (II Pedro 3:9) at ang Dios ay gumagawang mabiyaya upang halinahin ang mga tao na magsisi (Roma 2:4). Ikaw ay mamamatay kung walang pagsisisi (Lucas 13:3, 5). Iniutos ni Jesus na ang pagsisisi at pag-aalis ng kasalanan ay maipangaral sa pangalan Niya sa lahat ng mga bansa (Lucas 24:47).

 

Kasali sa pagsisisi ang tumalikod sa mga kasalanan ng di paggawa (mga bagay na hindi ginawa na dapat ginawa); mga bagay na nagawa (mga maling bagay na nagawa mo); at pag-aakala (hindi naghahanap ng payo sa Dios at nagkakasala dahil dito). Kasama rin sa pagsisisi ang pagtalikod sa “mga patay na gawa” (Hebreo 6:1-3). Ang “mga patay” na gawa ay ang mga relihiyosong mga gawa upang magkamit ng pabor sa harap ng Dios sa pamamagitan ng gawa ng tao.

 

Maaaring makasali ang pagsamba, pag-iikapo, at kabutihan sa iba sa mga patay na mga gawa. Ang pagsamba ay dapat gawin sa espiritu at katotohanan upang hindi maging patay na gawa. Ang pagbibigay na napilitan lamang o dahil sa ikaw ay nahihiyang hindi ka nagbigay pag daan sa iyo ng lalagyan ng handog, ay isa ring patay na gawa. Ang mga gawa ng kabutihan o paglilingkod na ginawa dahil sa obligasyon  o upang tumanggap ng papuri ay patay na gawa rin.

 

Kahit anong gawa na walang capasidad na buhayin ng Espiritu ng Dios ay patay na gawa. Halimbawa, ang pagbabahagi ng Ebanghelyo sa lahat ng panahon at lugar na hindi isinaaalang-alang ang bulong ng Espiritu ng Dios ay baka para ka lang naghahagis ng mga perlas sa mga baboy (Mateo 7:6) at sinasaway ang manlilibak na walang kahulugan (Kawikaan 9:7-8). Lahat ng gawa na ginawa sa lakas ng laman at hindi sa kapangyarihan ng Epsiritu Santo ay patay ng gawa.

 

Dapat mo laging sinusuri ang iyong kalagayang espirituwal, ang iyong mga motibo, at mga paraan ng ministeryo at pagsisihan ang mga kasalanan ng hindi paggawa, kasalanang ginawa, pag-aakala, at patay na mga gawa.

 

BUOD:

 

Narito ang iyong dapat gawin upang maghanda sa pagbabagong-buhay:

 

            -Magpakababa ka

            -Manalangin

            -Hanapin ang mukha ng Dios

            -Tumalikod sa iyong masasamang lakad

 

Narito ang gagawin ng Dios bilang tugon Niya:

            -“MAKIKINIG mula sa LANGIT”:                            Sasagot

            -“PATATAWARIN sila mula sa kasalanan”:              Pagkakasunduin

            - “PAGAGALINGIN  ang kanilang lupain”:               Panunumbalikin

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING  PAGSUSULIT

 

1. Isulat ang Susing Talata na kinabisa mo.

 

________________________________________

________________________________________

2. Ibigay ang katuturan ng pagbabagong-buhay.


________________________________________

________________________________________

3. Paano tayo makapagahahanda sa pagbabagong-buhay?

________________________________________

________________________________________

4. Kailan kailangan ang pagbabagong-buhay?

________________________________________

________________________________________

5. Ibuod ang mga ebidensiya ng panlalamig na espirituwal na tinalakay sa kabanatang ito.

________________________________________

________________________________________

6. Ilista ang mga prinsipiyo ng pagbabagong-buhay na ibinigay sa kabanatang ito.

________________________________________

________________________________________

 

 

 

 

 

 

 


7. Anu-ano ang mga balakid sa pagbabagong-buhay na tinukoy sa araling ito?

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________

8. Ibigay ang reperensya sa Kasulatan ng “Plano ng Dios para sa Pagbabagong-buhay.”

________________________________________

________________________________________

9. Ipaliwanag kung paano gamitin ang “Plano ng Dios para sa Pagbabagong-buhay” na manalangin ng pamamagitan para rito.

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito.)

 

PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL

 

Ang mga reperensya ng pagbabagong-buhay sa Lumang Tipan ay narito para sa dagdag na pag-aaral ng mga prinsipyo. Para sa bawat pagising na espirituwal , ibuod ang mga kondisyong umiiral, ang mga bagay na pumukaw, at ang mga resulta ng pagbabagong-buhay. Ang una ay ginawa bilang halimbawa para gawin mong padron ng iyong pananaliksik. Maaari mong paramihin ang “form” na ibinigay sa dulo ng kabanatang ito para sa iyong pag-aaral.

 

PAGBABAGONG-BUHAY SA ILALIM NI JACOB:  Genesis 35:1-15

 

MGA KONDISYONG UMIIRAL:

 

1. Ang ulo ng pamilya ay malayo sa Dios. Mula sa pasimula, si Jacob ay isang manloloko at nakikikuchaba sa paggawa ng kasamaan. Nangako siyang maglilingkod sa Dios habang tumatakas mula kay Esau, subalit nakaligtaan ang pangakong ito. Si Jacob ay sapat sa kaniyang sarili. Hindi niya inako na galing sa Dios ang lahat ng kaniyang natamo bagamat humingi siya ng tulong sa Dios. Naniniwala siya na natamo niyang lahat ito dahil sa husay niya. Si Jacob ay mahilig sa mga bagay na materiyal at mas pinahalagahan ang mga ariarian at pagbibigay ng mga pangangailangan ng kaniyang pamilya kaysa kaniyang relasyon sa Dios.

 

2. Ang estraktura ng kaniyang pamilya ay hindi ayon sa inilatag ng Biblia: Nagpakita siya ng higit na pabor kay Jose kay sa ibang anak niya. Hindi maayos magpatakbo ng pamilya si Jacob kaya ang mga anak niyang lalake ang gumanti dahil sa panggagahasa sa kaniyang anak na babae (Genesis 34). Ang mga asawa niya ay nanloloko, selosa, at nakikikuchaba.

 

3. May hindi magandang espirituwal na atmosphera: Ninakaw ng mga asawa niya ang mga diodiosan ng kanilang ama. Ang mga anak niyang lalake ay pumatay ng tao, nagnakaw, at kumamkam. Siya at ang kaniyang pamilya ay makasalanan at sumasamba sa diosdiosan:

 Genesis 35.

 

MGA BAGAY NA PUMUKAW:

 

1. May mga pangyayaring hindi kaayaaya ang nagpagising kay Jacob: Genesis 35.

 

2. Ang pagbabagong-buhay ay nagpasimula sa Salita ng Dios: Genesis 35:1.

 

MGA RESULTA:

 

Ang pagbabagong-buhay ay naganap sa tahanan. Kung ang ating mga tahanan ay mabubuhay, ang ating mga iglesia rin ay mabubuhay!

 

1. Itinapon ng pamilya ang kanilang mga idolo at naglinis ng sarili: Genesis 35:2

 

2. Kinilala nila ang tunay na Dios: Genesis 35: 3.

 

3. Bumalik sila sa lugar ng espirituwal na karanasan: (Pagpunta sa Bethel): Genesis 35:3

 

4. Nagtayo sila ng altar, nagsisi, at bumalik sa tunay na pagsamba: Genesis 35:7

 

5. Nabago ang kanilang buhay: Ang pangalan ni Jacob ay binago upang ipakita ang espirituwal na pagbabago: Genesis 32:24-32

 

6. Nakatanggap si Jacob ng bagong kapahayagan ng Dios: Ipinahayag ng Dios ang Kaniyang sarili na “Pinakamakapangyarihang Dios” na ang kahulugan ay nasa Kaniya ang lahat ng kapangyarihan, ang Siyang sapat: Genesis 32: 24-32

 

Ngayon… gamitin mo ang mga sumusunod na mga reperensya at ang “form” sa dulo ng kabanata upang magpatuloy sa pag-aaral ng mga prinsipyo ng pagbabagong-buhay sa Lumang Tipan:

 

 

PAGBABAGONG-BUHAY SA ILALIM NI MOISES:    Exodo 32: 1-35; 33:1-23; kab.34-35

 

PAGBABAGONG-BUHAY SA ILALIM NI SAMUEL:   I Samuel 7: 1-17

 

PAGBABAGONG-BUHAY SA ILALIM NI ELIAS:        I Hari 17-18

 

PAGBABAGONG-BUHAY SA ILALIM NI ASA:           II Cronica 14-15; I Hari 15: 9-24

 

PAGBABAGONG-BUHAY SA ILALIM NI JEHOSAPHAT:   II Cronica 20

 

PAGBABAGONG-BUHAY SA ILALIM NI HEZEKIAS:  II Cronica 29:1-36; 30:1-27; 31:1-21

 

PAGBABAGONG-BUHAY SA ILALIM NI JOSIAS:      II Cronica 34: 1-33; 35:1-19

 

PAGBABAGONG-BUHAY SA ILALIM NI ZERUBABEL:  Hagai 1; Zacarias 1: 1-6

 

PAGBABAGONG-BUHAY SA ILALIM NI SOLOMON:  II Cronica 6-7

 

PAGBABAGONG-BUHAY SA ILALIM NI JONAS:       Aklat ni Jonas

 

PAGBABAGONG-BUHAY SA ILALIM NI NEHEMIAS:  Nehemias 8-10

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Mga Pagbabagong-Buhay sa Lumang Tipan

 

 

PAGBABAGONG-BUHAY SA IALALIM NI: ____________________________________

MGA REPERENSYA:  ________________________________________

MGA UMIIRAL NA KALAGAYAN:

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

MGA BAGAY NA PUMUKAW:

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

MGA RESULTA:

 

 

 

 

 

 

 

 

 

IKA-WALONG  KABANATA

 

PAGPAPASIMULA AT PAGPAPATULOY

 

MGA LAYUNIN:

 

Sa pagtatapos ng kabantang ito, may kakayahan kang:

 

  • Gumawa ng plano para sa isang organisadong pananalangin.
  • Gumawa ng personal na manwal ng pananalangin.
  • Magkaroon ng pananalangin para sa buong mundo.
  • Tukuyin ang mga problema at mga solusyon sa pagsisimula at pagpapatuloy.
  • Baguhin ang pananalangin mula sa disiplina tungo sa kasiyahan.
  • Italaga ang iyong sarili sa ministeryo ng pananalangin para sa iba.
  •  

SUSING TALATA:

 

Datapuwat ikaw, pagka ikaw ay mananalangin, pumasok ka sa iyong silid , at kung mailapat mo na ang iyong pinto, ay manalangin ka sa iyong Ama na nasa lihim, at ang iyong Ama na nakakikita sa lihim ay gagantihin ka.  (Mateo 6:6)

 

PAMBUNGAD

 

Sa pag-aaral natin ng pananalangin para sa iba natutuhan natin ang kahulugan ito, ang mga espirituwal na kapangyarihang ibinigay sa atin upang ito ay magawa, at kung paano magagawa ang uring ito ng pananalangin. Pinag-aralan din natin ang modelong tagapamagitan, ang Panginoong Jesucristo, at natutuhan nating tukuyin at harapin ang mga balakid sa mabisang pananalangin. Ang huling kabanatang ito ay magbibigay ng mga mungkahi kung paano pasisimulan ito at paano magpapatuloy dito sa ministseryo ng pananalangin para sa iba.

 

PAGBUBUO NG PANALANGINAN

 

Kung nais mo na maging mabisang tagpamagitan sa panalangin ay mag-ukol ka ng panahon sa panalangin. Ang isang paraan sa paggawa nito ay gumawa ng plano ng regular na oras ng pananalangin, personal at kasama ng iba. Ipinakita ng Bagong Tipan ang mga estraktura ng pagtatatag ng panalanginan:

 

PERSONAL NA PANALANGIN:

 

Ang panalangin ay dapat gawin nang isahan at sa lihim:

 

Datapuwat ikaw, pagka ikaw ay mananalangin, pumasok ka sa iyong silid , at kung mailapat mo na ang iyong pinto, ay manalangin ka sa iyong Ama na nasa lihim, at ang iyong Ama na nakakikita sa lihim ay gagantihin ka.  (Mateo 6:6)

Magtakda ng oras ng panalangin sa bawat araw, mas mabuti sa umaga bago ka magpasimula ng iyong araw. Kung hirap ka kumilos sa umaga, pumili ka ng ibang oras na mas mabuti para sa iyo. Ito ang oras na gagawin mo ang iyong ministeryo ng pagkasaserdote sa harap ng Dios sa pamamagitan ng papuri at pagsamba at sa pagitan ng Dios at tao na dinadala ang kanilang mga kahilingan. Bago ka manalangin para sa iba magkaroon ka ng panahon ng pagsisisi at hingin sa Dios na ikaw ay linisin sa lahat ng kasalanan. Ang pagsisisi ay pundasyon sa mabisang pananalangin para sa iba.

 

DALAWANG NANANALANGING MAGKASAMA:

 

Ang dalawang magkasamang nananalangin ang pinakamaliit na grupo ng sabayang pananalangin. Ang estraktura sa Biblia at ang kapangyarihan nito ay ipinakita sa talatang ito:

 

Muling sinasabi Ko sa inyo, na kung pagkasunduan ng dalawa sa inyo sa lupa ang nauukol sa anumang bagay na kanilang hihingin, ay gagawin sa kanila ng Aking Ama na nasa langit.   (Mateo 18: 19)

 

Magahanap ka ng kaibigan na nais mong maging tagapamagitan sa panalangin at magpasimula kayong manalanging magkasama nang regular. Kung ikaw ay may asawa, maaari mong piliin ang iyong asawa. Kung may kasama kang nananalangin, may magpapalakas ng iyong loob sa mga oras na ikaw ay nasisiraan ng loob.

 

MALILIIT NA GRUPO:

 

Ang maliliit na grupo (minsan ay tinatawag na “prayer cells”) ay kinapapalooban ng mahigit sa dalawang tao na nagtitipon para manalangin. May malakas na kapangyarihan kapag may dalawa o tatlo na nagsasama-sama para sa layuning ito:

 

Sapagkat kung saan nagkakatipon ang dalawa o tatlo sa Aking pangalan, ay naroroon Ako sa gitna nila.  (Mateo 18:20

 

Maaari kayong magtipon ng lingguhan para manalangin kasama ng maliit na grupo ng mga kaibigan, kasama sa trabaho, o mga kamag-anak.

 

BUONG KONGREGASYON NA NANANALANGIN:

 

Ang buong iglesia ay dapat magsamasama sa panahon ng maramihang pananalangin:

 

Ang lahat ng mga tao’y nagsisispanatiling matibay na nangagkakaisa sa pananalangin… (Gawa 1:14)

 

Ayon sa Gawa 12:5 ang regular na pananalangin ay ginawa ng iglesia para kay Pedro nang siya ay nasa bilangguan. Kung ikaw ay isang pastor katungkulan mong ayusin ang mga ganitong oras ng sama-samang pananalangin.

 

 

PAGGAWA NG PERSONAL NA MANWAL SA PANALANGIN

 

Makatutulong na gumawa ka ng isang personal na manwal para magkaroon ka ng patnubay sa pananalangin. Gumamit ka ng notebook na nahahati sa iba’t ibang bahagi. Magsali ka ng seksiyon para sa:

 

-Mga leksyon na pinag-aaralan tungkol sa pananalangin at pag-aayuno.

 

-Ang iyong lunsod, probinsiya, o bansa: Kumuha ng mapa na iyong lunsod, probinsiya, o bansa at ipanalangin sila. Kumuha ng listahan ng mga lider sa politika at relihiyon at ipanalangin sila.

 

-Personal na pananalangin: Maglista ng mga personal na kahilingan sa panalangin ng iyong pamilya, mga kaibigan at iba pa at ipanalangin sila sa bawat araw. Idalangin ang mga kaanib sa iyong iglesia na binabanggit ang kanilang pangalan.

 

-Ang iyong ministeryo: Idalangin ang iyong sariling ministeryo. Kung nagtuturo ka ng klase sa Biblia, idalangin mo ang iyong mga estudiyante. Kung ikaw ay pastor, idalangin mo ang iyong mga kaanib na binabanggit ang kanilang pangalan. Kung ikaw ay isang magulang, idalangin mo ang iyong mga anak (na kabahagi mo sa ministeryo). Kung ikaw ay isang misyonero o ebanghelista, idalangin mo ang bukas na pinto para sa Ebanghelyo, para sa mga mahihikayat, mga alagad, at mga kamanggagawa.

 

-Pananalangin para sa buong mundo: Mag-ukol ng lugar para sa pananalangin sa mga bansa ng buong mundo at ng pagpapalaganap ng Kaharian ng Dios. Sapagkat ang Harvestime International Network ay nakatuon sa panghihikayat sa buong mundo, nais nating mapag-ugnay lahat ng ating mga ginagawang misyon sa panalangin. Dahil dito, ibinibigay namin ang detalyadong patnubay para sa pananalangin ng pamamagitan sa buong mundo.

 

PANANALANGIN PARA SA BUONG MUNDO

 

Narito ang patnubay para sa panalangin ng pamamagitan sa buong mundo na maaaring gamitin ng isahan, sa maliliit na mga grupo, o ng buong kongregasyon:

 

Papuri sa Dios: (10 minuto)

 

Pumapasok tayo sa presensiya ng Dios na may pagpapasalamat at papuri:  Awit 100:4

 

Panalangin para sa buong mundo na pangkalahatan: (10 minuto)

 

Bago ka mamagitan sa panalangin, humingi ka muna ng kapatawaran sa Dios. Ngayon, ipanalangin mo ang buong mundo na pangkalahatan para sa…

 

-Isang bagong espirituwal na kauhawan sa buong mundo.

 

-Magtindig ang Dios ng isang pandaigdigang puwersa ng mga tagapamagitan sa panalangin.

 

-Ang paglago at pagunlad ng Iglesia sa buong mundo.

 

-Magtindig ang Dios ng mga “manggagawa para sa  pag-aani.”

 

-Pagkakaisa at pagtutulungan sa mga iglesia at pagmimisyon.

 

-Isang pagbabagong-buhay ng alab at kahabagan upang hanapin ang nawawala.

 

-Tamang paggamit ng mga materyal na yaman ng mga mananampalataya upang ikalat ang Ebanghelyo. Hingin sa Dios na ipagkaloob ang kailangang salapi upang magtindig ng mga taong laan at may kayang sustentuhan ang mga gawain ng pageebanghelyo.

 

-Buksan ang mga “pinto ng pagsasalita” upang ibahagi ang Ebanghelyo (Efeso 6:19).

 

-Na ang mga “saradong bansa” ay magbukas ng pinto para sa Ebanghelyo (II Tesalonica 3:1).

 

-Na ang mga nakarinig ng Ebanghelyo ay tumanggap nito (Roma 15:30-31).

 

-Mga mahahalagang isyu na kinakaharap ng Ebanghelyo.

 

-Upang ang puso ng mga opisyal sa gobierno ay maging bukas sa gawain ng pagmimisyon at ebangelismo.

 

-Mga manggagawa na nagtatanim ng mga iglesia at misyon.

 

-Mga mananampalatayang nakakulong o nagdurusa dahil sa kanilang katapatan kay Cristo o sa kanilang ministeryo.

 

-Ang gawain ng mga nagsasalin ng Biblia sa buong mundo.

 

-Mga “Christian correspondence courses,” mga paaralan ng pagsasanay, at mga paaralan ng Biblia sa buong mundo.

 

-Mga manggagawang Kristiyanong lokal.

 

-Mga nagmimisyon sa ibang kultura.

 

-Isang pagkilos ng Dios sa mga kabataan. Sila ang magiging mga lider ng Iglesia sa hinaharap.

 

-Kapahayagan ng wastong estratehiya upang abutin ang bawat nasyon at barrio ng mundo. Hingin sa Dios na ipakita ito sa mga nagtatrabaho sa mga rehiyon na ito.

 

-Proteksiyon sa mga trabahador mula sa mga atake ni Satanas. Talian ang mga ginagawa ni Satanas laban sa mga mananampalataya at mga bansa. Idalangin na palayain sila na lumalaban sa Ebanghelyo (Roma 15:30-31; II Tesalonica 3:2).

 

-Ang pananaw sa mundo ayon sa Biblia na kumalat sa mga mananampalataya, upang sila ay maging mga kamanggagawa sa halip na tagamasid ng plano ng Dios.

 

-Sila na gumagawa sa mga sekular na mga trabaho sa iba’t ibang bansa upang ikalat ang Ebanghelyo.

 

-Mga mananampalataya sa army na nasa iba’t ibang rehiyon ng mundo. Maaari silang maging mabisang puwersa sa pagkalat ng Ebanghelyo.

 

-Ang gawain ng media sa larangan ng relihiyon tulad ng mga recording, mga pelikula, cassette tapes, Christian radio, at television.

 

-Ang gawain ng medisina, relief, at sosyal na pagmimisyon na pinagsasama ang tulong na medikal at pisikal kasama ng pagkalat ng Ebanghelyo.

 

-Mga misyonerong piloto na naghahatid ng mga kailangan ng mga misyonero sa iba’t ibang dako.

 

-Ang gawain sa mga “immigrants at refugees” sa mundo.

 

-Ang pagtali ng mga espirituwal na kapangyarihan ni Satanas na umaapekto sa mga bansa at mga rehiyon. Napatunayan na may ganitong kapangyarihan, tulad ng prinsipe na may kapangyarihan sa Persia sa panahon ni Daniel. Ito ang nagpapaliwanag kung bakit ang ibang bansa ay bukas sa Ebanghelyo at ang iba naman ay hindi. May mga espiritu na aktibo sa ibang rehiyon. Hanggang hindi sila natatalian, ang mga rehiyong ito ay hindi magiging bukas sa Ebanghelyo.     

 

Panalangin para sa isang lugar sa mundo:  (10 minuto)

 

Gumamit ng mapa ng mundo sa pananalangin mo sa mga bansa. Narito ang mga tiyak na bagay na dapat ipanalangin para sa bawat bansa:

 

-Mga sariwang pangyayari. Magkaroon ng koneksiyon sa mga manggagawang Kristiyano sa ibang bansa upang mabalitaan mo ang mga dapat ipanalangin doon. Makinig sa bagong balita.

 

- Ang mga iglesia ng bansa.

 

-Sila na gumagawa sa espirituwal na anihan ng bansang ito: Sila na nagtatanim ng mga iglesia, mga manggagawang lokal, mga paaralan ng pagsasanay, mga misyonero, mga nagsasalin ng Biblia, atbp.

 

-Lahat ng mga mananampalataya sa bansang ito.

 

-Mga hindi pa naaabot na mga tao sa bansa.

 

-Itali ang mga kapangyarihan ni Satanas na gumagawa dito sa bansa; ang mga puwersa na lumalaban sa pagkalat ng Ebanghelyo o nagsasara sa bansa sa pageebanghelyo.

 

-Sa bawat lipunan ay may pitong larangan na nakaaapekto sa pag-iisip ng mga tao at ng hantungan ng bansa. Ito ang tahanan at pamilya, ang iglesia, edukasyon, sining at kaaaliwan, media, gobiyerno, at negosyo. Ipanalangin ang lahat ng larangang ito.

 

Panalangin para sa isang tiyak na misyonero o ahensiya ng pagmimisyon:  (10 minuto)

 

Sa pakikipag-ugnay mo sa ahensiya ng pagmimisyon ay malalaman mo ang mga tiyak na pangangailangan nila na dapat ipanalangin. Magpalista ka sa mga pinadadalhan nila ng “newsletter or prayer bulletin.”

 

Ipanalangin ang isang grupo ng mga tao na hindi pa naaabot:  (10 minuto)

 

Ang malalaking mga grupo ng mga tao na hindi pa naaabot ay mga Buddhist, Hindus, mga tribo, Muslim, at Intsik.

 

            -Ipanalangin na magkaroon ng espirituwal na pagkagutom sa mga grupong ito.

-Ipanalangin na magkaroon ng mga manggagawa upang ibahagi ang Ebangelyo sa kanila.

            -Ipanalangin na magkaroon ng tamang estratehiya upang maabot ang mga grupong ito.

            -Ipanalangin sila na umaabot na sa mga grupong ito.

 

Mga personal na pangangailangan:  (10 minuto)

 

Suriin mo ang iyong mga personal na pangangailangan kaugnay ng mundo. Ano ang kaugnayan ng iyong mga personal na pangangailangan sa plano ng Dios at ang papel mo rito? Kahit ang mga personal mong alalahanin ay dapat may kaugnayan sa plano ng Dios para sa mga bansa. Hanapin mo kung paano mo magagampanan ang dakilang utos na abutin ang mga bansa para sa Ebanghelyo ng Kaharian. Paano mo magagampanan ito nang mahusay? Paano ka magpapasimula ngayon? Paano mo ibibigay ang iyong personal na oras at salapi para sa cosa ng pandaigdigang pagmimisyon?

 

MGA PROBLEMA NA DAPAT MAPANAGUMPAYAN

 

Lahat ng nakaranas na manalangin ng mabisa ay nakaharap na sa mga problema na dapat mapagtagumpayan. Ang pananagumpay sa mga hamon na ito ay bahagi ng pananalangin:

 

“Ang magpursiging manalangin ay ang lumaban sa mga balakid na makapipigil sa pagpapatuloy ng pananalangin. Ang kahulugan nito ay dapat laging nagbabantay sa lahat ng oras, na mapapansin natin kung tayo ay tinatamad na manalangin at tayo ay nagbabalik na may Espiritu ng pananalangin upang malutas ito.”- Dr. O. Hallesby

 

Dalhin ang lahat ng problemang kaharap mo sa Dios kung saan, sa pamamagitan ng “Espiritu ng

Panalangin” (ang Espiritu Santo) ay tutulungan kang malutas ito. Narito ang mga karaniwang mga problemang maaari mong makaharap:

 

 

KULANG SA ORAS:

 

Nagkakaroon tayo ng oras sa mga bagay na talagang gusto nating gawin. Ang kakulangan sa oras ay hindi dahilan. Habang ikaw ay abala, lalo mong kailangang manalangin. Magtakda ka ng oras sa pananalangin at huwag mong bayaan na ang anumang bagay ay makasagabal dito. Huwag mong ibabase ang haba ng iyong pananalangin sa oras na ginugugol ng iba, sapagkat baka mas mahaba o maikli ang kailangan mong oras, depende sa ipananalangin mo. Hindi kinakailangang mahaba ang panalangin upang maging mabisa. Tingnan mo ang panalangin ng magnanakaw sa krus (“Alalahanin Mo ako pagdating Mo sa Iyong Kaharian.”) o ang pagsusumamo ng publikano (“Panginoon, mahabag Ka sa akin na isang makasalanan.”) katumbas ng mahabang panalangin ng Fariseo na nagkukunwaring banal.

 

MGA NAKAKAISTORBO:

 

Piliting iwasan ang mga istorbo pag oras ng pananalangin. Mag-iwan ng tagubilin sa iyong asawa, sekretarya, o ng kaibigan na hindi ka dapat abalahin sa oras ng pananalangin. Kung ikaw ay may telepono, hilingin sa iba na kunin ang mensahe, tanggalin muna ang koneksiyon, o gumamit ng “answering machine.” Huwag mananalangin na malapit sa radio o TV na nakabukas. Kung minsan, ang mahinang tugtuging Kristiyano ay nakakatulong upang matakpan ang ingay ng trapiko o ussapan ng iba.

 

KAPAGURAN:

 

Kung ikaw ay napapgod at inaantok sa oras ng panalangin, subukin mong maglakad habang nananalangin o manalangin ka nang malakas.

 

KULANG SA PAGNANASA:

 

Ang pagnanasa sa ministeryo ng pananalangin ay napag-aaralan. Nag-uumpisa ito sa pananalangin ng regular sa “gusto” mo o hindi. Ang ating karanasang Kristiyano ay nakabatay sa

pananampalataya, hindi sa pakiramdam. Pag nakita mo ang mga resulta ng pananalangin sa iyong buhay at sa buhay ng mga taong ipinananalangin mo, ang iyong oras ng panalangin ay mababago mula sa disiplina tungo sa kagalakan.

 

“At sino ang nagbibigay sa iyo ng pagnanasa? Siempre, ang Dios. Ibinibigay ba Niya ito upang manatiling hindi natutupad? Imposible yan. Itinatanim Niya sa iyo ang pagnanasa sa isang bagay na may intensiyon na ibigay Niya ito sa iyo. Tiyak na ibibigay Niya ito sa iyo kung humihingi ka nang wasto… at tinutulungan ka Niya sa paghingi.”

-Jean-Nicholas Grou

  

ANG PASIMULA NG KATAPUSAN

 

Narito na tayo sa dulo ng pag-aaral tungkol sa pananalangin para sa iba. Sa katunayan, ito ay hindi katapusan kundi pasimula. Natanggap mo ang pinakamakapangyarihang yamang espirituwal sa Katawan ni Cristo… ang pananalangin para sa iba. Sa pamamagitan ng pananalangin, ikaw ay makararating kahit saan sa mundo. Ang iyong mga panalangin ay makapapasok sa mga bansang hindi maabot at tumatawid ka sa mga balakid ng heograpiya, kultura, at politikal. Maaapektuhan mo ang kahihinatnan ng mga tao at mga bansa. Makatutulong ka na makapagligtas ng buhay at kaluluwa ng mga lalake at babae, at mga bata.

 

Sumali ka sa isang malapit na pakikipag-ugnay sa Dios sa pamamagitan ng pananalangin. Maaari kang manalangin na may katiyakan na:

 

Ang Panginoon ng mga hukbo ay sumumpa, na nagsabi, Tunay na kung ano ang iniisip Ko, gayon ang mangyayari; at kung ano ang Aking pinanukala, gayon mananayo. (Isaias 14: 24)

 

Ito ang panukala na Aking pinanukala sa buong lupa: at ito ang kamay na umunat sa lahat ng mga bansa.

 

Sapagkat pinanukala ng Panginoon ng mga hukbo, at sinong wawala ng kabuluhan? at ang Kaniyang kamay na nakaunat, at sinong mag-uurong?

(Isaias 14: 26-27)

 

Ang Panginoon ng mga Hukbo ay may layunin, at walang puwersa sa mundo, laman, demonio, impiyerno, o si Satanas mismo ang pipigil dito. Ikaw ngayon ay bahagi na ng makalangit na pakay na ito sa pamamagitan ng pananalangin. Magtatapos tayo sa makapangyarihang larawan ng pananalangin para sa iba na likha ni Canon Liddon:

 

“Totoo ba na ang pananalangin para sa iba ay pagtugon lang bilang isang ugali, nakakabagot at walang buhay? Bayaan sila na tunay na nanalangin magbigay ng sagot.

 

Inilalarawan nila kung minsan ang pananalangin tulad ni Jacob na isang pakikipagbuno sa hindi nakikitang kapangyarihan na tumatagal sa buong magdamag, o hanggang sa kinaumagahan. Kung minsan tinatawag nila ang karaniwang pananalangin tulad ng kay   Pablo na samasamang pagpupunyagi.  

 

Nakatuon ang kanilang paningin, kung nananalangin, sa dakilang Tagapamagitan sa Gethsemane, sa mga tulo ng dugo na nahulog sa lupa sa pagdurusa at sakripisyong ginawa Niya.

 

Ang pagiging matiyaga ang katangian ng matagumpay na pananalangin ng pamamagitan… hindi ito nangangarap, kundi gawaing nagpapatuloy. Sa pamamagitan ng pananalangin ay nagkakaroon ng pakikipagbaka sa langit at ang malakas ang nagwawagi.” –Cannon Liddon

 

Nakahanda ka bang magtalaga nang ganito?

 

 

 

 

 

PANSARILING  PAGSUSULIT

 

1. Isulat ang Susing Talata na kinabisa mo.

 

________________________________________

________________________________________

2. Isulat ang iyong personal na plano ng pananalangin. Kailan ka maguumpisa? Anong oras sa bawat araw ka mananalangin? Saan ka mananalangin?

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________

3. Aling mga problema na tinalakay sa araling ito ang dapat mong panagumpayan upang makapagumpisa kang manalangin at makapagpatuloy?

________________________________________

________________________________________

________________________________________

4. Nakagawa ka na ba ng iyong personal na manwal sa panalangin?____ Kung hindi pa, tingnan mo ang “Para Sa Dagdag Na Pag-aaral” na seksiyon ng kabanatang ito.

 

5. Nakapagtalaga ka na ba ng oras sa pananalangin sa bawat araw? _____________

6. Kung ikaw ay pastor, guro, o lider sa iglesia, sumulat ka ng isang plano sa pananalangin na kasali ang iyong kongregasyon, mga estudyante, o meimbro ng grupo sa samasamang pananalangin.

 

________________________________________

________________________________________


 

 

 

(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito.)

 

PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL

 

Narito ang patnubay sa iyong paggawa ng iyong personal na manwal sa pananalangin.

 

Unang Bahagi:  Mga Pag-aaral

 

Isingit dito ang iyong mga pinag-aralan tungkol sa panalangin at pag-aayuno upang iyong laging mapagbalikan.

 

Ikalawang Bahagi: Lunsod, Probinsiya, Bansa

 

Kumuha ka ng mga mapa ng iyong lunsod, probinsiya, at bansa at ipanalangin mo ang mga ito. Kumuha ka ng listahan ng mga opisyales sa gobiyerno at simbahan at ipanalangin mo sila. Isingit mo ang mga impormasyon na nakuha mo tungkol sa “spiritual mapping” ng iyong komunidad, lunsod, probinsiya, at bansa.

 

Ikatlong Bahagi:  Personal na Pananalangin

 

Mga Personal na Pangangailangan: Ilista ang mga personal na pangangailangan ng iyong pamilya, mga kaibigan, at iba pa at ipanalangin mo sila araw-araw. Ilista mo ang mga katugunan sa panalangin upang sumigla ang loob mo sa pananalangin para sa iba.

 

Ang Iyong Iglesia:  Humingi ng listahan ng mga lider sa iglesia at ipanalangin sila araw-araw. Ipanalangin ang mga miembro ng iyong iglesia na binabanggit ang kanilang mga pangalan.

 

Ang Iyong Ministeryo:  Ipanalangin ang iyong personal na ministeryo. Kung nagtuturo ka ng klase sa Biblia, idalangin mo ang iyong mga estudiyante. Kung ikaw ay pastor, idalangin mo ang bawat miembro na binabanggit ang kanilang mga pangalan. Kung ikaw ay magulang, idalangin mo ang iyong mga anak (na bahagi ng iyong ministeryo). Kung ikaw ay misyonero o ebanghelista, idalangin mo na mabuksan ang mga pintuan para sa Ebanghelyo, ang mga nahikayat, mga disipulo, at mga kamanggagawa.

 

Ika-Apat na Bahagi:  Pananalangin para sa Buong Mundo

 

Ilagay ang mga patnubay sa pananalangin sa buong mundo na ibinigay sa kabanatang ito. Maaari ka ring kumuha ng mapa ng iba’t ibang bansa upang isingit sa bahaging ito.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

MGA  APENDISE

 

UNANG APENDISE: LISTAHAN NG MGA PANALANGIN SA BIBLIA

 

Natutuhan mo sa kursong ito na si Jesus ang dakilang modelo sa pananalangin para sa iba. Marami pang mga halimbawa ng mga tao sa Biblia na mabibisang tagpamagitan sa panalangin. Narito ang lahat ng mga panalangin na nasa Biblia. Gamitin ang “study guide” na ibinigay dito upang madagdagan ang iyong kaalaman tungkol sa pananalangin para sa iba sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga panalanging ito at ng buhay ng mga taong nanalangin nito.

 

MGA PANALANGIN SA LUMANG TIPAN:

 

Genesis:

 

Ang kasaysayan ng panalangin ay nagpasimula: 4:26

Panalangin at espirituwal na paglago: 5:21-24

Panalangin at ang altar: 12:13

Panalangin para sa isang tagapagmana: 15

Panalangin, ang wika ng panaghoy: 16

Panalangin at kapahayagan: 17

Panalangin para sa isang makasalanang lunsod: 18-19

Panalangin matapos ang pagtigil: 20

Panalangin ng pagsunod: 22

Panalangin para sa isang asawang babae: 24

Panalangin para sa isang baog na babae: 25”19-23

Panalangin ang bumabago ng mga bagay: 26

Panalangin bilang isang panata: 28

Panalangin tungkol sa isang kapatid na lalake na pinagkasalaan: 32

Panalangin, ang lihim na apoy: 39-41; 45:5-8; 50: 20,24

Panalangin ng pagpapala sa mga tribo: 48-49

 

Exodo:

 

Panalanging ipinahayag bilang isang ungol: 1-2

Panalangin bilang usapan: 3-4

Panalangin ng pagrereklamo: 5-7

Panalangin na nakikialyansa sa Pinakamakapangyarihan: 8-10

Panalangin bilang papuri: 15

Panalangin sa oras ng kapahamakan: 17

Panalangin ng nangangailangan:  22:22-24

Panalangin na huwag muna ituloy ang kaukulang hatol: 32

Unang panalangin ni Moises para sa Israel: 32: 9-14

Ikalawang panalangin ni Moises: 32: 30-34

Ikatlong panalangin ni Moises: 33: 12-23

Panalangin at pagbabagong-anyo: 34

Mga Bilang:

 

Panalangin bilang bendisyon: 6:24-27

Panalangin para sa pag-iingat: 10:35-36

Panalangin para alisin ang kahatulan: 11:1-2

Panalangin ng pusong nasisiraan ng loob: 11:10-35

Panalangin ng taong mapagpakumbaba: 12

Panalangin para maitaas ang makalangit na karangalan: 14

Panalangin para sa makalangit na aksiyon laban sa rebelyon: 16

Panalangin na huwag mahirapan sa kamatayan: 21

Panalangin at hula: 23-24

Panalangin para sa isang bagong lider: 27

 

Deuteronomio:

 

Panalangin para sa isang mahalagang gawain: 3: 23-29

Panalangin sa isa na malapit: 4:7

Panalangin na huwag ituloy ang kahatulan: 9:20,26-29

Panalangin bilang pagpapala: 21:6-9

Panalangin ng pagpapasalamat: 26

Panalangin na isang awit: 32-33

 

Josue:

 

Panalangin bilang hamon: 5:13-15

Panalanging hindi tinutugon ng Dios: 7

Panalanging napabayaan, masama ang resulta: 9:14

Panalangin na nagbunga ng himala: 10

 

Mga Hukom:

 

Panalangin para sa patnubay: 1

Panalangin sa oras ng digmaan: 4-5

Panalanging humihingi ng mga tanda: 6

Panalangin sa oras ng kalamidad: 10: 10-16

Panalangin humihingi ng pampalubag-loob: 11: 30-40

Panalangin para sa hindi pa ipinanganganak na bata: 13

Panalangin sa oras ng kamatayan: 16: 28-31

Panalanging tinugon kaagad: 20: 23-28

Panalangin para sa isang tribong nawala: 21:2-3

 

I Samuel:

 

Panalangin walang salita: 1

Panalangin, may hula: 2:1-10

Panalangin sa santuaryo: 3

Panalangin para sa kaguluhan sa bansa: 7

Panalangin para sa hari: 8

Panalangin para pawalan ng kasalanan: 12

Panalangin ng haring nawalan ng pag-asa: 14

Panalangin ng nasaktang puso: 15:11

Panalangin bilang maliit at tahimik na tinig: 16:1-12

Panalangin, lihim ng katapangan: 17

Panalangin ng pagtatanong: 23

Panalangin para sa binging tainga: 28:7

Panalangin para sa panunumbalik ng mga nakuha sa digmaan: 30

 

II Samuel:

 

Panalangin ng pagmamay-ari: 2:1

Panalangin ng mga tanda ng tagumpay: 5:19-25

Panalangin upang pagpalain ang bahay at kaharian: 7:18-29

Panalangin para sa isang batang may sakit: 12

Panalangin bilang pagkukunwari: 5:7-9

Panalangin upang maunawaan ang parusa: 21:1-12

Panalangin bilang awit: 22

Panalangin bilang pagkukumpisal ng kataasan: 24: 10-17

 

I Mga Hari:

 

Panalangin ng karunungan ng puso: 3

Panalangin ng pagtatalaga: 8:12-61

Panalangin para sa isang tuyong kamay: 13:6

Panalangin para sa nakapinid na langit: 17

Panalangin para mabuhay ang patay na anak na lalake: 17: 20-24

Panalangin para sa makalangit na karangalan: 18: 16-41

Panalangin at pagtitiyaga: 18:45

Panalangin na mamatay na: 19

 

II Mga Hari:

 

Panalangin para sa patay na bata: 4: 32-37

Panalangin na makita ang pangitain: 6:13-17

Panalangin para mapalaya ang mga lumalabang mga kaaway: 19

Panalangin para pahabain ang buhay: 20:1-11

 

I Mga Cronica:

 

Panalangin para sa espirituwal na kasaganaan: 4:9-11

Panalangin ng pagtitiwala: 5:20

Panalangin ng takot: 13:12

Panalangin ng pagtatatag ng tipan: 17:16-27

Panalanging tinugon sa pamamagitan ng apoy: 21

Panalangin bilang bantay: 23:30

Panalangin at pagbibigay: 20:10-19

 

II Mga Cronica:

 

Panalangin sa oras ng pambansang panganib: 14:11

Panalangin at pagbabago: 15

Panalangin at pagbalik sa kasaysayan: 20:3-13

Panalangin ng pagsisisi: 33:13

 

Ezra:

 

Panalangin ng pasasalamat: 7:27-28

Panalangin at pagaayuno: 8:21-23

Panalangin at pagkukumpisal: 9: 5-10:4

 

Nehemias:

 

Panalangin na bunga ng kapighatian: 1:4-11

Panalangin sa masikip na sulok: 2:4

Panalangin para sa pagpapalaya mula sa kahihiyan: 4:1-6

Panalangin ng pagtatagumpay laban sa galit: 4: 7-9

Panalangin at pagpapanumbalik: 5

Panalangin laban sa masamang balak: 6: 9-14

Panalangin at ang Salita: 8: 1-13

Panalangin at ang kabutihan ng Dios: 9

Panalangin para maalaala: 13: 14,22,29,31

 

Job:

 

Panalangin ng pagsuko: 1:20-22

Panalangin ng awa: 6:8-9; 7: 17-21

Panalangin na pawalang sala: 9

Panalangin, si Job laban sa kawalan ng katarungan: 10

Panalanging humihingi ng liwanag tungkol sa walang kamatayan: 14:13-22

Panalangin at pakinabang: 21: 14-34

Panalangin at katuwiran: 23

Panalanging tinugon ng ipo-ipo: 38

Panalangin bilang pagkukumpisal: 40:3-5; 42:1-6

Panalangin bilang pamamagitan: 42: 7-10

 

Mga Awit:

 

Panalangin galing sa rebelyon: 3

Panalangin ng kabanalan: 4

Panalangin, bantay sa umaga: 5

Panalangin para sa makalangit na pagkilos: 7

Panalangin ng papuri para sa makalangit na pagkilos: 8

Panalangin ng pag-iingat ngayon at sa hinaharap: 16

Panalangin ng krus: 22

Panalangin sa pag-aalaga ng pastol: 23

Panalangin para ipakita ang makalangit na kaluwalhatian: 24

Panalanging paakyat sa Dios: 25

Panalangin ng pusong nananampalataya: 27

Panalangin bilang salamin ni Cristo: 31

Panalangin ng isang pusong nasa trahedya: 32

Panalangin ng pag-iingat laban sa mga kaaway: 35

Panalangin ng papuri para sa pagibig at kabutihan: 36

Panalangin ng manlalakbay: 39,90,91

Panalangin at ang nagagawa nito: 40

Panalangin ng malalim na pangangailangan: 41

Panalangin bilang pinto ng pag-asa: 42-43

Panalanging humihingi ng makalangit na tulong: 44

Panalanging humihingi ng kanlungan: 46

Panalangin ng nagsisising puso: 51

Panalangin sa lahat ng oras: 71

Panalangin para sa Dios mismo: 73

Panalangin bilang pasasalamat sa kadakilaan ng Dios: 96

Panalangin bilang pagtakas sa mga pagsubok: 102-103, 105

Panalangin ng pag-aalaala: 106

Panalangin para sa nanganganib sa dagat: 107

Panalangin na katambal ng Kasulatan: 19,119

Panalangin ng pagsasaliksik ng puso: 139

 

Mga Kawikaan:

 

Ang buong aklat ay nakatuon sa panalangin bilang alulod ng karunungan.

 

Eclesiastes:

 

Ang aklat ay tinatalakay ang panalangin at takbo ng buhay.

 

Awit ng Mga awit:

 

Mga lihim ng panalangin.

 

Isaias:

 

Panalangin na hindi tinutugon ng Dios: 1:15; 16:12

Panalangin at paglilinis: 6

Panalangin para sa isang tanda: 7:11

Panalangin ng pagluluwalhati: 12

Panalangin ng papuri sa mga tagumpay: 25

Panalangin sa kapayapaan: 26

Panalangin at kapanatagan: 41

Panalangin at pagsasanay: 55

Panalangin, hindi popular sa marami: 59

Panalangin na ipakita ang makadios na kapangyarihan: 63-64

 

Jeremias:

 

Panalanging kinukumpisal ang hindi kakayanan: 1

Panalangin bilang pagluluksa sa panlalamig: 2-3

Panalangin bilang reklamo: 4: 10-31

Panalangin ng pagiyak dahil sa rebelyon: 5

Panalangin mula sa bilangguan: 6

Panalanging pinagbawal: 7:16

Panalangin para sa katarungan: 10: 23-25

Panalangin ng kalituhan: 12:1-4

Panalangin ng kaginhawahan mula sa pagkakasala at tagtuyo: 14: 7-22

Panalangin para sa makalangit na paghihiganti: 15:15-21

Panalangin para malito ang mga kaaway: 16:19-21; 17: 13-18

Panalangin para iwaksi ang masamang payo: 18: 18-23

Panalangin ng bigong puso: 20: 7-13

Panalangin ng pasasalamat para sa makalangit na kabutihan: 32: 16-25

Panalangin para sa naniniwalang mga naiwan: 42

 

Mga Panaghoy:

 

Panalangin ng kirot: 1:20-22

Panalangin para sa awa: 2: 19-22

Panalangin bilang pagrereklamo: 3

Panalangin para sa inaapi: 5

 

Ezekiel:

 

Panalangin bilang protesta: 4:14

Panalangin bilang pagiingat ng mga natira: 9: 8-11

Panalanging santuaryo: 11: 13-16

 

Daniel:

 

Panalangin para sa interpretasyon: 2:17-18

Panalangin laban sa kautusan: 6: 10-15

Panalanging ng pagkukumpisal: 9

Panalangin at ang mga espirituwal na resulta nito: 10

Panalangin tungkol sa kaiklian ng buhay: 12: 8-13

 

Oseas:

 

Nakiusap ang Dios sa isang nanlamig na bayan na manalangin ng panalangin ng pagsisisi.

 

Joel:

 

Panalangin sa oras ng kagipitan: 1:19-20

Panalangin at pagtangis: 2:17

 

Amos:

 

Panalangin para sa kapahingan at kapatawaran: 7:1-9

 

Jonas:

 

Panalangin ng mga paganong marino: 1:14-16

Panalangin sa labas ng Impiyerno: 2

Panalangin ng nagsising lunsod: 3

Panalangin ng isang hindi nasisiyahang propeta: 4

 

Mikas:

 

Panalangin na naghihintay sa Panginoon na matupad ang Kaniyang Salita.

 

Habakuk:

 

Panalangin ng pagrereklamo at paghihiganti: 1:1-4, 12-17

Panalangin ng pananampalataya: 3

 

Malakias:

 

Panalangin – Unang protesta: 1:2

Panalangin – Ikalawang protesta: 1:6

Panalangin – Ikatlong protesta 1:7,13

Panalangin – Ika-apat na protesta: 2:17

Panalangin – Ika-limang protesta: 3:17

Panalangin – Ika-anim na protesta: 3:8

 

MGA PANALANGIN SA BAGONG TIPAN:

 

Mateo:

 

Panalangin at ang pangangailangan ng kapatawaran: 5:22-26; 6: 12,14-15

Panalangin at ang pagpapaimbabaw: 6:5-7

Panalangin na itinuro ni Cristo: 6:8-13

Panalangin na tinukoy ni Cristo: 7:7-11

Panalangin ng ketongin: 8:1-4

Panalangin ng Centurion: 8: 5-13

Panalangin sa oras ng panganib: 8:23-27

Panalangin ng mga inaalihan ng demonio: 8: 28-34

Panalangin ni Jairo: 9: 18-19

Panalangin ng babaing may sakit: 9:20-22

Panalangin ng dalawang bulag na lalake: 9:27-31

Panalangin ng mga manggagawa: 9:37-39

Panalangin ng pagtanaw ng utang na loob ni Cristo sa Dios: 11:25-27

Panalangin sa bundok: 14:23

Panalangin ni Pedro sa kahirapan niya: 14:28-30

Panalangin ng babaing Cananeo: 15:21-28

Panalangin para sa isang anak na may diprensiya sa isip: 17: 14-21

Panalangin ng pagkakaisa: 18:19-20

Panalangin sa talinghaga: 18:23-25

Panalangin para sa isang posisyong may pribilehiyo: 20:20-28

Panalangin para sa kagalingan ng pagkabulag: 20:29-34

Pananalangin ng pananampalataya: 21:18-22

Panalanging nagkukunwari: 23:14,25

Panalangin ng pananagutan: 25:20, 22,25

Panalangin na may pagsuko:26:26, 36-46

Panalangin sa Kalbaryo. 27: 46,50

 

Marcos:

 

Panalangin ng demonyo: 1;23-28, 32-34

Panalangin – Mga ugali ni Cristo: 1:35; 6:41.46

Panalangin para sa bingi at pipi: 7:31-37

Panalangin at pag-aayuno: 2:18, 9:29

Panalangin ng batang nangunguna: 10:17-22

 

Lucas:

 

Panalangin ni Zacarias: 1:8,13,67-80

Panalangin ng pagsamba: 1:46-55

Panalangin ng pagluwalhati: 2:10-220, 25-38

Panalangin sa pituan ng pagsamba: 3:21-22

Panalangin bilang pagtakas sa popularidad: 5:16

Panalangin at ang labingdalawa: 6:12-13,20,28

Panalangin at ang pagbabagong anyo: 9:28-29

Panalangin na patalinghaga: 11:5-13

Panalangin ng alibugha: 15:11-24, 29-30

Panalangin sa labas ng Impiyerno: 16:22-31

Panalangin ng sampung ketongin: 17:12-19

Panalangin na patalinghaga: 18:1-8

Panalangin ng Fariseo at publikano: 18:9-14

Panalangin sa kaligtasan ni Pedro: 22: 31-34

Panalangin ng pagpupunyagi: 22: 39-46

Panalangin at ang buhay na Cristo: 24: 30,50-53

 

Juan:

 

Panalangin para sa espiritu: 4:9,15,19,28; 7:37-39; 14:16

Panalangin ng isang mahal na tao: 4:46-54

Panalangin para sa Tinapay ng Buhay: 6:34

Panalangin para sa Kasiguruhan: 11;40-42

Panalangin na may dobleng pakay: 12:27-28

Panalangin, isang pribilehiyo: 14:13-15; 15:16; 16:23-26

Panalangin ng lahat ng panalangin: 17

 

Mga Gawa:

 

Panalangin sa silid sa itaas: 1:13-14

Panalangin para sa kahalili: 1:15-26

Panalangin at pagsamba: 2:42-47

Panalangin bilang kaugalian: 3:1

Panalangin para sa katapangan sa pagsaksi: 4:23-31

Panalangin at ang ministeryo ng Salita: 6:4-7

Panalangin ng unang martir: 7:55-60

Panalangin para sa mga Samaritano at sa mangkukulam: 8:9-25

Panalangin ng isang hikayat: 9:5-6,11

Panalangin para kay Dorcas: 9:336-43

Panalangin ni Cornelio: 10:2-4,9,31

Panalangin para kay Pedro sa bilangguan: 12:5,12-17

Panalangin ng ordinasyon: 13:2-3, 43

Panalangin na may pag-aayuno: 13:2-3; 14:15,23,26

Panalangin sa tabing ilog: 16:13,16

Panalangin sa bilangguan: 16:25,34

Panalangin ng pagtatalaga: 20:36

Panalangin nang masira ang barko: 27: 33,35

Panalangin para sa may lagnat: 28: 8,15,28

 

Mga Taga Roma:

 

Panalangin para sa masaganang paglalakbay: 1:8-15

Panalangin na pinasigla ng Espiritu: 8:15,23,26-27

Panalangin para sa israel: 10:1; 11:26

Panalangin bilang isang nagpapatuloy na ministeryo: 12:12

Panalangin upang magkaisa ang kaisipan: 15:5-6,30-33

Panalangin sa paggapi kay Satanas: 16: 20,24-27

 

II Mga Taga Corinto:

 

Panalangin bilang benediksiyon: 1:2-4

Panalangin para maalis ang tinik: 12:7-10

 

Mga Taga Efeso:

 

Panalangin at ang posisyon ng mananampalataya: 1:1-11

Panalangin para sa pagkaunawa at kapangyarihan: 1:15-20

Panalangin bilang koneksiyon sa Dios: 2;18; 3:12

Panalangin para sa kalubusan ng kalooban: 3:13-21

Panalangin para sa awit sa kalooban: 5:19-20

Panalangin bilang reserba ng sundalo: 6:18-19

 

Mga Taga Filipos:

 

Panalangin bilang kahilingan sa kagalakan: 1:2-7

Panalangin at kapayapaan ng kaisipan: 4: 6-7, 19-23

 

Mga Taga Colosas:

 

Panalangin bilang papuri sa katapatan: 1:1-8

Panalangin para sa pitong patong ng pagpapala: 1:9-14

Panalangin ng pagsasamahan: 4:2-4,12,17

 

I Mga Taga Tesalonica:

 

Panalangin ng pag-aalaala: 1:1-3

Panalangin para sa pagbabalik: 3:9-13

Panalangin, papuri, at kaganapan: 5:17-18, 23-24,28

 

II Mga Taga Tesalonica:

 

Panalangin upang maging karapatdapat sa tawag: 1:3, 11-12

Panalangin para sa kaayusan at katatagan: 2:13,16-17

Panalangin para sa Salita at pag-iingat: 3:1-5

 

II Kay Timoteo:

 

Panalangin para sa ministeryo ni Timoteo: 1:2-7

Panalangin para sa tahanan ni Onesiforo: 1:6-18

Panalangin para sa mga hindi tunay na kaibigan: 4:14-18

 

Sa Mga Hebreo:

Panalangin bilang papuri sa paglalang: 1:10-12

Panalangin para sa kahabagan at pabor: 4:16

Panalangin at ministeryo ni Cristo: 5: 7-8; 7: 24-25

Panalangin na matupad ang kalooban ng Dios: 12:9,12,15

Panalangin para sa kaganapan: 13: 20-21

 

Santiago:

 

Panalangin para sa karunungan: 1:5-8,17

Panalangin na hindi tumama sa tinutumbok: 4:2-3

Panalangin na nananatili: 5: 13-18

 

I Ni Pedro:

Panalangin ng pasasalamat para sa mana: 1:3-4

Panalangin sa kalagayan ng pag-aasawa: 3:7-12

Pagbabantay sa pananalangin: 4:7

Panalangin para sa katatagang Kristiyano: 5:10-11

 

II Ni Pedro:

 

Panalangin para lumago ang biyaya at kapayapaan: 1:2

 

III Ni Juan:

 

Panalangin, ang pinagmulan ng reputasyon: 1-4, 12

 

Judas:

 

Panalangin sa Espiritu: 20

 

Apocalipsis:

 

Panalangin bilang papuri sa Cordero para sa katubusan: 5:9

Panalangin bilang ginintuang insenso: 5:8; 8:3

Panalangin ng mga karamihang martir: 6:10

Panalangin ng karamihang Gentil: 7: 9-12

Panalangin ng mga matatanda: 11:15-19

Pananlangin ni Moises: 15:3-4

Panalangin ng niluwalhating mga banal: 19:1-10

Mga panalanging tumatapos sa Biblia: 22: 17,20

 

( Ang listahan ng mga panalanging ito ay hinango sa “All The Prayers In The Bible” ni E.M.Bounds)

 

 

 

IKALAWANG  APENDISE

 

PATNUBAY SA PAG-AARAL: PANANALANGIN PARA SA IBA

 AYON SA BIBLIA

 

Reperensiya sa Biblia tungkol sa panalangin: _____________________________________

Sino ang nanalangin ng dalanging ito? ________________________________________

Ang mga impormasyon tungkol sa talambuhay ng taong ito ay ibinigay sa mga sumusunod na reperensiya:

 

 

Mga positibong katangian na nakikita sa buhay ng tagapamagitan na ito:

 

Ilista ang mga katangian kung bakit siya ay isang mabuting tagapamagitan sa pananalangin.

 (Ito ang mga bagay na nais mong lumago sa iyong buhay):

 

 

Mga negatibong katangian sa buhay ng tagapamagitan na ito:

 

 

Maglista ng mga katangian na humadlang sa ministeryo ng pananalangin. (Ito ang mga bagay na nais mong iwasan sa iyong buhay):

 

 

Pagsusuri ng panalangin:

 

Anong mga pangyayari ang nagudyok sa tao na manalangin?

Ano ang pangunahing pokus ng panalangin?

Anu-ano ang mga tiyak na kahilingan sa panalangin?

Anong bahagi ng panalangin ang namamagitan? Paghingi? Pagkukumpisal? Pagsamba at papuri?

May katibayan ba ng pananampalataya o kakulangan nito ng taong nananalangin?

Anu-anong mga talata ang binanggit sa panalangin?

Anong pagtukoy ang binanggit patungkol sa Dios, kay Jesus, o sa Espiritu Santo?

Maglista ng mga pangako ng Dios na inangkin sa panalangin?

Natugon ba ang panalangin? Kailan? Paano?

Kung hindi ito tinugon, bakit hindi?

Anu-ano ang naging bunga ng panalangin?

Ano ang matututuhan mo sa panalanging ito upang maging lalong mabisa ang iyong pananalangin?

 

 

 

 

MGA SAGOT SA PANSARILING PAGSUSULIT

 


UNANG KABANATA:

 

1. Magsihingi kayo, at kayo’y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo’y mangakasusumpong; magsituktok kayo, at kayo’y bubuksan:

Sapagkat ang bawat humihingi ay tumatanggap; at ang humahanap ay nakasusumpong; at ang tumutuktok ay binubuksan.  (Mateo 7:7-8)

 

2. Ang pananalangin ay pakikipagusap sa Dios. Maraming porma ito, subalit ito ay nagaganap kung ang tao ay nakikipag-usap sa Dios at ang Dios ay nakikipag-usap sa tao.

 

3. Ipinakita ng Biblia na ang panalangin ay tinutugon:

 

            Kaagad-agad kung minsan:                          Isaias 65: 24; Daniel 9:21-23

            Naaantala kung minsan:                               Lucas 18:7

            Iba sa ating hinihingi:                                   II Corinto 12: 8-9

            Higit sa ating inaasahan:                               Jeremias 33:3; Efeso 3:20

 

4. Ginawa Niyang pinakamahalaga ang panalangin at ito ay kasabay ng lahat ng mahahalagang pangyayari sa Kaniyang buhay. Tingnan ang bahagi sa Unang Kabanata na pinamagatang “Ang Buhay Panalangin ni Jesus.”

 

5. May tatlong antas ng panalangin: Paghingi, pagsasaliksik, at pagkatok: Ang paghingi ang unang antas ng panalangin. Ito ay ang paghingi sa Dios at ibinibigay agad ang tugon. Ang pagsasaliksik ang mas malalim na antas ng pananalangin. Hindi agad ibinibigay ang sagot dito tulad ng unang antas. Ang pagkatok ay mas malalim pang antas. Ito ang panalangin na nagpapatuloy kung ang sagot ay matagal bago ibigay.

 

6. Pagsamba at papuri:  Ang pagsamba ay ang pagbibigay ng karanganlan at pagmamahal. Ang papuri ay pasasalamat at pagtanaw ng utang na loob hindi lamang sa kung ano ang ginawa ng Dios, kundi kung sino Siya. Pagtatalaga:  Ito ang panalangin na nagtatalaga ka ng iyong buhay at kalooban sa Dios. Kasama rito ang panalangin ng pag-aalay ng buhay sa Dios, sa Kaniyang gawain, at sa Kaniyang mga layunin. Paghingi:  Dito ginagawa ang paghingi, pagsaliksik, at pagkatok. Pagsusumamo ang isa pang salitang ginagamit dito. Pagkukumpisal at pagsisisi: Ito ay pagsasabi ng kasalanan at paghingi ng tawad para sa mga kasalanan. Pamamagitan: Ang taong namamagitan ay kumukuha ng lugar na isa.

 

IKALAWANG KABANATA:

 

1. Dahil dito naman Siya’y nakapagliligtas na lubos sa mga nagsisilapit sa Dios sa pamamagitan Niya, palibhasa’y laging nabubuhay Siya upang mamagitan sa kanila.  (Hebreo 7: 25)

 

2. Ang pamamagitan ay banal, nananampalataya, at nananatiling pananalangin para sa iba na nangangailangan nito.

 

3. Ang pinagbasihang talata sa Bagong Tipan tungkol sa ministeryo ng pamamagitan ay ang tawag sa atin na tayo ay maging mga saserdote sa Dios. Sinasabi sa Salita ng Dios na tayo ay banal na saserdote (I Pedro 2:5), isang makaharing pagkasaserdote (I Pedro 2:9), at isang kaharian ng mga saserdote (Apocalipsis 1:5).

 

4. Si Jesucristo.

 

5. Bilang mga tagapamagitang sumusunod sa mga gawain ng saserdote sa Lumang Tipan at sa padron ni Jesus sa Bagong Tipan, tayo ay tumatayo sa harap ng Dios at sa pagitan ng banal na Dios at makasalanang tao.

 

6. Ang pamamagitan ay mahalaga sapagkat si Jesus mismo ay ginampanan ito sa Kaniyang ministeryo dito sa lupa. Ang kahalagahan nito ay ipinakita rin sa natala sa Biblia na puno ng mga kuwento ng mga lalake at babae na nakaranas ng makapangyarihang bunga sa pamamagitan ng panalangin ng pamamagitan. Sa pamamagitan ng pananalangin, makararating ka kahit saan sa buong mundo sa espirituwal na larangan.

 

IKATLONG KABANATA:

 

1. At tinipon Niya ang labingdalawa, at binigyan sila ng kapangyarihan at kapamahalaan sa lahat ng mga demonio, at upang magpagaling ng mga sakit.  (Lucas 9:1)

 

2. Ang kapangyarihan mo laban sa mga kaaway ay nanggagaling kay Jesucristo at sa posisyon mo bilang mananampalataya. Ang kapangyarihan mo laban sa kaaway ay galing sa Espiritu Santo.

 

3. Ang salitang “talian” ay galing sa salitang Hebreo na asar na ang ibig sabihin ay “talian, ikulong, gapusin, at mag guwarnisyon.” Maaari mong talian ang kapangyarihan ng kaaway upang hindi makagawa sa iyong buhay, sa tahanan, sa komunidad, at sa iglesia.

 

4. Ang pawalan ay palayain. Maaari mong palayain ang mga lalake at babae mula sa gapos ng kasalanan, pagkabigo, at pagkasira ng loob ng kaaway.

 

5. Mateo 16:19

 

6. Ang pangalan ni Jesus ay makapangyarihan sapagkat ito ang kapamahalaan na sa pamamagitan Niya ay nakapapanalangin tayo sa Dios. Tingnan ang Juan 14:14.

 

7. Sa pamamagitan ng dugo ni Jesus tayo ay nakakalapit sa Dios Ama. Hebreo 10:19-22.

 

8. Ang lubusang na pagaayuno ay kung hindi ka kumakain o umiinom man lang. Ang halimbawa nito ay nasa Gawa 9:9. Ang hindi lubos na pag-aayuno ay kung ang dieta ay binawasan. Ang halimbawa nito ay nasa Daniel 10:3.

 

9. Hindi binabago ang Dios sa pamamagitan ng pag-aayuno. Ito ay bumabago sa iyo. Nakikitungo ang Dios sa pamamagitan ng iyong kaugnayan sa Kaniya. Kung ikaw ay nagbago, ang pakikitungo ng Dios sa iyo ay nababago rin.

 

10. Sa Isaias 58 inilarawan ng Dios ang “pinili” Niyang pag-aayuno na nais Niya.

 

11. Pag ikaw ay nag-aayuno ang unang nangyayari ay ang Dios ay nagpapakahayag sa iyo (Isaias 58:9). Ang iba pang bunga ng pag-aayuno na nasa Isaias 58 ay kaliwanagan, patnubay, probisyon, kalakasan, at panunumbalik.

 

IKA-APAT NA KABANATA:

 

1. At ito ang nasa ating pagkakatiwala sa Kaniya, na kung tayo’y humingi ng

anomang bagay na ayon sa Kaniyang kalooban, ay dinidinig tayo Niya:

At kung ating nalalaman na tayo’y dinidinig Niya sa anomang ating hingin, ay nalalaman natin na nasa atin ang mga kahilingang sa Kaniya’y ating hiningi.  (I Juan 5: 14-15)

 

2. Pagbalikan mo ang bahagi sa Ika-apat na Kabanata tungkol sa kung paano manalangin ng pamamagitan.

 

3. Sa Ika-apat na Kabanata, pagbalikan mo ang mga bagay na dapat nating ipanalangin.

 

4. Pagbalikan mo ang mga prinsipyo ng mabisang pananalangin sa Ika-apat na Kabanata.

 

5. Matututuhan mo ang pangako ng Dios at kung paano manalangin ayon sa Kaniyang mga pangako, at malalaman mo na ang iyong mga panalangin ay sasagutin. Ang isang paraan ng paggawa nito ay basahin ang buong Biblia at markahan ang lahat ng pangako ng Dios at dito ibatay ang iyong mga panalangin.

 

IKA-LIMANG KABANATA:

 

1. Kayo’y nagsisihingi, at kayo’y hindi nagsisitanggap, sapagkat nagsisihingi kayo ng masama, upang gugulin sa inyong mga kalayawan.  (Santiago 4:3)

 

2. Kahit na anong uri ng kasalanan; mga idolo sa puso; espiritu na hindi nagpapatawad; pagkamakasarili at maling motibo; maling pagtrato sa asawa; pansariling kabanalan; hindi nananampalataya; hindi sumusunod kay Cristo at sa Kaniyang Salita; kulang sa kahabagan; paimbabaw, kataasan, walang kahulugang paulit-ulit; hindi humihingi ayon sa kalooban ng Dios; hindi humihingi sa pangalan ni Jesus; mga balakid na inilalagay ni Satanas; hindi inuuna ang kaharian; kung hindi kayo marunong manalangin nang nararapat.

 

3. Kung sinabi sa iyo ng Dios na gawin ang isang bagay. Dapat kang kumilos ayon sa direksiyon na ibinigay Niya sa iyo at huwag gamitin ang pananalangin bilang dahilan upang huwag mong sundin ang iniutos ng Dios.

 

 

IKA-ANIM NA KABANATA:

 

1.

Ama namin na nasa Langit Ka,

Sambahin nawa ang Pangalan Mo.

Dumating nawa ang kaharian Mo.

Gawin nawa ang Iyong kalooban,

Kung paano sa Langit, gayon din naman sa lupa.

Ibigay Mo sa amin ngayon ang aming kakanin sa araw-araw.

At ipatawad Mo sa amin ang aming mga utang,

Gaya naman namin na nagpatawad ng mga may utang sa amin.

At huwag Mo kaming ihatid sa tukso,

Kundi iligtas Mo kami sa masama.

Sapagkat Iyo ang kaharian,  at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian,

Magpakilan man. Siya Nawa.  (Mateo 6: 9-13)

 

2. Mateo 6: 9-13 at Lucas 11:2-4

 

3. Ang Kaniyang panalangin ay nagpasimula sa pang-uring maramihan na “namin.” Makikita pa natin ang mga salitang “ibigay Mo sa amin,” “huwag Mo kami,” at “patawarin Mo kami.” Ang modelong panalangin ay isang panalangin ng pamamagitan sapagkat ipinananalangin mo ang iyong sarili at ang iba.

 

4. Ipanalangin mo ang panalangin para sa kanila: “Dalangin ko na ang iyong kaharian ay dumating sa kaniyang buhay, ang kalooban Mo ang masunod. Bigyan Mo siya ng kaniyang kailangan sa araw na ito…” atbp.

 

5. Ang mga pangalan ng Dios ay nagpapakita ng Kaniyang karakter at kung sino Siya sa atin at maaari natin itong angkinin sa ating pananalangin para sa iba. Halimbawa, angkinin mo si Jehovah-Jireh upang tugunin ang pangangailangan ng iba.

 

IKA-PITONG KABANATA:

 

1. Kung ang Aking bayan na tinatawag sa pamamagitan ng Aking pangalan ay magpakumbaba at dumalangin, at hanapin ang Aking mukha, at talikuran ang kanilang masamang mga lakad; Akin ngang didinggin sa Langit, at ipatatawad Ko ang kanilang kasalanan, at pagagalingin Ko ang kanilang lupain. (II Cronica 7:14)

 

2. Ang makapangyarihan at di karaniwang gawa ng Dios sa pamamagitan at para sa mga tao na natutuhan ang mga prinsipyo na nahayag sa Rhema Salita ng Dios patungkol sa pagbabagong buhay.

 

3. Naghahanda tayo para dito sa pamamagitan ng pagsunod sa mga prinsipyong inihayag sa Salita ng Dios. Ang pagbabagong-buhay ay ang magsakamang pagkilos ng Espiritu ng Dios at ang tugon ng mga tao ng Dios.

 

4. Ang pagbabagong-buhay ay kailangan kung ang panlalamig ay nakikita.

 

5. Itulad mo ang iyong sagot sa buod ng mga ebidensiya ng isang nanlalamig na kalagayan na ibinigay sa Ika-pitong Kabanata.

 

6. Itulad ang iyong sagot sa buod ng mga prinsipyo ng Biblia na nakalista sa Ika-pitong Kabanata.

 

7. Mga balakid sa mga lider, sa kongregasyon, at mga pangkalahatang balakid. Tingnan ang tinalakay sa Ika-pitong Kabanata.

 

8. II Mga Cronica 7:14

 

9. Magpakababa ka, manalangin, hanapin ang mukha ng Dios, tumalikod sa iyong masasamang lakad. Tingnan ang tinalakay sa Ika-pitong Kabanata.

 

IKA-WALONG KABANATA:

 

1. Datapuwat ikaw, pagka ikaw ay mananalangin, pumasok ka sa iyong silid , at kung mailapat mo na ang iyong pinto, ay manalangin ka sa iyong Ama na nasa lihim, at ang iyong Ama na nakakikita sa lihim ay gagantihin ka.  (Mateo 6:6)

 

2. Magkakaiba ang sagot.

 

3. Maaaring tama ang mga sumusunod na sagot: Kulang sa oras, mga nakakaistorbo, pagod, kulang sa pagnanasa.

 

4. Magkakaiba ang sagot.

 

5. Magkakaiba ang sagot.

 

6. Magkakaiba ang sagot.